05-SINGKIT VS SINGKIT

347 18 2
                                    

YOONGI's POV

"Magsisimula na ba? naiinip na ko dito!" inis kong tanong kay Jimin na ngayo'y hawak-hawak ang kanyang alagang manok.

Sinamahan kasi namin siya dito sa sabongan at oo magsasabong ang mokong , syempre dahil kaibigan namin 'to susuportahan namin siya at syempre dahil narin sa kagagahan ni otor wala na kaming magagawa.

"Malapit na hyung konting antay lang" sagot sakin ni Jimin

Kasalukuyan kami ngayon nag-aantay, marami na ring mga tao yung iba may karga-kargang manok, Hays! I really want to go home right now and take a sleep. Siya nga pala, kami lang mga lalaki pumunta dito hindi ko na sinama dito si Y/n, syempre alangan naman isama ko pa siya dito, inutusan ko na lang siyang maglaba ng mga labahan.

Habang nag-aantay kami may dumaan na dalawang lalaki sa harapan namin, yung isa may dalang manok, maputi siya at napakasingkit ng mata, yung isa naman na parang alalay niya, matangkad, sobrang tangos ng ilong saka parang may kapareho kay hoseok. Huminto siya sa harap ni Jimin at tiningnan mula ulo hanggang paa, nagtaka naman si Jimin "Bakit pre, may problema ba?"nagtatakang tanong ni Jimin sa lalakeng singkit.

"Wala naman, pero I hope na hindi ikaw makakalaban ko..." huminto muna siya at hinimas-himas ang hawak niyang manok bago tumingin ulit kay Jimin, "...dahil kung sakali kawawa naman iyang alaga mo." mayabang na sabi nung singkit saka siya tumalikod at umalis, sumunod naman yung kasama niya pero bago yun inirapan niya muna kami at tuluyan nang umalis. Kumunot naman mukha ni Jimin.

***

"Ang yabang-yabang talaga ng hoshi na yun! Singkit naman yung mata!" inis na sabi ni Jimin na hawak-hawak ang kanyang alaga na si Mochi at mukhang hinang hina na yung manok.

And yeah, natalo siya sa sabongan at ang matindi pa dun si Hoshi ang nakalaban niya, yung singkit kanina. Napag-alaman namin na Hoshi pala pangalan niya at ang kasama niya ay si DK.

"Pareho lang naman kayo ah!" sabi naman ni Jin kay Jimin na tumaas ang kilay sa narinig.

"Anong pareho hyung? Hindi naman ako mayabang ah"  -Jimin

"Sino naman nagsabi sayo na yun ang tinutukoy ko," sagot ni Jin at tumaas pa lalo kilay ni Jimin, "ang tinutukoy ko ay pareho kayong singkit"dagdag pa ni Jin napa "what?!" look naman si Jimin.

"Nangjojoke ka ba hyung?" biglang tanong ni Jungkook.

"Hinde..." diretsong sagot ni Jin.

"Ah, buti naman kung gano'n, kase kung sakal---" naputol sa pagsasalita si Jungkook dahil bigla nalang umere si Jin.

"Hindi naman joke yun, bakit akala nyo ba nagjoke ako? Ang kokorni nyo naman..." nakapamewang pang dada niya.

"Wow, kami pa talaga ang korni hyung?" kunwaring gulat naman na tanong ni Taehyung, yung itsura niya na nagsasabing 'seriously?'.

Hindi naman agad ni Jin napansin si Taehyung, "...kawawa naman kayo, di bale na lang, gusto niyo makarinig ng joke ko?"

Agad nagpalit ang aming mga ekspresyon sa mukha sa narinig, na para bang malalagot na kami ngayon.

"Heto na naman siya." pabulong na sabi ni Jungkook.

"Wag na! Ah- I mean, wag ka na mag-abala Jin, iipon mo na lang yan hehe." sabi naman ni Jhope at ngumiwi.

"Ah, tara na guys! Uwi na tayo." yaya naman ni Jimin.

"Nako, ayos lang nama--..." hindi na natuloy ang sasabihin ni Jin, dahil biglang sumigaw si Jimin, "RUUUN!!!" at nagsitakbuhan ang mga mokong iniwan kaming dalawa.

"Tingnan mo ang mga yun oh, ang babast---.. hay nako.. yaan mo na nga, sayo ko na lang sasabihin ang joke ko-- hoy! teka, sadaleee!"

Iniwan ko siya at naglakad pauwi, habol habol niya naman ako at pinagpipilitan ang kanyang joke.

"HOY! BA'T BA AYAW NYONG MARINIG ANG JOKE KO?! HOY! MIN YOONGI ANTAYIN MOKO!"

***

YOUR POV

Pagkatapos kong maglaba, nagpahinga muna ako sa sofa at nanood ng kdrama.
Ang dami kong labahan kanina, grabe si Oppa sakin.

Ilang saglit lang narinig kong bumukas ang pinto, nakita kong pumasok si Yoongi oppa, nakita niya ko pero nagdere-deretso lang siya pataas nang nasa hagdanan na siya, "Oppa, kamusta lakad niyo?"
Tumigil siya at lumingon sakin, "Hindi kami pinalad eh" at pagkatapos niyang sabihin yun maglalakad na sana siya ulit ng magsalita ako, "Oppa, kung magwo-working student nalang kaya ako, para makatulong ako sayo"

Humarap siya sa akin, "Diba pinag-usapan na natin toh! sabi niya na may konting inis sa mukha.

"Alam ko, pero-"

"Tama na Y/n! Hindi pa ba sapat ang ginagawa ko? Kulang pa ba? Siguro nga kulang, pero ginagawa ko na ang lahat ng makakaya ko! Basta! Hindi ka magtatrabaho! Tapos ang usapan!" pagkatapos niyang sabihin yun umakyat na siya papunta sa kwarto niya.

***

Presenting pink Jin in your area~

Presenting pink Jin in your area~

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Go Along With ThemWhere stories live. Discover now