Danger X19

1.7K 59 1
                                    

Danger X19

Napatingin ako sa wrist watch ko at nakita kong 12 am na. Huminga ako ng malalim at bahagyang sumilip sa siwang ng pinto ng kwarto ko. Madilim na ang salas at paniguradong tulog na pati ang parents ko. Isinara ko ang pinto at inilock iyon.

Tumungo ako sa bintana at bahagyang ini-angat iyon. Naglikha iyon ng impit na ingay pero hindi sapat para maistorbo ko ang mga taong natutulog sa tabi lamang ng silid ko. Tuluyan ko iyong naiangat at humalik na sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin.

Mula sa bintana, naabot ng mga mata ko ang lalaking nakasandal sa bigbike nito. Hindi kalayuan sa gate namin. Iniangat nito ang mga kamay at bahagyang kumaway. Napangisi naman ako. On time huh?

Mabilis na kumilos ako at tinalon ang bintana. Lumapag ang mga paa ko sa damuhan kung nasaan ang mini garden namin kasi iyon ang tapat ng kwarto ko. Hindi naglikha ng ingay ang pagkakatalon ko kaya napangisi ako roon.

Tahimik akong naglakad at inakyat ang pader namin hanggang sa tuluyan akong makalapit sa taong kanina pa naghihintay sa akin.

"What is this all about?" Tanong na pambungad nito sa'kin oras na nakalapit ako sa kanya. Walang gana ko itong tiningnan. Katulad ko, purong itim din ang suot nito. Vneck na itim na tshirt, at pantalon. Nakasuot din siya ng maong na jacket.

"By the way, you're so sexy beast." Biglang ngisi nito at pinasadahan ako mula ulo hanggang paa. Umikot pa siya sa akin at nangangati ang kamay kong suntukin siya sa mukha.

Walang gana ko siyang tiningnan. Napaayos namab ito ng tayo at ngumiti sa akin. Inagaw ko sa kanya ang helmet na suot niya at isinuot iyon.

"Ligawan na kaya kita, beast? What do you think?" Biglang sabi nito sabay sakay sa big bike niya.

"Not my thing." Sagot ko rito at umangkas na sa likod niya. Agad naman niyang pinaharurot iyon. Walang pakialam kung nago-overspeed siya sa bilis ng pagpapatakbo niya sa bigbike. Hindi pinansin ang mga sasakyan na bumubusina tuwing nalalampasan namin simula ng makalabas kami ng village.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa patutunguhan namin. Bumungad sa akin ang malaki at magarang mansion. May halong Italian Architecture ang exterior design nito at alam ko maging ang loob.

Agad kaming pinapasok ng nagbabantay sa gate ng makilala kung sino ako habang mapanuri naman ang tingin nila kay beast na nakatungong nakasunod sa akin. It's his first time here.

May fountain sa pinakagitna bago ang mansion. Dancing fountain. Tuluyan kaming nakapasok sa loob at doon bumungad sa amin ang napakagarang salas. Malaki ito at malawak. May mga bulaklak at halaman na siyang dahilan kung bakit presko habang Italian Architecture din ang pagkaka desenyo sa loob.

Mula sa ceiling na may painting din. Para bang nagsilbing museum sa ganda at laki.

"Danger! Oh my God! You're here!" Napatingin ako sa malaking staircase kung saan tumatakbong bumaba ang isang babae. Naka suot ito ng red casual dress na above the knee. Nakabraid ang buhok nitong hanggang bewang.

"Oppps!" Agad ko siyang naalalayan sa balikat ng matapilok ito sa harap ko. Ngumiti siya ng malapad bago pasimpleng inayos ang suot niya.

"Wala paring nagbago sayo Danger! You're still sexy and.. ahm.. and emotionless!" Halos nakangiwing banggit niya sa sinabi niya. Walang emosyon na tiningnan ko ito at hindi nagsalita.

"And you are?" Binalingan niya ng tingin si Cascade na siyang nasa likod ko. Ngayon niya lang ata napansin.

"I'm.. " hindi natuloy yung sinasabi ni Cascade ng samaan ko ito ng tingin.

Her Name Is Danger [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon