Danger X49

1.2K 49 1
                                    

Danger X49

Natigilan si Danger dahil sa naramdaman na pagbulong ni Mignus mula sa likuran nito. Nakaramdam siya ng kung anong kiliti sa tiyan pero bahagya niyang ipinilig ang ulo para alisin ang weirdong pakiramdam.

Nagangat ito ng tingin sa babaeng nakadilaw na kasuotan. Umangat ang sulok ng labi niya, sapat lang para mapaatras ang babae at iba pang kasamahan nito.

"They wanted to kill. Should I allow them? You tell me." Walang ganang tanong ni Danger sa kanila.

Namamangha parin ang mga kasamahan nitong mga kalalakihan sa kung paano umakto si Danger. Ang boses nito na para bang walang kagana-gana at walang kainterest- interest sa kausap. At ang mabilis na pag shift ng prisensya nito.

"That red dots on your dress seems well suited to you. Hmm?" Nagulantang naman ang babae at bumaba ang tingin sa suot na dress at doon niya napansin ang mahigit sampong pulang maliliit na bilog sa dilaw ng damit.

Dahan-dahang umatras ang babae palayo kay Danger.

"Kill her!" Sa sinabing iyon ng babae ay kasabay ng pagbaon ng blades sa kanang mata nito. Nagsisigaw naman ito sa sakit. Akmang kikilos ang mga armadong kalalakihan ng umataki na ang kasamahan ni Danger.

Mabilis at pulido. Walang mintis. Bumagsak lahat ng armadong lalaki at nanatiling nakatayo na tila ba walang pakialam sa paligid si Danger na hindi manlang umalis sa pwesto niya maging si Mignus na nasa likuran niya lang. Nakangisi.

"What.. were you saying again?" Tila nagtatakang sambit ni Danger sa babae habang nakangisi ng malapad.

"You! Y-you are a monster! M-my.. eyes! Aaaah!"

"You've reach my limit. Now? Face the consequence." Mapanganib na sambit ni Danger habang matamang nakatingin sa babae na umaatras na. Sapo ang kaliwang mata nito na hindi pa naalis ang blade at mas lalo pa atang bumaon.

Hindi lang ang babae ang nakaramdam ng kilabot. Lahat sila, maging ang mga istudyante na nakarinig at nakakita sa nangyari.

Fuck! She's scary! Napaiwas ng tingin si Ceyx ng maramdaman ang paggapang ng kakaibang lamig sa katawan.

Hindi niya kayang titigan ng matagal si Danger sa mga ganitong panahon. Nakakatakot, nakakagago at nakakapanghina ang ibinibigay nitong bigat ng prisensya.

Don't messed up with her. Paulit ulit na itinatatak ni Rouxreal sa isip ang mga katagang iyan. Alam niyang miski biro ay hindi nito papalagpasin and everyone should know their places.

"She can effortlessly made you pee in your pants because of fear. That's my Empress." Sambit ni Percival sa sarili bago itinulak ang sarili paalis.

Paano niya nagagawang magbigay ng ganuong kabigat na prisensya? Paano niya nagagawang manakot ng walang ibang ginagawa?

It was just like, she was naturally born with it. Making someone feel terrible effortlessly. Manipulating and controlling everything around her. She's doing it like a habit, effortlessly.

"Tell that fucking King of yours to stop pestering me. I'm an ill-tempered and I might end up sending you deeper than hell."

Lahat ng nakarinig ay ramdam ang diin at intensidad ng pagkakasabi ni Danger. Hindi mabigilan ng ibang istudyante na nakasaksi na mapaiyak dahil sa takot. Halos manginig ang mga kamay ng mga ito. Maging ang taong humahamon kay Danger ay biglang nabahag ang buntot. Ni hindi nila magawang tingnan ng diretso si Danger.

Yumukod si Danger para magtapat ang mukha nila nung babae. Napupuno ng dugo ang mukha nito at maging ng damit niya. Wala narin ang mga pulang ilaw na nakatutok sa kanya.

"Nagkakaintindihan tayo?" Mabilis na tumango ang babae.

Fuck! She's more scary when she speak tagalog. Damn it! Tuluyang tumalikod si Ceyx sabay hawak sa pendant ng kwintas nitong suot. Itinago niya iyon sa ilalim ng tshirt niya. Wala akong laban. She will kill me if she founds out. Fuck.

"Leave." Sa sinabing iyon ni Danger ay kahit hirap at nangangatog ang tuhod ay pinilit ng babae na makalayo sa lugar na iyon. Hanggang sa inakay ito ng isang lalaki papasok sa van.

Naiwan naman si Danger na bumalik ang walang emosyon na mukha nito. Muli niyang ibinulsa ang mga kamay sa bulsa ng jacket niya at nilingon si Mignus na hindi manlang umalis sa kinatatayuan nito.

Biglang ngumiti ang lalaki sa kanya. Natigilan si Danger doon at napako ang tingin kay Mignus na matamang nakangiti sa kanya at napupuno ng paghanga ang mga mata. Muli niyang naramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Masarap sa pakiramdam ngunit nakakatakot.

"You're great." Lumapit si Mignus sa kanya. Bahagya nitong iniangat ang kamay para i-ipit ang ilang hibla ng buhok ni Danger sa likod ng tenga nito bago siya halikan sa noo at yakapin ng mahigpit.

"I can't believe it. How can leader be cheesy infront of those stupid students who'll still afraid of what happened?" Naiiling na sambit ni Phase Taddeo habang hila hila ang isang bangkay ng armadong lalaki kanina at isinilid sa isang malaking drum.

Ganon din ang ginawa ng iba. Pinagkasya ang ilang bangkay sa dalawang malalaking drum habang may mga tauhan naman si Rouxreal na buhat nito at isinakay sa isang truck palabas ng Exzerious.

Now, they need to deal with those traumatized students. And they don't know how. 

Nakatulala parin ang mga istudyante at hindi gumalaw. Takot, naginginig sa takot. Nakatakip ang mga kamay sa tenga at mariing nakapikit na tila ba nagdarasal. Ang mga mayayabang na istudyante ay tila ba naging mabait sa mga oras na ito.

Nagsimula naring umalis ang mga kasama ni Danger. Si Rouxreal, Ceyx, even Cassiopeia ay umalis narin ng hindi ini-istorbo ang kachessy-han ni Mignus.

"So what are we going to do now?" Bumuntog hininga si Phase Taddeo habang nakatingin sa mga istudyante. Christus Balker shrugged at pinagpatuloy lang ang paglipat ng page ng libro na binabasa.

"Kill them?" Tanong ni Rho Gower habang nagiisip.

"That's not a good idea." Iling na sambit ni Sim habang tahimik na mina-map ang naiwang bakas ng dugo.

Ang istudyante naman ay nanlalaki ang mga mata. Hindi alam kung anong gagawin. Tatakbo ba palayo at magtatago? Sino nga ba ang hindi mababaliw ng makita ang mga pangyayari na hindi naman dapat masaksihan? At pagkatapos ay kalmado lamang na umakto ang mga gumawa na para bang simple at sanay na sa ganuong pangyayari?

"Everyone!" Dahan dahang napatayo ang mga istudyante ng makita ang dumating. Lahat sila ay nakayuko.

"I would like to apologize because of this simple incident. I hope that we all forgot what happened and have fun. Besides, you don't have any choices but to follow. Again, I am sorry everyone." Mahabang litanya ni Lysias ng may kakaibang ngiti sa labi.

At tila ba robot ang ma istudyante na kalmadong umalis sa oval. At umuwi sa kanya-kanyang tahanan na para bang nangyari.

Takot sila sa nangyari pero mas takot sila sa pwedeng mangyari oras na hindi sila sumunod kay Lysias.

--

Rye's note: Hello everyone! I'm using an android kapag nagsusulat ako kaya maraming typos pa. As I announced, matatapos na 'tong story around 60-70 chapters kaya tingnan nalang natin. HAHAHHA good day! Keep supporting! Lovelots!

Her Name Is Danger [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon