Chapter 9

11 4 0
                                    

Ganito siguro ang pakiramdam kung alam mong nasabingit ka ng kamatayan. Kung alam mong maliit lang ang posibilidad na mabubuhay ka.

Napatingin ako sa dalawang tahimik at seryosong naglalakad sa unahan ko. Naririnig ko na rin ang ingay sa di kalayuan kung saang lugar na gaganapin ang hamon sa pagitan namin ni Lira.

Di naman siguro ako papatayin ng babaeng yon kaya bakit pakiramdam ko sa dalawang to ay sigurado silang mamamatay ako sa kamay ni Lira.

Agad na napahinto ako.

"Sana hindi niyo iniisip na ito na ang huling araw ko" saad ko sa dalawa na nagpatigil sa kanila.

Marahas silang napasinghap sa sinabi ko at lumingon sakin.

"Of course not" Si Jen ang unang nagreact na nagpataas ng kilay ko.

Kanina lang sinabihan niya akong wag mamamatay. Niloloko ba ako nito. Saka bat kasi parang nilukuban yung mga itsura nila.

"Kahit na magkakapiraso ang katawan mo, I'm sure na hindi ka mamamatay" mataray na saad sakin ni Sam.

"Hindi nakakatawa Sam" pagtataray ko din dito.

"Kaya lang-"

"Kaya lang... Ano?" Putol ko kay Jen

"Baka mako-comatose ka ng ilang taon" matipid na napangiti ito na nagpatigil sakin.

Right... Hindi naman ako ganon ka lakas para matalo ko si Lira lalo na kung isa lang akong mortal. Ano ba naman kasing pumasok sa utak ko at tinanggap ko ang hamon ng babaeng yon.

Naalala ko bigla ang mga magulang ko. Kung buhay pa sila at malalaman nila ang katangahan ko, sigurado akong kukurutin ni mommy ang singit ko at gagawan naman ng paraan ni daddy ang maling desisyon ko. Dad, Mom.

Wala sa sariling napahigpit ang kapit ko sa sandatang nakasabit sa may bewang ko. Napatingin ako dito at mapait na napangiti. Ang sandatang kagaya ng pumatay sa mga magulang ko at ito rin ang sandatang gagamitin ko para sa laban namin ni Lira.

Nanginig ang mga kamay ko habang nakahawak dito.

"Hey" naputol ang paglalakbay ng isip ko at napatingin kay Sam "Scared?" Nakita ko ang pagtaas ng kilay nito at ang nakakainsultong ngiti na gumuhit sa mga labi nito.

"Tsh" nilampasan ko sila "take a good spot para makapanood kayo ng maayos" saad ko, tumigil ako sandali at itinagilid ko ng kunti ang ulo ko para tingnan sila "alam kong wala akong kalabanlaban kay Lira pero susubukan kong talunin sya" binigyan ko sila ng isang matamis na ngiti at nagsimula ng lumakad.

Nang makalabas na ako sa isang mahabang underground hallway kung saan ang mga participant dadaan para makapunta sa gitna ng arena. Malinaw ko ng naririnig ang mga hiyawan. Ang mga pagche-cheer nila para kay Lira at ang pangbo-boo nila ng makita nila akong lumabas.

Napatingin ako kay Lira sa gitna na tila ba walang gana sya sa laban namin.

Napabuntong hininga akong napatingin sa hagdanan. Nagdadalawang isip na iapak ang mga paa ko.

"Scram human"

"Die"

"Boooooo"

"Go Lira"

Napahigpit ulit ang kapit ko sa espada.

"Kaya mo yan Dev"

Napatingin ako sa taas ng marinig ko ang malakas na boses ni Jen. Kumaway ito sakin para makita ko.

'Believe in yourself' she mouthed.

Napangiti ako sa kanya. Ang babaeng yon. Napatingin rin ako sa tabi nito na si Sam. Tumango ito sakin na tinanguan ko rin.

The magical symbol of sylvester academyWhere stories live. Discover now