Rhiannon
"Anong balak mong kunin na kurso sa college?" Tanong ni Claude na kasalukuyang nagbabalat ng mangga sa tabi ko.
"Business management? I don't know yet. Wala akong maisip." Wala sa wisyo kong sagot.
Kasalukuyan kaming tumatambay sa ilalim ng malaking puno ng narra sa likod ng hacienda ng pamilya ng kaibigan kong si Amarra.
Dahil nga bakasyon na ay halos kumpleto kaming magkakaibigan ngayon. Ang ilan kasi sa kanila ay sa Manila nag-aaral at umuuwi lamang kung hindi sila busy sa school.
"You should go for it. After all, ikaw sole heiress ng plantation niyo." Payo ni Claude na tinanguan ko lamang ng wala sa sarili.
Sa totoo lang, hindi ko naman talaga hilig ang pagma-manage ng business, ramdam kong wala akong talento doon. At hindi totoong wala akong maisip na kuning kurso pagtungtong ko ng kolehiyo.
If I could be honest with myself and to the people who would ask, I'd definitely say I'll take architecture or fine arts. I love to paint and draw. Minsan kapag madaming gumugulo sa isip ko, nagpipinta oh gumuguhit ako. Doon ko kasi lubusang nai-express ang sarili ko.
I love to draw but at the same time, I kinda hate it. Because it reminds me so much of my Mom. She was the one who taught me how to draw and paint. At 'yun na ang iniiwasan ko, ang mga bagay na nakakapag paalala sa kaniya sa akin at kay Dad.
Umihip ang pang-hapong hangin kasabay ng malakas na paglagaspas ng mga dahon mula sa puno. Ang kaninang asul na mga ulap ay unti unti nang nagiging kahel.
Papalubog na naman ang haring araw, isang araw na naman ang lumipas. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa din bumabalik si Jolo.
Ni wala akong natanggap na kahit anong eksplenasyon sa kaniya kung bakit bigla siyang umalis at hindi nagpaalam. I know that he does not have any obligations to explain, but somehow, I felt that I needed one. He promised to take me to school! Tapos bigla na lang siyang uuwing Manila?
Kinabukasan nang araw na dapat sana ay ihahatid niya ako, nakatanggap ako ng text mula sa kaniya. At ang tanging laman noon ay siyam na salita!
From: Jolo
I'm sorry. I'll explain everything once I come back.
Hindi ko siya nireply-an dahil ano naman ang sasabihin ko doon? Kung sana tinawagan niya ako at doon nagpaliwanag baka sakaling kumalma pa ako.
"Rhian, let's go. Nagdidilim na." Tumayo na ako mula sa kinauupuan nang ayain ni Sandra.
Bumalik kami sa mansyon nila Amarra para sana maghapunan ngunit sakto namang text ni Dad na sa bahay ako mag-dinner.
Ipinaalam ko na lang sa mga kaibigan ko na kailangan kong umuwi nang maaga.
"Ma'am Rhian, nasa labas na ho ang sundo niyo." Pagtawag ni Aling Chit sa atensyon ko.
Matapos magpaalamanan ay dumiretso na ako sa labas. Hindi naman ako nahirapang hanapin ang SUV namin dahil paglabas pa lamang ay nandoon na ito nakaparke sa harap.
It felt like a déjà vu when I opened the front seat and saw Jolo sitting on the driver's seat. I was stunned for a moment but I quickly recovered and acted like nothing happened.
"How's your day?"
Wow. Parang wala lang, ah? Normal conversation? Friends tayo? Tss.
"T'was fine." Simple kong sagot habang inaabala ang sariling manood ng tanawin sa labas.
YOU ARE READING
Strawberries and Cigarettes ✔
RomanceIronic how I love the taste of strawberry and the smell of smokes from cigarette because it reminds me of you, and at the same time I hate it because your memories lingers along with it. Started: April 25, 2019 Finished: June 5, 2019