Danger X5

2.7K 78 32
                                    

AGAIN! NO TO PERFECTIONIST READERS PLEASE!

ERRORS AHEAD.

Danger X5

"Happy Birthday ulit Mommy and Daddy!" Pagbati ko bago tuluyan silang umalis. Nandito ako ngayon sa airport at hinatid sila Mom and Dad.

Binigyan ko sila ng ticket para mag cross-country. They badly need it. No. I badly need it. And yup, magkaparehong araw ang birthday nila Mom and Dad. Magkaiba lang ng taon kasi 5 years ahead si Daddy kay Mommy.

It's been two weeks simula ng magkausap kami ni Lowell at siya ang naglakad ng mga ito para mapabilis ang pag alis nila Mom and Dad.

Napabuntong hininga ako bago itinaas ang hood ng jacket ko ng tuluyan akong makalabas ng airport. Mabilis na iminaneho ko ang sasakyan, paalis do'n.

"Nakaalis na sila?" I almost hissed ng biglang may magsalita sa backseat ng sasakyan ko. Nagtama ang tingin namin mula sa rare mirror.

"I'm really, really going to kill you!" I gritted.

Tinawanan niya ako at kaagad na lumipat sa passenger seat at hinarap ako. Mabilis niyang hinawi ang manubela dahilan kung bakit muntik na kaming bumangga sa isang SUV.

"What the fuck Lowell?!" Malakas niya akong tinawanan na sinamaan ko lang siya ng tingin. I swear, papatayin 'ko tong gagong to.

"I really, really love hearing you cuss." My lips thinned lalo na ng gayahin niya ang paraan ng pagsasalita ko.

"You're crazy." I mumbled at hindi nagpakita ng emosyon. Malakas siyang natawa. I wonder, kung bakit siya natatawa.

"Crazy for you My Highness."

Hindi na ako umimik kasi panigurado, hindi naman tatahimik 'tong taong to at in the end of the day, ako rin ang sasakit ang ulo sa kakulitan nito.

"Uwi ako sa inyo. I want to beat Gin" napairap ako sa kawalan at mas lalong binilisan ang pagmamaneho.

"Saan kita ibaba?" He pouted.

"Sama ako sayo." Fine. Ngumiti siya ng malawak dahil sa pagsuko ko sa kakulitan niya. Besides, i hope na si Ginn lang ang kukulitin niya at bu-bwisitin. Pero aasa pa ba ako?

Nakarating kami sa bahay namin at kaagad ko namang ipinark ang sasakyan ko. Sa kapal ng mukha ni Lowell, siya na mismo ang naunang pumasok sa bahay namin sabay sigaw ng "I'm homeeee" like the fuck?!

"Kuya Simmy!" Rinig kong bati ni Gin bago pa ako tuluyang makapasok sa bahay namin. Nadatnan ko sila sa sala na naguusap. Good.

Dumeretso ako sa kusina para kumuha ng miryenda nilang dalawa kasi panigurado, mamaya maya ay makakalimutan na nilang kumain. Naghilom na ang pasa ni Gin pero nanatiling naka simento ang kanyang binti. Isang buwan ata yon. Not sure. Last week, nakapasok na din siya sa paaralan.

"Wanna go to a vocation?" Tanong ni Lowell sa magaling kong kapatid.

"Bakit Kuya Simmy?" Lumapit ako at ibinaba ang miryenda sa lamesa nila at kaagad na umakyat sa kwarto ko.

Ini-lock ko ang pinto at kaagad na hinubad ang jacket ko. Pumasok ako sa walk-in closet ko at kinuha ang malaking case sa pinakagilid. Inilapag ko iyon sa kama ko at kaagad na binuksan.

"It's been a while, baby." I grin. Agad na hinaplos ang mga bagay na nasa loob. Akmang ilalabas ko ito ng makarinig ng sunod sunod na katok.

"What?!" Walang gana kong tanong sa boses na tama lang para marinig ng taong iyon.

Her Name Is Danger [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon