VI. appellatur amor ludens ludum

624 55 22
                                    

Rhiannon

My naive and young heart didn't win this time.

Or that's what I wanted to happen. Because I know that deep within me, he still has a place in my heart.

No matter how much I condemned and hate myself for having this kind of feelings towards him, my heart still hopes.

Naestatwa na lang ako mula sa kinatatayuan ko at kung hindi lamang ako siniko ni Miya ay hindi pa ako mababalik sa wisyo.

Kumurap kurap ako at nagpanggap na parang walang nangyari. Na parang normal pa din ang tibok ng puso ko.

"Guys, this is Engineer Josiah Pangilinan, he's the speaker I am talking about." Pormal na pagpapakilala ni Luigi kay Jolo.

Ibinalik ko ang tingin sa huli at muntik pang mapatalon nang makitang hindi niya iniaalis ang titig sa akin.

"Hi, Engineer! I'm Miya Ocampo, EA Department's President. I'm so thankful and honoured to have you here." Mabilis na naglahad ng kamay si Miya kay Jolo na agad din naman nitong tinanggap.

"It's an honour, Miss Miya." Using his deep baritone voice, Jolo spoke.

Wala pang ilang segundo ay mabilis na ibinalik ni Jolo ang tingin niya sa akin, and Miya, an observer she is, noticed it and shifted her gaze towards me.

She cleared her throat before slightly pulling me towards her.

"And this is my Vice President, Rhiannon San Pedro." Bahagyang pinisil ni Miya ang kanang braso ko nang hindi ako kumibo matapos niya akong ipakilala kay Jolo.

Now what? Should I pretend that I didn't know him? Hindi ba parang ang bitter ng dating ko kapag ginawa ko 'yun?

But then, whatever.

"Hi, I'm Rhian. Pleasant to see you." I offered my left hand for a handshake and tried my hardest to remain composed while he was staring at me like he's reading my soul.

Muntik akong mapasinghap nang imbes na tanggapin ang kamay ko ay ngumisi muna siya nang nakakaloko. Kagaya noon.

"Believe me, I'm more pleasant to see you." Hindi nakatakas sa aking pandinig ang mapang-asar niyang tinig. At sa pagkakapisil ni Miya sa braso ko, alam kong naramdaman niya din 'yun.

Iniabot ni Jolo ang kamay ko at marahang pinisil ito. Mabilis kong inagaw ang kamay ko at umurong na palayo sa kaniya.

I don't have any idea on what or how to react towards him. Pero dahil nagpanggap na din lang akong hindi siya kilala, siguro ay dapat ko na din 'tong panindigan.

But Jolo isn't buying it. Dahil matapos siyang ipakilala sa lahat ng officer ay bumaling muli siya sa akin at marahang tumitig.

"Have you eaten your breakfast yet?" I almost literally face palmed myself when he asked that.

Dahil sa akin siya diretsong nakatingin ay halatadong para sa akin ang tanong na 'yun. At dahil doon ay nakuha namin ang atensyon ng lahat nang nandoon.

"Gutom ka ba, Engineer? Nandito na 'yung ni-request mo." Luigi butted in, looking oblivious with Jolo's plan.

"Not really. I'm just curious if Miss Rhian's hungry." Sagot pa nang siraulong si Jolo.

Ramdam ko ang pa-simpleng baling ni Miya sa akin. I know that her mind's full of questions already.

"Gutom ka ba, Rhian?" Biglang tanong ni Miya, "Ako gutom, bili tayo sa caf." Dugtong niya.

Mabilis niya akong hinila palabas matapos niyang magpaalam na lalabas kami.

Dahil sa bilis ng pangyayari, wala nang nakapagsalita sa kanila doon. Dire-diretso na lang kaming lumabas ni Miya habang hila hila niya pa rin ako.

Strawberries and Cigarettes ✔Where stories live. Discover now