07-SORRY

247 15 4
                                    

Y/N'S POV

Naglalakad kami ngayon ni Soonyoung sa hallway papunta sa klase namin pagkatapos namin maglunch sakto namang nag-ring yung bell,

"Kamusta yung libreng lunch ni DK kanina? ayos ba?" tanong sakin ni Soonyoung

Tumingin ako sa kanya,
"Oo naman, magkasama tayo diba? Ba't mo pa ko tinatanong?"

"Wala lang, baka kasi hindi ka nag-enjoy, nagpapanggap ka lang"-Soonyoung

Nagtaka na man ako saka tumingin sa kanya, "Anong pinagsasabi mo diyan, halos mamatay matay na nga ako sa kakatawa sa inyo ni DK, hindi pa ba ako nag-enjoy non?" saka ako tumawa kasi naalala ko yung mga nakakatawang nangyari kanina, pinapalo palo ko pa balikat ni Soonyoung dahil sa kakatawa ko. o(^^o)

Nakitawa rin si Soonyoung "Oo nga, haha sumakit talaga tiyan ko kanina kay DK HAHAHAHA" kwento pa ni Soonyoung habang hawak hawak yung tiyan niya sa kakatawa.

"Lumilipad nga yung pagkain ko sa bibig dahil sa tawa hahahha" tawang tawa kong kwento sa kanya

"Oo, tas na shoot sa plato ko haha" sabi pa ni Soonyoung napatigil naman ako sa kakatawa saka tumingin sa kanya→_→ tumigil din siya sa kakatawa at tumingin sakin ←_← ilang saglit lang,

"WAHAHAHAHAAHAHHAHAHAH
AHAHAHAH!!!" Nagsitawanan kami ng malakas..

"Grabe, hin-di ko na-pan-napan-sin s-sor-ry hah!" Pigil tawa kong sabi sa kanya

"Hahahha, o-ok lang hahah" -Soonyoung

Nagtatawanan kami habang naglalakad papunta sa room, hanggang masalubong namin si Jimin.

Tumigil ako sa paglalakad kaya tumigil din si Soonyoung at nagtatakang tumingin sakin pati kay Jimin na ngayon ay nasa harapan namin.

"J-Jimin! Ikaw pala"- ako

Hindi siya sumagot at tinitingnan niya si Soonyoung mula ulo hanggang paa. ('ー`)

"Ehem!" Umubo ako ng peke para mapunta atensyon nila sakin
tengene(✿'‿') hindi joke lang, ang awkward kasi ng situwasiyon kaya ayun..Tumingin naman sila sakin,

"Uhm, san pala punta mo Jimin?" tanong ko sa kanya.

"Sa klase ko malamang!" parang iba yung tono ng pagsagot niya pagkatapos tumingin lang siya sa kawalan KAWALAAAAN??!!

"Ahh hehe, uhm... siya nga pala si Soonyoung bagong kaklase ko" ng sabihin ko yun tumingin siya samin, "Saka kaibigan ko na rin" dagdag ko pa, nagsmid lang siya at umalis dumaan siya sa gitna namin ni Soonyoung saka naglakad ng padabog papalayo samin. ('ー`) problema nun?

Pumunta na lang kami ni Soonyoung sa klase namin.

JIMIN'S POV

Hindi ko akalain na makakasalubong ko si Y/n kanina at ang nakakainis pa dun may kasama siyang iba at mukhang enjoy enjoy talaga siya hah, nagtatawanan pa, kala mo naman... kung isumbong ko kaya siya sa kapatid niya, nakakainis yung lalakeng yun, namumukhaan ko talaga yun, ewan ko lang kung saan ko siya nakita pero hindi talaga maganda ang kutob ko sa lalakeng yun. Baka siya yung dahilan kung bakit hindi sumipot si Y/n kanina sa cafeteria,

Mang-aagaw siya!!!

Nakakainis!

Mang-aagaw! Mang-aagaw!
Mang-aagaw! Mang-aagaw!
Mang-aagaw! Mang-aagaw!
Mang-aagaw! Mang-aagaw!

"Mr. Park!"

Nagising ako sa katotohanan na nasa klase pala ako, hinanap ko kung sinong tumawag sa napakagwapo kong apelyido, nagulat ako si maam pala,

"M-maam?"

"Anong ginagawa mo? Bakit ka nagpupunit ng mga papel diyan?!"

Nagulat na naman ako, dahil ang daming papel na nagkakalad sa surroundings ko, SURROUNDINGS?! Hindi ko pala namalayan dahil sa inis ko pinupunit ko na yung mga papel.

"A-ahh sorry po maam" pag-aapologize ko

"Linisin mo iyan"

"Opo maam" agad ko namang pinulot ang nagkalat na papel.




Y/N'S POV

Antok na antok na talaga ako buti nalang nakauwi na ako sa bahay, ang dami kasing gawain sa school kaya medyo nalate nako ng uwi.

Binuksan ko na yung pinto saka pumasok sa loob, nadatnan ko si oppa na natutulog sa sofa gumising siya nang marinig niya ang pagdating ko mukhang hinintay talaga niya ko.

Aakyat na sana ako papunta sa kwarto nang, "Bakit ngayon ka lang?" tanong niya sakin kaya lumingon ako sa kanya kinukusot pa niya ang kanyang mata
"Marami kasing activities na kailangang tapusin kaya ginabi na ko" pagkatapos umakyat na ako, hindi pa ako nakakalayo narinig kong sinabi ni oppa,
"Sorry"
kaya tumigil ako sa paghakbang sa hagdanan saka lumingon sa kanya, kahit anong tampo ko sa kanya, hindi ko talaga siya matitiis, mahal na mahal ko talaga iyang kapatid ko na kahit antukin, siya nalang kasi nakasama ko simula nung nawala parents namin, bumaba ako ng hagdanan dumeretso sa kanya, saka ko siyang niyakap.

"Sorry din oppa kasi matigas ulo ko" sabi ko .( •̥́ ˍ •̀ू )
Niyakap din niya ako,

"Ayos na yun, basta tandaan mo na gagawin ko lahat para sa ikabubuti mo"
tumango ako saka umalis sa pagkakayakap sakanya, " Kaya huwag na matigas ang ulo hah" dagdag pa niya

Sumimangot ako, at napatawa naman siya

"Kumain ka na?" tanong  niya

"Tapos na..naglibre yung isa kong kaklase" sagot ko

"Siya nga pala, kanina hindi ka pumunta sa cafeteria. Saan ka naglunch?" -Oppa

"Ahhh, ano kasi... may bago akong kaklase nagpatulong siya sakin para hanapin room ng friend niya, kaya ayun naglibre yung friend niya" pag-eexplain ko sa kanya

"Ah, ganun ba.. Sige umakyat ka na para matulog, inaantok na rin kasi ako" sabi ni oppa saka umakyat sa kwarto niya sumunod na rin ako dahil kanina pa ako inaantok.

Pagkatapos kong magpalit kinuha ko cellphone ko at saka dumeretso sa kama para matulog pero bago yun nagcp muna ako tiningnan ko kung may messages ba, kasi busy ako kanina kaya wala akong time para magcp.

Pumunta ako sa inbox saka kong nakita yung convo. namin ni Jimin, OMG ngayon ko lang naalala hindi pala ako pumunta sa cafeteria, yun kaya ang dahilan kung bakit parang galit siya kanina, nakalimutan ko kasi...
Itetext ko nalang kaya siya, ano naman ang sasabihin ko??

To; Ji-mini

Sorry~

Sent✔

Sorry?

Bakit naman iyan talaga natype ng mga kamay ko? 'Ang ikli' pagkatapos nun natulog na ako.







***
Hindi talaga ako magaling sa Lovestory😌

Go Along With ThemWhere stories live. Discover now