10-NEW TRANSFEREE AGAIN

241 20 4
                                    

Y/N's POV

"Oppa~ tara na't kakain na tayo!"  sigaw ko kay Suga oppa na nasa kwarto niya at ako naman ay nasa dining room 'charot' so balik tayo sa kuya kong antukin, ewan ko kung ano na naman bang ginagawa niya, 'Anong sabi niyo? baka natutulog?' baka nga 'pero wag kayo lately napapansin ko parang palagi siyang busy sa phone niya parang may importante talaga siyang ginagawa dun, pero wag tayong mag-isip ng kung ano-ano baka naghahanap lang yun ng raket, 'baka nag-oonline selling siya, 'haha' 'nagbebenta ng glutha.' 'Malay lang natin hehe'.

Ilang saglit pa, bumaba na siya dala ang kanyang phone, nagcecellphone siya habang bumababa ng hagdanan kaya ayun tuloy muntik na siyang magpagulong-gulong pababa. Buti nalang at nabalanse niya sarili niya.

Pagdating niya sa hapagkainan agad siyang umupo at nagsimulang kumain. Kumain na rin ako habang kumakain tumunog ang cp ni oppa na katabi ng kanyang plato.

Kinuha niya agad ito mukhang may nagtext sa kanya at nireplayan niya.
Dahil tsismosa ako nagtanong ako, "Sino yun?" tumingin sakin si Suga at tumingin ulit sa cp niya.

"Pake mo?! Tsismosa!" iritang sagot niya sakin

"Para nagtatanong lang."

"Its none of your bussiness"

"Eh di wag ka ding kakain. 'Ako lang kaya nagluto nito!'"

"Pera ko kaya ang ginamit para pambili nito."

"Ano naman?!"

"Ano naman.. eh kung palayasin kaya kita?!"

"Sorry lang. Nagbibiro lang naman ako. Sige kain ka pa ng madami. Hanggang mamatay ka."

"Ano?!"

"Wala. sabi ko masarap iyan."

"Hindi nga."

"Tsk!. Siya nga pala oppa malapit na sembreak."

"Ano ngayon?"

"Umayos ka nga! Anong balak mong gawin?"

"Matulog."

"Aish. Bahala ka nga. Lah kang kwentang kausap." pagkatapos tumayo na ako at umakyat sa kwarto. Iniwan ko siyang mag-isa na busy sa cp niya.

***

"Uy. Y/n anong gagawin mo ngayong darating na sembreak?" tanong sakin ni Soonyoung,  nasa classroom kami  ngayon wala pa yung teacher namin. 'Baka absent.'

"Ewan ko. Di ko nga alam. Baka matutulog lang din kagaya sa kapatid ko." sagot ko sa kanya tinaasan naman niya ko ng kilay.

"Huh?!"

"Joke lang. Hehe"

"Ah. May kapatid ka pala?"

"Oo, kuya ko. Hindi ko pala nabanggit sayo."

"Gusto ko siyang makilala."

"Oo naman. Gusto mo, samahan mo ko mamaya sa cafeteria."

"Talaga? Sige sige." tuwang tuwa na sabi ni Soonyoung.

"Siya nga pala Y/n, may bunso din akong kapatid na babae. Ipapakilala kita sa kanya."

"Ganun ba? Sige gusto ko rin makilala kapatid mo."

Riiiiiiing!!! Riiiiiiiing!!!!

***

"So, Ano nga pangalan mo ulit?"

"Ano ba Jin hyung paulit ulit. Sonyong daw."

"Huwag ka ngang makialam Taehyong!"

"Tama na nga, iyang yong yong niyo diyan. Una sa lahat, Soonyoung pangalan niya SOON.YOUNG." sabi ko sa kanila na mag-aaway pa yata dahil lang sa Yong yong este pangalan ni Soonyoung.

Go Along With ThemWhere stories live. Discover now