Rhiannon
How would you know if you truly love someone? Can it be measured with the efforts you could exert just to show him how much you love him? Or does the butterflies that you feel on your stomach is a sign that you're in love? Or maybe, pain is the only thing that could prove you that you're human, a human who knows how to love.
Dahil kung sa sakit lang din naman ibabase ang pagmamahal sa isang tao, siguro nga ay mahal na mahal ko si Jolo.
Kasi hindi naman siguro ako masasaktan ng ganito kung hindi 'di ba? Hindi naman siguro paulit ulit na aasa pa din ang puso ko kahit pa makailang ulit niya 'tong basagin kung hindi ko siya mahal.
Am I a masochist? Kasi kahit paulit ulit na lang na sakit ang nararamdaman ko ay para pa din akong hindi natututo. Na para bang isang hingi niya lang ulit ng tawad ay mapapatawad ko na ulit siya.
Why does it feel like I'm asking for the pain? Why does it feel like I'm asking him to break my heart again? All over again.
'Yung sakit na naramdaman ko sa kaniya ay naturuan na akong maging manhid. Kaya noong nakilala ko si Dani ay nagawa ko pa ding ngumiti at makinig sa kwento niya. Kasi baka sakali, makaramdam ulit ako. Baka sakaling magising na ako.
"We were childhood friends. Pero hindi talaga kami magkasundo ni Jolo noon, not until when we enter high school. We became classmates. We used to compete with each other pa nga on who's better." Dani smiled so sweetly it's as if she remembered all of their memories like it only happened just yesterday.
"When we reached our 3rd year in high school, hindi ko namalayan nagiging protective na siya sa akin. Pinagbabantaan niya 'yung mga kaklase naming nagtatangkang manligaw sa akin. Pati nga 'yung crush ko eh, kaya doon na ako tuluyang nagalit sa kaniya. I asked him why he's doing that, and then he confessed that he like me." Para siyang kinikilig habang inaalala ang simula nila ni Jolo habang ako ay tila unti unting nadudurog sa sakit.
Noong magkita kami sa grocery ay inalok niya akong magkape para makapag kwentuhan. Alam kong masasaktan ako sa mga pag-uusapan namin, ngunit heto ako. Sumama pa din at patuloy na nakikinig sa pag-asang baka kapag narinig ko ang mga 'to ay titigil na ang puso ko sa kakaasa.
Nauna nang umuwi sina Miya kahit na ayaw nila sana akong iwan kanina. Wala silang kaide-ideya na ang babaeng kasama ko ay ang taong totoong mahal ni Jolo.
"We were together for almost 11 years na din. Can you believe that? Kaya nga naiisip kong siya na talaga ang para sa akin eh. I can see my future with Jolo, Rhian." Ngumiti siya ngunit bakas ang lungkot at hindi ko alam kung para saan 'yun.
Humigop ako sa kapeng natunawan na ng yelo at wala nang lasa. Parang 'yung nararamdaman ko ngayon.
Napangiti ako ng mapait nang ma-realise na hindi binanggit kailanman ni Jolo kung naghiwalay na nga ba sila ng girlfriend niya. Hindi niya tinanggi kung sila pa ba kahit na tinanong ko siya noong gabing humingi siya ng tawad sa akin sa labas ng 7/11. Ang tanga tanga ko.
"But just like any normal relationship, we also faced a lot of problems. Noong umuwi siya dito sa Ilocos 5 years ago, doon kami nagka-problema." Yumuko siya at tila nagdaramdam.
"Naging cold siya sa akin at parang naging matabang. He used to be so sweet kaya kapansin pansin talaga ang naging pagbabago niya. I kept on asking him what did I do wrong? Where did I went wrong? Kulang ba ako? Nagsasawa na ba siya? Gabi gabi akong hindi makatulog sa kakaisip kung anong mali sa akin. Until he finally gave in and told me the truth.." She paused to get some air.
Tila nahihirapan siya sa emosyong kinokontrol. Nang nag-angat siya ng tingin ay nakita ko ang pamumula ng ilong at mata niya. Alam ko na kung saan patungo 'to.
![](https://img.wattpad.com/cover/185573129-288-k200605.jpg)
YOU ARE READING
Strawberries and Cigarettes ✔
RomanceIronic how I love the taste of strawberry and the smell of smokes from cigarette because it reminds me of you, and at the same time I hate it because your memories lingers along with it. Started: April 25, 2019 Finished: June 5, 2019