Rhiannon
"Don't forget to text me after your class, 'kay?" I rolled my eyes for the nth time today.
Hindi pa halos nangangalahati ang umaga ay maka-ilang beses ko nang nairapan si Jolo dahil sa kakulitan niya.
"Oo na nga. Ang kulit." Naiinis kong sagot.
Napuno ng baritono niyang tawa ang loob ng kotse dahilan para umikot muli ang mga mata ko.
"Just reminding you. Nakakalimutan mo kasi eh." Tumawa muli siya pagkasabi nu'n.
"Oo na! 'Wag kang makulit. At 'wag ka din text nang text kapag nasa klase ako, masyado kang distraction eh. Mag-focus ka din sa trabaho mo, pwede?" Mataray kong sambit.
Mabilis siyang tumuwid ng upo sabay pabirong sumaludo. Napailing na lang ako sa pagka-isip bata niya.
"Mauuna na ako." Paalam ko bago tuluyang lumabas sa sasakyan niya.
Bago pa man tuluyang makalayo ay narinig ko na ang tawag niya sa pangalan ko kaya mabilis ko siyang nilingon at tinaasan ng kilay.
Nakadungaw siya sa bukas na bintana ng passenger's seat at bahagyang nakalabas ang ulo.
"Where's my kiss?" Ngumuso pa siya bago itinuro ang makapal niyang labi.
"Kiss mo mukha mo!" Tumalikod na ako muli matapos siyang irapan at sagutin.
Habang naglalakad ay narinig ko pa ang malutong niyang tawa at ang malakas na pagsigaw ng 'ingat' kahit pa naglalakad na ako palayo.
Napailing na lang ako at hindi ko namalayang napapangiti na pala ako sa kakulitan niya.
It's been almost 3 weeks after we reconciled. And it's also almost 3 weeks since we started being friends again. Halos araw araw na din kaming magkasama na parang tulad noong nasa Ilocos kami kung saan kami unang nagkakilala.
Tinupad niya ang sinabi niyang babawiin niya ang halos limang taon naming pagkakalayo, at kung minsan naiisip kong parang sobra pa nga ang ginagawa niya.
Kapag hindi siya masyadong kailangan sa site na nakakontrata siya ay hinahatid niya ako papasok, at kapag hindi naman niya kailangang mag overtime ay sinusundo niya din ako. Madalas pa kaming kumain sa labas kapag gabi, tapos ay ihahatid niya ako sa condo ko.
Pagkauwi ay magti-text pa din siya sa akin na para bang hindi kami nagkasama ilang oras lang.
Even on weekends, his face was all over my system. Halos walang araw at oras siyang pinalalampas sa tuwing may tsansa kaming magkita.
Noong mga unang dalawang linggo ay naninibago pa ako. Paano, ayoko namang isipin niyang ayos na talaga kami. Minsan ay pinararamdam ko pa din sa kaniya na galit pa ako, malulungkot at tatahimik siya nang ilang saglit pero babalik din agad sa pagiging masigla at makulit.
His personality was always like that ever since. Kahit noong nasa Ilocos pa kami. Sa tuwing nagkakalabuan kami ay saglit lang siyang tatahimik, pagkatapos ay kukulitin na ako para hindi na ako magtampo o magalit pa sa kaniya.
Malakas na umihip ang pang-umagang hangin kasabay ng paglipad ng mga ibon na nakadapo sa mga puno.
Nilingon ko ang pinanggalingan ng hangin bago tumingala sa langit. Hinanap ang haring araw na hindi pa masyadong masakit sa balat ang init. Maaliwalas ang langit at tila masaya ang mga ulap, kagaya ng nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw.
![](https://img.wattpad.com/cover/185573129-288-k200605.jpg)
YOU ARE READING
Strawberries and Cigarettes ✔
RomanceIronic how I love the taste of strawberry and the smell of smokes from cigarette because it reminds me of you, and at the same time I hate it because your memories lingers along with it. Started: April 25, 2019 Finished: June 5, 2019