Danger X35

1.4K 47 0
                                    

Errors ahead.

Danger X35

Matamang minasdan ko ang hindi magkamayaw na pagkilos ng mga tao na pinalilibutan ang Mous Track. Nanatili ako sa ilalim ng isang puno, nakatayo at nakapamulsa ang mga kamay habang minamasdan silang lahat.

Maingay at may nakakabulahaw na kanta ang pumapailanlang sa paligid. Inaakma sa Mous Race na magaganap ngayong gabi.

"Enjoying the view?"

Hindi ako nagangat ng tingin ng maramdaman ang pamilyar na prisensya sa tabi ko. Hindi ako kumibo at nanatiling walang emosyon. Malalim na ang gabi at may klase pa ako bukas ng umaaga.

"Hindi ko alam na nahihilig ka na sa Mous Race ngayon, Danger." I didn't even bothered to look at him.

"I'm hurt. Wala ka talagang balak pansinin ako." Ipinilig ko ang ulo at blankong tiningnan ang taong iyon.

"Back off." Walang ganang banggit ko.

"Your eyes is scary. It was bloody. Fuck." Bahagya pa itong ngumiwi at umatras ng konti palayo sa akin. 

Pinanatili ko ang mga kamay sa bulsa ng itim na jacket ko. Nakalugay ang maikli kong buhok habang nakaangat ang hood ng jacket ko at nakasuot ako ng itim na facemask. Not my usual get up kapag gusto kong makilala bilang Danger. For now, ayoko muna ng complications. Gusto ko lang huminga at pagmasdan ang paligid ng hindi nila nalalaman.

But this guy beside me ruined everything. The vibes and the atmosphere of being peacefully alone.

"Danger, hindi siya ang kalaban mo. They manipulating you to do something you'll regret in the end."

Walang emosyon na binaling ko ang tingin sa kanya. Diretso ang seryosong mukha nito na nanunuod sa Mous Race na nangyayari.

Umihip ang marahang simoy ng hangin. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya.

"Kumikilos na sila. They knew that you're the one who killed Atty.Vandal that's why Deathrose's punishment wasn't that severe." Bahagya niya akong nilingon ng may kung anong emosyon sa mga mata.

"Uh?" Tumango ito bilang tugon.

"Hindi lang iisang mafia ang kalaban mo Danger. Lalo na't nasa'yo ang bagay na gustong makuha ng bawat organisasyon." Bumaba ang tingin nito sa akin at nagtama ang tingin namibg dalawa.

Nagku-kulay dilaw ang mga mata niya lalo na't natamaan ito ng ilaw mula sa Mous Track. Tiningnan ko siya ng blanko. Perpekto ang mukha nito. Makapal ang kilay at mababakas ang isang tatoo sa buong kanang leeg niya pababa sa bandang balikat nito na umabot pa sa jaw line niya.  Those tattoo looks perfect.  Perpekto ang pagkakaukit no'n sa katawan niya.

"I can manage, Ceyx." I told him blankly. Ngumisi lang siya sa akin bilang tugon.

"By the way, have you heard about the American Mafia?" I shrugged.

"Slate is having a hard time to eliminate that mafia." Blanko kong inilipat ang tingin sa nagkakarerahang mga motorsiklo sa maputik na Mous Track. Malalakas ang ugong ng hindi magkamayaw na mga tao dito.

"It's a chaos, Danger."  Huminga ito ng malalim ng hindi ako nagsalita at nanatiling ganuon ang ayos.

"See you around, Danger. I still need to face Lysias for some matters." Tumango lang ako. At ng makita kong iniangat nito ang kamao sa ere ay iniangat ko din ang kamao ko. Balak na niya sanang makipag fistbump sa akin ng bigla siyang mapahinto.

"Shit! Are you going to kill me with your blades?" Hesterikal na tanong niya at umatras palayo sa akin. Nakangiwi ito habang nakatingin sa kamao ko.

Her Name Is Danger [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon