Danger X2

3.1K 111 29
                                    

Danger X2

Napakunot ang noo ko ng makita kung anong oras na. 10 pm at wala pa ang magaling kong kapatid. Sumilip ako ng bintana at napailing ng walang pinagbago iyon. Tulog na sila Mom and Dad, at ako eto, naghihintay parin. Sinubukan kong tawagan ang cellphone nito pero unattended.

Napabuga ako ng hininga. Hindi iyon inaabot ng ganitong oras sa labas kasi isang dakilang takot sa dilim ang kapatid ko. Yup. Takot siya sa dilim, kaya hanggang maari bago magtakip-silim ay nasa loob na siya ng bahay. Wala rin naman siyang paalam na gagabihin siya.

Umakyat ako ng kwarto ko at kinuha ang faded army green na jacket ko at isinuot iyon. Hindi na ako nagabalang magpalit ng pantalon o pajama. Naka short akong lumabas ng bahay, iminaneho ang sasakyan ko para hanapin si Gin.

Sinubukan ko paring tawagan ang cellphone number nito, maging ang mga kaibigan niya pero wala parin. Nasaan ka na ba Gin? Darn it.

Nakalabas na ako ng village pero wala parin ni isang bakas ng magaling kong kapatid. Surely, magbabayad yon sa'kin kasi pinagaalala niya ako.

"Takbo pre! Takbo!" Napakunot ako ng sunod sunod na kalalakihan ang nagtakbuhan sa gilid. Bumaba ako ng sasakyan ko sa kuryosidad. Sinundan ko ang pinagmulan nito at nakita ang isang anim na kalalakihan na may ginugulpi. Seriously?

Itinaas ko ang hood ng jacket ko at umatras para umalis na. Wala naman akong pakialam at hindi naman ako dapat makialam. Nakakailang hakbang palang ako ng makarinig ng isang pamilyar na sigaw.

"Ateeee!!" Nagpantig ang tenga ko. Napahigpit ang pagkakayukom ng kamao ko at kaagad na napalingon sa kumpol ng kalalakihang iyon.

"Sa lahat ng tatawagin mo? Ate mo pa talaga?" Mayabang na sabi nung isa sa kanila. Nakita ko kung paano nila pagtulungan ang taong iyon.

"Ateee! Magpapakabait na ako!"

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim. Well built ang katawan. Tumikhim ako at napunta naman ang atensyon nila sa akin. Nanatili akong nakayuko. Nagngitngit ang ngipin ko sa labis na galit ng makita ang itsura ng kawawa kong kapatid. Puro pasa ang katawan nito, dumudugo ang noo at putok ang mga labi.

"Eto ba ang ate mo?" Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Umangat ang sulok ng labi ko.

"Miss, huwag ka ng mangealam dito." Lalo kong naikuyom ang kamao. Christus Balker. Hindi ko lubos maisip na dito ko pa makakatagpo ang mga taong ito.

"Tangina naman bata, pipi ba 'tong ate mo?" Rho Gower. Nagpahabol pa ito ng sipa sa mukha ng magaling kong kapatid. Hindi ko na kilala ang mga kasama ng mga ito na pinaalis ng tatlo ng makita ako.

Walang takot akong humakbang papalapit pero hindi pa ako nakakalagpas ng marahas akong higitin ni Mignus Haiah Humpries sa braso ko at pwersahang ipinaharap sa kanya.

"Who are you?" In return, marahas kong sinuntok ang vital spot nito sa dibdib at agad na tinuhod ang kinabukasan niya.

Sinugod naman ako ng tatlo ng sabay sabay, kasama ang malulutong nilang mga mura. Siniko ko sa mata si Rho Gower kasabay ng pagsipa ko sa mukha ni Christus Balker. Bahagya akong yumuko para iwasan ang suntok ni Phase Taddeo. Hinawakan ko ng mahigpit ang braso nito at kaagad na binali. Malakas na pagdaing nito ang pumuno sa tahimik na paligid.

Napahiga ito habang hawak hawak ang bali niyang braso. Don't worry, di pa siya mapuputulan na'n. Mabait pa ako. Dahil dito, napahinto ang dalawa pa sa pagsugod sa akin. Si Mignus? Ayon, paralize ang buong katawan pero temporary lang naman ito.

Dinura ko ang chewing gum sa gilid, mali kayo ng kinalaban.

"Sino ka?" Humarap ako kay Christus Balker at marahas na sinuntok ito sa panga bago sinipa sa dibdib. Tumalsik iyon sa gilid kung saan may supot supot ng basurahan.

Binalingan ko naman si Rho Gower, putok na ang labi nito at may malaking pasa sa pisnge. Hindi ko akalain na ganito kahihina ang mga taong ito. Gangster wanna be. Putangina.

Sinuntok ko ito sa tiyan na hindi naman nakareact kaagad bago sinipa ang bandang ibaba ng tuhod nito, sapat na para magkaroon siya ng maliit na fracture sa binti.

Bahagya akong lumuhod sa tabi ni Gin. At inakay ito sa likod ko. Hindi na ito nagsasalita, dapat lang. Mamaya na. Kailangan ko ng explination kung bakit pinagiinitan siya ng grupo ng asong iyon.

Bago ako tuluyang makalayo, nakaramdam ako ng pamilyar na init at hapdi sa braso ko pero hindi ko na pinansin iyon.

"Who the fuck are you?!" Sigaw ni Mignus na sa tingin ko ay unti unti ng nakakabawi. Humarap ako dito, hirap siya at pilit niyang itinatayo ang sarili pero hindi niya magawa. Kulang pa yan sa ginawa niyo.

"I am Danger. And i am just a nobody." Malamig na banggit ko bago itinakbo si Gin sa kotse. Inihiga ko siya sa backseat ng sasakyan.at mabilis na tiungo ang pinakamalapit na hospital. Miracle Hospital.

"A-ate, you're bleeding." Napatingin ako sa jacket ko na binabasa ng sarili kong dugo. Tumutulo ang dugo sa sahig ng kotse ko. Kaliwang kamay ko ang nakahawak sa manebela kasi paralisado na ang kanang kamay ko dahil sa tama ng bala.

Hindi ako nagsalita. Namumuo ang pawis sa noo ko at nagsimula na akong habulin ang sarili kong hininga. Narating namin ang hospital at kaagad kong pinasuri ang kapatid ko.

Gamit ang cellphone, tinawagan ko si Mommy at sinabing nandito kami sa Hospital. Ilang minuto lang ang binilang ng makarating sila. Mababakas ang pagaalala sa mukha nito.

"Rum? Anong nangyari?" Niyakap ako ni Dad at napadaing ng madampian niya ang tama ko sa braso.

"Anong masakit? Bakit?" Muntik ko ng makalimutan ang tama ko. Magbabayad sa akin ang taong iyon. Phase Taddeo.

Hinubad ko ang jacket ko at doon bumungad ang butas na kalamnan ko sa braso. Kitang kita ang butas na gawa ng bala ng baril at umaagos doon ang dugo. Napahiyaw si Mommy kaya agad akong napalayo sa kanya.

Hindi ko namalayan na pinaupo na ako sa wheelchair at itrinasfer sa emergency room. Pero kahit na. Kailangan ko parin ng explination sa mga nangyari. Fuck.

--

Rye's note: again, this story is not edited and not suitable for perfectionist readers. If you're bored, better leave and please stop reading. Thank you and Godbless you.

Votes and Comments are highly appreciated.

#HerNameIsDangerWP
#HNIDWP

Her Name Is Danger [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon