Danger X51

1.1K 43 0
                                    

Danger X51

Napahawak ako sa ulo ko. Sobrang sakit, parang binibiyak. Huminga ako ng malalim para ikalma ang sarili. Sinubukan kong i-adjust ang katawan ko sa sakit.

Fanculo! Nakarinig ako ng katok sa pinto kaya dahan-dahan akong tumayo. Pinilit kong maglakad papunta sa pinto. I was being out of breathe. At hindi ko alam kung bakit. Binuksan ko ang pinto kasabay ng pagkawala ng balanse ko.

Awtomatikong napahawak ako sa taong iyon na agad naman akong inalalayan.

"Hey baby, are you okay?" Pamilyar ang boses nito pero hindi na ako nagabalang magangat pa ng tingin. Ipinikit ko ng mariin ang mga mata at ininda ang kirot ng ulo ko hanggang sa unti-unti iyong nawala.

Napahinga ako ng malalim at nagangat ng tingin. Bumungad sa akin ang nagaalalang ekspresyon ng mukha nito.

"I'm okay. Don't mind me." Inayos ko ang sarili at pumasok sa loob ng unit ko na siya ring ginawa niya. I immediately closed my loptop and Whiskey's loptop before heading to the kitchen.

"Why are you here?" Tanong ko kay Mignus na bagong dating.

"I miss you." He shrugged. I look at him blankly-- the usual stare that I always do. Ngumiti siya sa akin ng malapad, still expecting me to feel something about it. In which, I couldn't tell.

"Did you ate already?" Tanong ko at iniwan na ang unang sinabi nito. I took a glance sa wallclock at nakitang maga-alasdose na ng tanghali at hindi pa ako nakakakain.

"I'm actually looking forward to eat lunch with you." Biglang sambit niya. May kakaibang kislap ang mga mata nito at nakadikit ang isang ngiti sa labi. Hindi naman siya masaya sa lagay na yan e no?

"Okay." Iniligpit ko ang lata ng beer maging ang tasa ng kape bago inilipat ang tingin sa kanya. I'm wearing my jacket and a short na disente pa namang tingnan.

"May bagong bukas na fastfood chain malapit lang dito. Want to try?" Tumango nalang ako bilang tugon at halos magkasabay kaming lumabas ng unit ko. He's not staying here at Mi Cerise Condominium and it's still a mystery for me why he'd waste time coming here.

"How's Slytherin?" I asked. Pumayag na ang Black Government na lumaban muli ang Slytherin dahil sa ginawa nila.

"They're doing good. In fact, they're enjoying getting into fist-fight and car racing inside Mous Track and Mous Ring." He said.

"Maybe.. they just want to enjoy and kill time." Tumango tango ito sa akin. Tumigil ang sasakyan at nakita ko ang magaan na vibes ng isang restaurant.

"About, Whiskey.. you knew him right?" I asked him blankly.

Natigilan naman siya sa tanong ko, bahagya niya akong binalingan ng tingin bago muling itinuon ang pansin sa nilalakaran namin. We decided na huwag ng gumamit ng sasakyan since walking distance lang naman ang sinasabi niyang resto.

"What really happened before that night, Haiah?"

--
MIGNUS.


"What really happened before that night, Haiah?" I stopped. Gulat na napaangat ako ngt ingin at binalingan siya. Ilang hakbang ang layo niya sa akin, dalawa? Tatlo?

"Haiah?" I asked absentminded. She called me Haiah. She really called me Haiah. Fuck!  At doon tila nag sink in lahat. Bahagyang lumaki ang mga mata ko. Alam kong alam niya na alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin, kung tungkol saan ang mga ito.

"Y-you remember?" Tuluyan akong humarap dito.

I'm loosing my cool. Fuck. Tumingin lang siya sa akin, diretso. Walang ekspresyon katulad ng palagi niyang ginagawa. Parang walang gana. Ang mga kamay ay nakabulsa sa bulsa ng army green na jacket niya. Nakalugay ang maiksi nitong buhok.. and her eyes were turning to red. Her eyes can't lie.

I know what really her true relation to Whiskey-- which happened to be one of my friends.

"Bakit hindi ko masyadong maalala? Tell me, Mignus. What really happened before and after that night? Did.. Whiskey really died?" Walang ganang tanong niya. Her usual tone but I know something was off.

In fact that her eyes is red. Her presence became heavy. But her eyes, it's blank. Like what she's asking wasn't a big deal.

"Y-- your parents.." mahinang sambit ko pero alam kong narinig niya iyon. Umiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung kaya kong sabihin, hindi ko alam kung mapapatawad ko ang sarili ko kapag sa akin mismo nangagaling.

"It wasn't my story to tell.. but I'm aware that I'm part of that story."

Walang nagbago sa ekspresyon nito habang nakatingin sa akin. Humakbang ito papalapit hanggang sa kalahating metro nalang ang layo niya sa akin.

Tumitig siya sa mga mata ko at iniangat ang mga kamay para idampi iyon sa pisnge ko. What the heck are you doing?! Fuck! Fuck! Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hanggang sa nahagip ng mga mata ko ang mabilis na paggalaw ng kaliwang kamay niya kasabay ng kalabog sa kung saan.

"Ackk! Aah!" Akmang titingnan ko ang bagay na iyon ng hinuli niya ang tingin.

"Just look at me, Mignus." She said.. and why the fuck she sounds so sexy?

"What's happening?" Mahinang tanong ko. Her eyes were telling me something I couldn't tell. Ang kanang kamay niya ay nanatili sa pisnge ko.

"Shit! Ack! M-.. my eyes!" Sunod ko pang rinig mula sa kung saan pero alam kong nahihirapan na ang taong iyon.

Tumingin ako kay Danger na nagtatanong ang mga mata. Ngumiti siya sa akin-- bago humakbang paatras.

"I'm just going to finished some business, Mignus." Nakangiti niya paring sambit. Bago muling humakbang paabante at nilagpasan ako-- leaving me there.

Her smile.. it reaches her eyes.. it was genuine with a bit of danger.  Fuck. I'm crazy.

Napagpasyahan kong sundan ito ng tingin at doon ko lamang nakita ang isang lalaking napupuno ng dugo ang mukha. Sa ibaba ng isang puno ng mangga.

Nasa lapag ang isang baril na may nakakabit na silencer. Purong itim ang kasuotan nito. Habang nakatayo sa harap niya si Danger na walang mababakas na kahit na ano.

Lumapit ako pero agad ding napahinto at kinilabutan ng marinig ang sinabi niya.

"--- he's mine and he's my business. He's in my territory. So whoever tries to touch or even hurt him, will be send deeper than hell."

---

Her Name Is Danger [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon