ultimo

780 35 4
                                    

Rhiannon

"Kids, go and get your painting materials now." I announced excitedly after discussing the theme of today's art class.

Mabilis na nagsitayuan ang mga bata at lumapit sa tabi ng table ko kung saan nakapwesto ang mga gamit na gagamitin nila sa pagpipinta.

"Huwag magtutulakan, okay? Magkakaroon lahat niyan." Paalala ko.

Masaya kong pinanonood ang mga batang may malapad na ngiti habang kinukuha ang bag na naglalaman ng mga gamit nila.

Hindi lang painting materials ang inihanda ko para sa kanila, naglagay din ako ng mga gamit na maaari nilang magamit sa darating na pasukan.

When I saw that everybody has their own bags, I quickly assisted them back to their seats.

Bakas na bakas ang pagkasabik sa mga mata ng mga bata kung kaya't hinayaan ko na silang buksan ang kanilang mga bag.

"Wow..." Dinig kong sambit ng mga bata.

Hindi ko maiwasang hindi matuwa ng sobra sa mga nakikita kong reaksyon mula sa kanila. Halatang halata ang saya at pagkasabik nilang magamit ang mga ito.

I've never been this delighted and excited to see the reaction of the people receiving gifts from me. These kids are so pure and it makes my heart flutter so much.

"Okay, kids, sa mga blank canvas na nasa harap ninyo kayo magpe-paint, okay? Kung ano ang nasa isip ang puso ninyong gusto niyo i-paint, 'yun ang ilagay ninyo." Agad silang nagsimulang gumuhit sa canvas.

Noong una ay nakukuntento na ako sa panonood sa kanila sa harapan ngunit hindi ko din natiis at nagsimula na akong lumakad paikot habang iniisa-isa ang mga pinipinta nila.

May ilan akong nadaanan na nagpipinta ng puno, araw at mga ulap. May iba namang nagpipinta ng dagat, mayroong ding tila pamilya dahil sa height ng mga tao sa pinipinta nito.

"Wow, ano 'yang ipinipinta mo?" Nakangiti kong tanong sa isang batang babae na seryosong seryoso ang pagkakatitig sa kaniyang ginuguhit.

"Mga pagkain po. Ito po lechon." Lalong lumapad ang ngiti ko nang marinig ang kaniyang sagot.

"Talaga? Bakit naman 'yan ang naisip mong ipinta?" Tanong ko.

Hindi iniaalis ng bata ang tingin niya sa canvas kahit pa kinakausap ko siya, indikasyon na talagang seryoso siya sa kaniyang ginagawa.

"Eh kasi po paborito ni Papa ang lechon. Birthday niya po nung isang araw kaso wala kaming handa, kaya ito na lang." Tila may kumurot sa puso ko nang marinig ang kaniyang sagot.

"Talaga? Kasama mo ba sila ngayon dito?" Tanong ko.

Lumingon ang bata sa labas ng room at tumuro. Tumingin ako sa itinuturo niya at nakita ang kaniyang Ina na kumakaway sa bata sunod ay sa akin.

Sinuklian ko ang matamis na ngiti ng Ina ng bata bago muling ibinalik ang tingin sa ipinipinta niya.

Nakaramdam ako ng lungkot para sa sitwasyon nila ngunit pinili ko itong isantabi.

These people right here doesn't need the pity. They need appreciation for their hardwork, they need equality and fair treatment.

Strawberries and Cigarettes ✔Where stories live. Discover now