Chapter 8

23 5 0
                                    


"Hay... Hindi ko talaga gusto si Ms. Nerva. Napakasungit" mahinang bulong ni Zilly sa tabi ko. Napangiti ako ng kunti ng magpout ito. Para siyang bata na pinagsabihan ng magulang.

"Itapat niyo ang kanang kamay sa bilog na nasa libro" nang gawin namin ang sinabi ni Ms. Nerva ay parang may sariling buhay ang libro na bumuklat at huminto sa hihintuang pahina.

Napakurap ako ng dalawang beses at napa-wow ng mahina. May kapangyahiran rin ba ang librong ito?

"Simulan niyo na ang pagbabasa" tumingin ako kay Chyna na nasa kabilang gilid ni Zilly. Nagkibit balikat lang ito ng makita niyang nakatingin ako sa kanya.

"Simulan niyo na ang pagbabasa" sabi ni Ms. Nerva, halos bumunghalit sa pagtawa sina Samira at Zilly mabuti nalang at napigilan nila ang sarili. Mga pasaway talaga.

"Gamay mo na talaga kung ano ang sasabihin ni Ms. Nerva" Jenny jerked.

"Sino ba naming hindi. Halos alam na namin ang lahat ng linya niya pag nasa klase. Ilang ulit na kaya naming naging guro si Ms. Nerva" paliwanag ni Zilly na may kalokohang iniisip.

Napailing nalang ako sa kanila at tumingin sa librong nasa harapan ko.

Agad na nakuha ng atensyon ko sa nabasa at halos hindi makapaniwala.

"Diwata at mahikiro?"

"Zalfecians ang tawag sa mundo ng mga diwata at mahikiro"

Totoo ba talaga ito? Sa mundo namin isang baliw lang ang naniniwala sa mga ganon. Kaya lang how can I explain everything of these? Sa lahat ng mga nakikita ko. Alam ko naman na hindi na ito normal sa isang kagaya ko.

"Una palang ay liwanag lang ang mayroon sa mundo nila. Ang Zalfecians ay nahahati sa dalawang kaharian. Kaharian ng nga diwata at kaharian ng mga may mahika. Mapayapa ang lahat at nagkakaisa ang dalawang kaharian pero meron silang nag-iisang batas na kailangan sundin ng lahat at yun ang bawal umibig o iibig sa magkabilang lahi. Subalit sinuway iyon ng prinsipe ng mga mahika na si prinsipe Byron. Umibig siya sa nag-iisang magandang prinsesa ng nga diwata na si diwata Azul. Hindi lingid ng lahat ang kanilang pag-iibigan haggang sa nagbunga ito. Nalaman ng lahat ang tungkol sa pagdadalang tao ng diwata kaya natakot ang mga diwata at Hindi na nakipagsapalaran sa mga mahikiro. Nagsilang ng kambal na sanggol ang diwata na nakakapagbago ng lahat. Ang kambal na nagtataglay ng liwanag at kadiliman. Ang isang sumpa. Simula noon ay nagkaroon na ng kadiliman at dahil dun ay maraming nangamba at natakot. Ang mga mahikiro ay natutulog sa tuwing sasapit ang dilim at gumigising pagsapit ng umaga. Ang kaharian naman ng mga diwata ay naglaho at hindi na nakita pa. Ganon rin si diwata Azul na biglang naglaho matapos isilang ang kambal. Simula noon wala ng nakakakita sa mga diwata"

The magical symbol of sylvester academyWhere stories live. Discover now