Rhiannon
"Rhian, are you listening to me?"
Mabilis akong napabalikwas ng lingon nang marinig ang pagtawag ni Miss Grace sa pangalan ko.
I took a glimpse at Mikayla who's shooting me a questioning look before turning to Miss Grace.
"I, ah... Yes, Miss Grace." Simple kong sagot.
"You're spacing out, are you okay?" Miss Grace asked me. Tanging tango lang ang sinagot ko at kahit tumango si Miss ay halatang hindi siya kumbinsido sa sagot ko.
"As I was saying, Accounting has always been defined as the language of business..."
Sinubukan kong mag-focus sa sinasabi ni Miss at mabuti na lang ay nagtagumpay ako. Inilihis ko ang utak ko sa mga kanina pang tumatakbo sa isip ko hanggang sa matapos ang tutorial namin sa araw na 'yun.
"Kulang ka ba sa tulog?" Biglang tanong ni Mikayla na umuupo sa couch ng veranda namin.
She stared at me and waited for my reply.
"Hindi. Bakit?" Kunot noo kong tanong.
"Kanina ka pa wala sa sarili eh. And that only happens when you lack of sleep." She commented.
"Hindi naman. May iniisip lang." Tanging sagot ko at naupo na din sa katapat niyang couch.
Tumanaw ako sa baba kung saan kita ang malawak naming garden. Pinanood ko ang mga trabahador namin na nagtatanim at naglilinis sa garden at muling lumipad ang isip.
Three days have already passed since that kiss happened. At hanggang ngayon ay wala pa ding palya ang utak ko sa pagpapa-alala nito.
When Jolo broke the kiss, he stared at my eyes for a few seconds while I'm catching my breath. He was breathing heavily too. He looked down at my lips and I did the same. I unconsciouly licked my lower lip and then he went on for another swift kiss to my lips.
I was about to close my eyes when I felt that he left my lips and then he passed out.
Napatayo ako nang matumba siya mula sa kinauupuan niya kaya mabilis akong napatayo.
"Jolo!" I shouted.
Naagaw ko ang atensyon nila Danica na mabilis na dumalo sa akin para tumulong.
Tinanong nila ako kung anong nangyari at sinabi kong biglang nawalan ng malay si Jolo.
"He's so hammered." Spencer commented.
Binuhat nila si Jolo at mabilis na dinala sa sofa ng aming living room at doon inasikaso ang walang malay at lasing na si Jolo.
Doon na din nagpalipas ng gabi ang mga kaibigan ko, including Jolo.
Noong gabing 'yun ay hindi maalis sa isip ko ang halik ni Jolo. I don't know what to react.
I suddenly regretted not drinking and getting myself drunk. Hindi tuloy ako pinapatahimik ng utak ko ngayon.
Hindi ko din alam kung bakit niya ginawa 'yun at hindi ko alam kung paano ko siya pakikiharapan.
At lahat ng tanong ko ay mabilis na nabigyan ng kasagutan nang magising ako kinabukasan.
Pagbaba ko sa dining room ay gising na silang lahat at nag-aalmusal. Halos lahat sila ay may kapeng iniinom, pampatanggal ng hangover.
Mabilis kong inilibot ang paningin ko sa mesa at mabilis na nagtakan nang mapansing wala si Jolo doon.
"Morning, Rhi." Bati ni Jolina.
YOU ARE READING
Strawberries and Cigarettes ✔
RomanceIronic how I love the taste of strawberry and the smell of smokes from cigarette because it reminds me of you, and at the same time I hate it because your memories lingers along with it. Started: April 25, 2019 Finished: June 5, 2019