Rhiannon
Matapos nang pag-uusap naming 'yun ay inakala kong matataboy ko na siya nang tuluyan.
Tahimik lang siyang tumango sa sinabi ko bago naglakad paalis. Hindi siya nagsabi kung aalis na ba talaga siya ngunit 'yun na ang in-assume ko.
Matapos ko ba naman ipamukha sa kaniyang hindi ko siya kailangan, siguro naman ay titigil na talaga siya.
"Saan punta nu'n?" Bungad na tanong ni Miya sa akin nang maglakad siya palapit.
"Uuwi na yata." Simple kong sagot at naupo sa isang monoblock chair.
Agad naman siyang tumabi sa akin at nag-abot ng tubig.
"Pinauwi mo? Dapat hindi! Pahirapan pa natin." Maldita niyang suhestyon.
"Sira. Hindi na baleng umuwi na lang siya at 'wag na magpakita." Sagot ko.
Inilibot ko ang paningin sa buong hall. I scanned the whole place and got satisfied with what we did.
"Ayaw mo siyang makita? Bakit? May nagbabalik na feelings ba?" I threw her a side glance before rolling my eyes.
Sarkastiko siyang natawa sa ginawa ko bago humarap sa akin.
"Or hindi naman kasi talaga nawala?" Dagdag niya.
"Ewan ko sa'yo, Miya." Napapagod kong tugon.
I was so tired emotionally right now and I feel like I couldn't argue anymore. Masyado akong napagod sa interaksyon namin ni Jolo kahit pa halos kasisimula pa lang ng araw. Masyadong maraming emosyon at ala-ala ang nabubuksan sa tuwing kinakausap ko siya.
"Hindi man lang nag-deny. The more I want to make that Engineer suffer." She commented.
"Kapag nag-deny ako, sasabihin mong denial ako. Kapag naman hindi ako sumagot mag-aassume ka na lang. Saan lulugar, Miyalyn?" Seryoso kong tanong.
"Okay fine! Hindi na ako makikialam. Bahala ka na sa diskarte mo at kung anong gusto mong gawin. But I want to be included! I wanna know, so inform me!" Mariin niyang bilin.
Tinanguan ko na lang siya at hinayaan sa gusti niya.
Ilang minuto pa ay nagsimula na ang contest. Naging abala kaming mga officer sa pagfa-facilitate ng buong lugar. Nagkalat kaming lahat upang makita ang ginagawa ng mga kalahok.
May ilan akong nakitang abstract ang iginuguhit. May ilan namang tila portrait. Kung hindi lang ako officer ngayong taon ay baka sumali na din ako dito.
"We just want to remind everyone that this poster making contest's theme is: Expressing Yourself through Art. You're all free to draw whatever you want to draw. Feel free to express your thoughts and personality through this contest." Alexis reminded.
She was MC-ing the contest along side with Billy, her gay best friend. It was fun to watch them entertain the contestants and help them loosen up a bit.
I saw some contestant being too uptight but immediately relaxed when Billy was making some joke.
Nawiwili ako sa pakikinig sa mga biro ni Billy nang bigla akong kalabitin nang kakalapit lang na si Miya.
"Akala ko pinauwi mo na?" Agad na kumunot ang noo ko sa sinabi niya, mabilis siyang ngumuso sa kabilang bahagi ng hall at laking gulat ko nang makita si Jolo na tumutulong sa pag-distribute ng mga inumin sa mga kalahok.
"Anong ginagawa pa niyan dito?" Kunot noo kong tanong.
"Aba! Sa'yo ko dapat tinatanong 'yan." Taas kilay niyang sambit.
YOU ARE READING
Strawberries and Cigarettes ✔
RomanceIronic how I love the taste of strawberry and the smell of smokes from cigarette because it reminds me of you, and at the same time I hate it because your memories lingers along with it. Started: April 25, 2019 Finished: June 5, 2019