13-SANA OL

170 13 6
                                    

Y/N'S POV

"OMO!!! SANA KLASMEYT NATIN SYA NOH HIHI" kanina pa itong kaklase kong haliparot sarap sampalin, kanina pang tili ng tili nakakabingi tas naghahampas pa.

"Oo na." sagot ko nalang sa kanya

Ang lakas talaga ng tama nya kay RM, tinamaan din naman ako yiee, pero di kasing OA nya duh.

Tumingin nalang ako sa labas ng bintana wala kasi teacher namin ewan ko ba kung bakit baka tinamad.

Habang pinagmamasdan ko ang mga punong sumasayaw dahil sa hangin chOuR haha, nagulat ako nang may biglang sumulpot na isang dwende sa bintana.

"Ayy dwende!" gulat na sabi ko

sabi ko na dwende

bigla syang nagpout na akala mo isang bata yaks, "problema mo? at saka anong ginagawa mo dito?" inis kong tanong sa kanya.

"Y/n, grabe ka sakin tinawag mo ko dwende. nagpunta lang naman ako dito para yayain kang kumain." paliwanag niya

"tinatamad ako" sabi ko

"ganun ba? sayang naman ililibre sana kita siguro next time nalang, ibibili ko na lang to ng cherifer." sabi nya at tumalikod na sana sya paalis ngunit pinigilan ko sya.

"SANDALEE!"  ayan napalakas tuloy, tiningnan nya ako ng ' ano yun?' na ekspresyon sa mukha.

"sama nalang ako ang boring kase dito kahit TINATAMAD ako hehe"
manahimik kayo libre daw e

napangiti sya sa sinabi ko, "talaga? tara" tumayo nako sa kinauupuan ko at lumabas papunta sa kanya.

"Tara na, nagutom kasi ako sa kahihintay sa titser namin."  kahit naman may titser nagugutom parin ako hehe.

Nang nasa harapan ko na sya, di nya malaman kung anong gagawin nya, di sya mapakali parang gusto nyang hawakan kamay ko or umakbay sakin. chOUr ako na talaga, mainggit kayo! d na ko magpapagupit kasi ang haba ng heyr ko sa ilong.jk😂

"hui, gawa mo?" chOUr ulet si ako 'ene be' kunwari manhood-este manhid,  hoy! manhid yun manhid as in numb haha

nagkamot sya ng batok " Ah haha wala tara na" yaya nya skin saka naglakad papuntang canteen.
canteen nalang ang arte kasi nung cafeteria

weird neto natamaan na ata ng covid19
kailangan na ba namin magsocial distancing? chOuR lang

Nang makarating kami sa Canteen may iilan mga istupidyante din kumakain meron naglalandian lang ews. Siguro wala rin mga titser nila.

teka nga

"Jimin ba't ka nga pala nasa labas? nagcutting class ka no?" takang tanong ko sa kanya na may kasamang pangaasar sinusundot sundot ko pa tagiliran nya todo iwas naman sya.

parang lumalabas na naglalandian kami. ews ulet

"SANA OL MAY JOWA!!" sigaw samin nung mga grupo ng mga g7 ata ang mga yun na dumaan sa harap namin

"Tingnan mo ang mga to, ang babata pa ang daming nalalaman." sabi ko kay Jimin habang naghahanap ng pwesto sumusunod naman sya

"Yaan mo na, ganyan na talaga mga bata ngayon." sabi nya, nakahanap kami ng pwesto at umupo. magkaharap kami

"Ba't ang pula ng mukha mo Jimin?"

"h-huh? talaga?" nataranta sya at hinawakan ang magkabilang pisngi nya

"Namumula ka ah, nagbablush ka no? yiee" pang aasar ko na naman sa kanya

"Tigilan mo nga ako Y/n,  bakit naman ako magbablush? sa p--"
di pa sya tapos nagsalita na ko "sabagay bakit ka ng--" natigilan ako sa narinig ko
"-pagkakaalam ko sayo lang ako nagbablush."

"h-huh?" nabingi ata ako pakiramdam parang tumigil ang paligid ko

nagiging OA nadin ako kasalanan to ng klasmeyt kong haliparot

"Sabi ko-"
"mag-order ka na, baka dumating na yung neks titser ko" putol ko sa kanya

"ah oo nga pala, anong gusto mo?"

ikaw

"kahit ano na, kaw bahala"

"ganun ba sige antay ka lang dyan ah, wag mo kong iiwan, babalikan kita, magpramis k-"

"Hoi! ang OA mo mag-oorder ka lang naman ng pagkain!" inis na sigaw ko sa kanya

"joke lang, wag ka ng magalit love."

"Anong love love? sumbong kaya kita kay Yoongi dyan."

"Oh easy Sorry na"

"tss, bilisan mo na nga nagugutom nako"

"sandali lang"

umalis na sya para umorder ng pagkain para samin dalawa.
Mabilis lang naman sya bumalik na dala ang kakainin namin habang kumakain may narinig akong tilian ng mga kababaihan ng tiningnan ko kung ano o sino ang tinitilian nila muntik pa kong mabulunan.

EMEGED! YIEEEHH

"Y/n ayos ka lang?" nag-alalang tanong ni Jimin saken tinanguhan ko lang sya habang di malaman ang gagawin ko.

Nakatitig lang ako kay RM yiee na naghahanap ng mauupuan at oo yiee ang surname nya charot.

JIMIN'S POV

Tiningnan ko kung ano ang tinitingnan ni Y/n at bigla akong nakaramdam ng inis.

Ba't andito yan?

napatingin sya sa pwesto namin ni Y/n at ngumiti naglakad papunta samin.

feeling close din to noh?

"ahmp, Hi" nakangiting bungad samin ni
RM na labas dimple.

"H-hello" utal na tugon ni Y/n sa kanya at nakasmile pa.

"Can I join here? because there's no where to sit. If it is ok to both of you?"-RM

"Oh, ok lang sige upo ka na?"-Y/n

"ehem, sinabi ko bang pwede." - me

"Ano ka ba Jimin? maupo  ka na RM wag mo syang intindihin hehe." - y/n

"tss" singhal ko

Tiningnan naman ako ni Y/n ng matalim na tingin habang umuupo si ArEm.

"oh I almost forgot, I didn't order food yet haha, um guys what do you want? Its my treat."-Rm

"Nothing" agad kong sagot sa kanya biglang lumingon si Y/n sakin masama ang tingin.

"haha, actually he is already full, he ate too much before you came."-y/n

ano daw?

"ahh hahaha ok, how about you Y/n?"

"Anything, its up to you hehe."

"Ahm, ok I'll be back quickly."

A/N: kinareer ko talaga ang englishan😂
          pinagpawisan ako.

Tumayo na si AREM para mag-order samantalang si Y/n namumula ang pisngi.

"Hui, bat ka namumula? nagbablush ka no? sumbong kita kay Suga hyung."

"Anong nagbablush? nakita mong may dala akong blush on? at saka bakit ang sama mo kay RM yiee? Pandak na sumbongero pa."

"ANO?!"

"Sabi ko, PANDAK NA SUMBONGERO PA!"

"Alam mo? napapagod nako sayo."

"Bakit ka naman napapagod? Ano bang pinapagawa ko sayo?"

"at namimilosopo ka pa."

"pake mo."

"Bahala ka na nga."

Mabilis akong tumayo at naglakad paalis sa kantin.








***

ADVANCE HAPPY BIRTHDAY
LISA MANOBAN!!!❤

250320

Go Along With ThemWhere stories live. Discover now