Rhiannon
Maingat kong pinapanood ang bawat kilos ni Jolo magmula pa nang pumasok kami dito sa bahay. Panay din ang pagsulyap niya sa akin at kapag nagtatama ang tingin namin ay ngingiti siya nang alanganin at iiwas.
Nasa pagitan ako ni Miya at Mindy habang nasa tapat ko nakaupo si Jolo. Just like in the past kapag sabay kaming kumakain. Same spot, same person.
"So, mamaya pala ay mag-iinuman muna tayo. Hmm. May nakahanda na ba tayong gagawin bukas, Rhi?" Excited na tanong ni Miya.
"So far wala pa. But I was thinking of touring you guys around the city. Malapit na mag-piyesta dito, kaliwa't kanan na naman ang mga pageant." Paliwanag ko sa kanila.
Umuwi na sina Claude at iba ko pang mga kaibigan dahil nagpunta lang daw talaga sila para sana salubungin ako. Mga nagtatrabaho na silang lahat. Sina Danica at Amarra ay sa kabilang bayan para patakbuhin ang business ng pamilya nila at ang iba ay sa Manila na umuwi lang dito para makita ulit ako.
Sayang lang dahil sobrang busy nilang lahat. Pero napag-usapan naman na namin ang magiging bonding naman namin sa susunod.
"Rhian, hija, nandito ka na pala." Mabilis akong nag-angat ng tingin nang marinig ang boses na 'yun.
Sa bukana ng dining room ay naglalakad si Mama papasok at ngiting ngiti na nakatingin sa amin. Mabilis na kumunot ang noo ko nang mapansing naglalakad siya diretso sa gawi ko.
Tumayo ang lahat ng kaibigan ko samantalang nanatili akong nakaupo sa upuan ko. Nilingon ako ni Jolo nang may nagtatakang tingin ngunit kalaunan ay bigla itong lumamlam.
"Anak, welcome home." Dumiretso si Mama sa gawi ko at bahagyang hinaplos ang balikat ko.
Nakatingin na ang lahat sa akin na tila nagtataka sa ikinikilos ko kung kaya't napilitan akong tumayo para salubungin ang bati ni Mama.
Pagkatapos ay ang mga kaibigan ko ang isa isa niyang nilapitan para batiin.
"I'm just here to greet all of you, hindi ako magtatagal dahil kailangan ako sa opisina. Please feel at home. Huwag kayong mahihiya, ha?" Mom smiled fondly to all of us before finally walking out of the dining.
I was so stunned at my spot. Ang buong akala ko ay hindi niya itinuloy ang pagbabalik dito sa bahay.
Dalawang taon akong hindi umuwi dito dahil sa naging away namin ni Papa tungkol kay Mama. He told me that Mama will stay again at our house with us. Hindi ko tinanggap 'yun at buong akala ko ay hindi na nila itutuloy. Walang nakapagsabi sa akin na dito na pala talaga siya titira ulit.
"Your Mom is so elegant looking, Rhi. Her beauty were still very evident." Pagpuri ni Miya na tinanguan ko lang.
Hanggang sa matapos kaming kumain ay wala na talaga ako sa sarili dahil sa mga iniisip.
Dad never told me about it. Kaya pala hindi niya ako pinipilit na umuwi dito tuwing bakasyon. Hinahayaan niya ako sa Manila at siya na lang ang bumibisita sa akin doon.
"Guys, maaga pa naman. Pwede kayong magpahinga na muna. Dadalhin ko kayo sa room niyo." Malumanay kong sambit.
Alam kong napansin ni Miya ang pagbabago ng mood ko ngunit hinayan niya na lang ako at hindi na nagtanong pa. She knew that once I'm ready to talk about it ay ipapaalam ko din naman 'yun sa kaniya.
Hindi pa din umuuwi si Jolo sa bahay nila at hanggang sa paghatid ko kina Miya sa kwarto ay tahimik pa din siyang nakasunod sa akin. Nagsasalita lang kapag kinakausap.
"Dito kayo ni Mindy, Miya." Binuksan ko ang pintuan sa kwarto na katapat lang ng akin.
Kasunod namin ay si Nate at Art na bitbit ang mga gamit ni Miya at Mindy. Nang maayos na ang mga gamit at mailagay sa loob ay sunod kong hinatid sa kwarto nila si Art at Nate.
![](https://img.wattpad.com/cover/185573129-288-k200605.jpg)
YOU ARE READING
Strawberries and Cigarettes ✔
RomanceIronic how I love the taste of strawberry and the smell of smokes from cigarette because it reminds me of you, and at the same time I hate it because your memories lingers along with it. Started: April 25, 2019 Finished: June 5, 2019