04-SABONG?

337 20 4
                                    

Y/N's POV

Pagkatapos i-announce kung sino ang nanalo, tumayo at umalis na kami sa pinagpwestuhan namin para salubungin sina oppa.
Pagdating namin sa likod, nadatnan namin silang dalawa na sobrang lungkot ang mga mukha dahil sa nangyari.

Lumapit si Taehyung sa kanila at sinabing "Ayos lang yun mga hyung"

"Ang malas talaga!" inis namang sabi ni Yoongi

"Huwag mong sabihin iyan, sadyang magaling lang talaga yung si RM"-Jungkook

"Oo nga, ang galing-galing talaga ni RM, kahit hindi ko naintindihan yung english niya"-Jin na kinikilig pa 'Lande much

"Ano? magaling ba yun, eh fans lang naman ang nagdala sa kanya, para sakin mas magaling parin kayo hyung"-Jimin

Napangisi naman si j-hope at lumapit kay jimin, "Talaga jimin? Magaling ako, ayieeh love mo talaga ako..." at saka ngumisi siya na parang manyak
Napaatras naman si Jimin "Yaaaks! Hindi ko sinabing ikaw lang, lumayo ka nga sakin! Kay kookie lang ako" at saka lumapit siya kay jungkook para umakbay, bago pa niya tuluyan akbayan si jungkook lumayo si jungkook sa kanya "Pwede ba jimin huwag ako, hindi ako pumapatol sa dwende"sabi ni Jungkook at napatawa naman kami..

"Ayan na naman kayo, inaano ko ba kayo? Di bale na nga lang andito naman si Y/n" saka lumapit siya sakin para akbayan sana ako "Sige! Subukan mo lang idikit yang mga kamay mo sa kapatid ko, babalian ko yang maliit mong daliri" banta ni yoongi sa kanya dahilan para lumayo siya sakin.

"Tama na nga itong mga kaulolan niyo, umuwi na tayo, oppa gusto ko na umuwi naistress kasi ako sa english ni RM"pagyaya ko sa kanila, lumaki naman mga mata nila at tumingin sakin.

"Bakit?"-me

"Wala naman, tara na umuwi na tayo"- sagot naman ni Jin, pero parang iba yung ibig sabihin sakin..

Paalis na sana kami nang masalubong namin si RM, pare-pareho naman kaming nagulat di namin maaasahan na pagtatagpuin ang aming mga landas. Yeah!

Tinaasan naman nila ng kilay si RM maliban kay Jin na nagpapacute? at Yoongi na walang reaksyon ang mukha, napansin ko na napakagwapo niya pala lalo na sa malapitan.

Isa-isa tiningnan ni RM ang mga reaksyon ng mukha namin lalo na sa kanila and then nag-smile siya sa amin yung parang pilit, natakot siguro siya sa mga kasama ko.

"Uhm, Hi.." -RM

"Hello! Do you know annyeonghaseyo?" Jin
Nagtaka naman si RM, "Joke lang, ito naman by the way Im Jin the worldwide handsome"dagdag pa ni Jin at inabot ang kamay niya kay RM para maghand-shake.

"Ah, haha Im RM, nice to meet you."-RM
Saka nakipagkamay kay Jin, at parang ayaw naman na bitawan ni Jin.Naku!

Ilang saglit pa sapilitang hinila ni RM yung kamay niya at nabitawan ni Jin, "Hehe, ito nga pala mga kaibigan ko, Sina J-hope, Jimin,Taehyung, Yoongi, Jungkook, at si Y/n bunsong kapatid ni Yoongi"pagpapakilala sa amin ni Jin.

Tumingin sakin si RM, tiningnan ko lang din siya, 'at nagtinginan kame joke' nginitian niya ko na labas dimples. Ang cute!

"Nice to meet you Y/n"-RM, saka inaabot yung kamay niya sakin

"Uhm, nice meet you too"sabi ko na lang, saka nakipag-kamay sa kanya ang lambot ng kamay niya.

"Ehem!" si
binitawan ko na yung kamay niya at hinanap kung sino yung umubo, Taehyung na naman.

"Ah, hahahaha"bigla namang tumawa si RM

"Oh, anong nakakatawa?"tanong naman ni Jimin

"Nothing"sagot ni RM
napakunot mukha ni Jimin

"By the way, I just want to say sorry for what I had been done while ago, it is not my intention, no heart feelings"-pag-aapologize ni RM

"Sinong may tissue diyan?" tanong ni Taehyung dahilan para magtaka kaming lahat.

"Bakit tae? Anong gagawin mo sa tissue? nagtatakang tanong ni Jungkook sa kanya.

"Nagno-nosebleed na kasi ako kay RM" sagot niya at saka tumulo yung dugo sa ilong niya.

***

Papauwi na kami ngayon galing dun kanina, habang naglalakad may narinig kaming nagriring na cellphone nakita namin si Jimin kinuha yung cellphone niya saka pinindot at nilagay sa tenga niya, "Hello!...... Bakit? ......Talaga?......Saan daw?....Sige....Salamat.... Bye..."saka binaba niya yung cellphone.

"Sino yun Jimin?" tanong ni J-hope

"Tumawag yung katropa ko, may sabong daw sa kabilang barangay" nakangiting sagot ni Jimin. Hano daw? Sabong?






***

Hindi ko kinaya ang sabong. Haha

 Haha

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Go Along With ThemWhere stories live. Discover now