Danger X30

1.3K 50 0
                                    

Danger X30: Sim Lowell.

Naikuyom ko ang kamao ko habang galit na nakatingin kay Hacel Andraia. Walang nagtangkang lumapit sa kanya dahil sa baril na hawak niya. I knew it! Dapat alam ko ng mangyayari ang bagay na 'to. Nasa gilid lang ang mga taga council at naghihintay ng kung anong gagawin nito.

Nababaliw na talaga siya.

"My Highness!"

Bumaling ako kay Danger na nakatayo na ng maayos. Walang emosyon ang mukha nito, walang mababakas na kahit ano. Ang kaibahan lang ay ang mga palad niyang nakahawak sa sikmura niyang walang humpay sa pagdugo.

I look at her. Parang walang nangyari dito. How did she managed doing that? Nakaalalay sa gilid niya si Mignus na naramdaman ata ang pagbabago ng paligid. Fuck.

Kinilabutan ako ng bumigat ang aura nito. Sobrang bigat. Kulang nalang ay ang itim na aura na bumalot sa paligid niya. Fuck.

Napaatras ako at mabilis na umiwas ng tingin. Ang mga mata nito ay matingkad pa sa pula. Nangyayari lang yan kapag may matinding emosyon siyang nararamdaman, nalalabanan nito ang epekto ng tablets na iniinom niya para maging itim ang mga mata niya. This is bad.

Inis na lumakad ako papalapit kay Hacel. Galit na galit ang mga mata nito habang nakatingin sa akin.

"What?! Are you going to side that bitch?!" Singhal niya sa akin. Hindi ko ito pinansin, lalo na ng itutok niya ang baril sa direksyon ko.

"Stop Sim! Back off! Huwag kang mangealam dito!" Nagtuloy ako sa paglakad papalapit sa kanya. Walang pakialam sa baril na tumutok sa akin. Kapag binaril niya ako, finish na.

"Sim! Tanga ka ba?!" Narinig ko pa na inawat din ako ni Rho at tinatanong kung anong ginagawa ko pero hindi ko sila pinansin.

Dapat matapos na'to. This is too much.

"I said, back off Sim! Kung ayaw mong madamay dito!" Tuluyan akong nakalapit sa kanya.

Bahagya ko siyang tiningnan sa mga mata. Nakita ko ang gulat na tingin nito sa akin. Mabilis siyang umiwas ng tingin kaya kinuha ko ang palapulsuan niya at hinila palayo sa lugar na iyon.

"Wait! What the hell are you doing Sim?! Hayaan mo nalang akong patayin siya!" Kinaladkad ko siya papuntang parking lot. Tuloy tuloy lang siya sa pagpupumiglas sa hawak ko.

Sana lang ay hindi pumasok sa makitid niyang kokote na may hawak siyang baril at paputukin ito sa akin. Kung hindi, dito na matatapos ang buhay ko.

Walang imik na binuksan ko ang shot gun seat ng kotse ko at itinulak siya papasok roon. I'm loosing control. Damn it.

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa kotse. Hindi pinansin ang sunod sunod na reklamo niya sa akin. She's holding a gun, isang improvised na hand gun na siyang pinagamit ni Sir Robert sa amin kanina.

"Sa'n mo ba ako dadalhin?! Palabasin mo'ko dito!" Singhal niya s aakin ng makitang inilock ko ito. Ilang ulit niyang hinampas ang windshield ng kotse ko at nagtitimpi akong iuntog ang mukha niya sa mismong windshield na hinahampas niya. Damn it. Mabilis na pinatakbo ko ang sasakyan mula kung saan.

"Ahh! You wan't to protect that bitch kaya ba hinila mo'ko paalis doon?! So what?! You just side  her! Anong gagawin mong susunod? Patayin ako?! Come on!"

Galit na tiningnan ko ito. Itinigil ko ang sasakyan sa gilid ng daan. Nasa tulay kami ngayon, walang tao liban sa mga sasakyang mabilis na dumaraan.

"Get out!" Sigaw ko dito.

"Ayoko! Pagkatapos mo'kong dalhin dito, iiwan mo nalang ako?! Nahihibang ka na ba?! Kung hinayaan mo 'kong patayin yung babaeng yun, edi sana tapos na lahat ng problema ko!"  Ilang ulit na hinampas ko ang manubela at marahas na lumabas ng kotse. Nagpakawala ako ng malakas na sigaw at marahang sinabunutan ang ulo ko.

Her Name Is Danger [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon