"What are you doing here, Chelsey?" Salubong na tanong ni Ruin nang tuluyang makalapag ang helicopter sa lupa.
"Sumama ako kay mamang pilot. Narinig ko kay Rose na tumawag ka at nagpapasundo kaya ako na lang ang nagrepresinta na sumundo sayo. Hindi ka ba masaya na nakita mo ako, babe?"
Sa tono pa lang ng boses ng babae, alam kong may kati na itong tinatago, masyadong malandi at kapal mukss. Pinasadahan ko siya ng tingin mula sa ulo paibaba. Balingkinutan ang kanyang pangangtawan, maputi at makinis ang balat. Nakasuot siya ng maikling shorts at backless na damit. Anong pinunta niya dito? Beach?
Masyado siyang mahilig sa make-up pero kung wala yong make-up daig niya pa si ******* sa kapangitan. Halata namang kolorete lang ang nagpapaganda sa higad na ito eh. Hindi ko sinasabing mas maganda ako sa kanya pero parang ganoon na nga.
"I'm not going home. Don't you know how dangerous here? Bakit ka pa sumama?"
"Ha?! Why, baby? Gusto ko lang naman na makita ka. Masama ba iyon?"
Napahuntong hininga si Ruin, "Iloilo is our destination, Chelsey. Delikado ang----"
"Hep! Hep! Parang hindi ka naman bilib sa akin, baby loves. Kaya ko ang sarili ko at alam ko naman na hindi mo ako iiwan, diba?"
"Tama na iyan. We need to go. We have no choice kundi isama si Chelsey." Saad ni Risky.
Pumasok na sila sa helicopter at sinadya kong ako muna ang pumasok bago ang haliparot na babae. Sasarhan ko na sana kaso ay .......
"Wait! May balak ka bang iwanan ako rito?!" Singhal niya sa akin.
"Akala ko kasi magpapaiwan ka rito, like magbakasyon. I heard maganda dito ang mga beaches kaya tamang tama sa OOTD mo."
"Are you stupid? Hindi ako nandito para magbakasyon kundi para makasama ko si baby loves ko!" At pumasok na sa helicopter.
Ang sarap ihulog sa himpapawid ang babaeng ito. May payakap-yakap pa si mayora kay Ruin. Pero ang damuho kay sarap na sarap sa pagtulog. Si Risky naman ay tahimik na nakamasid sa bintana. Lumapit ako sa kanya at naghingi ng tubig.
"May tubig ka ba?" Kinuha niya ang isang bottle ng water at binigay sa akin.
"What's our next plan?" Tanong ko.
"May resort ang parents namin sa Iloilo kaya doon tayo pansamantalang manatili."
"Kilala mo ba siya?"
"Sino?"
"Iyang babaeng sumama dito."
Kinuha niya sa akin ang bottle ng water at inubos ng inom iyon. "She's our second cousin kaya lang ampon lang naman siya ni Tita Danica, so we're not related by blood. She's obsessed with Ruin. Kaya lang si kuya binabalewala niya lang at hinahayaan lang si Chelsey sa mga ginagawa niya."
Kaya pala wala lang ito sa kanya ang pagkapit-kapit ng babae ay dahil nakasanayan na. Ayon pa kay Risky ay hindi masyadong makalapit ang ibang kababaihan kay Ruin ay dahil sa pananakot at kung ano-ano pang kabaliwan ang kanyang mga ginagawa. She's indeed a lunatic and pathetic woman.
Ilang oras lamang ay nakarating kami sa Capiz. Sinalubong kami ng mapayapang lugar. Napakapresko ng hangin na walang bahid ng usok o dumi. Malayong malayo sa Manila na aming kinagisnan. Sa dulo ng resort ay bughaw na karagatan ang masisilayan. Bigla ay para akong tinatawag ng tubig dagat upang ito'y samyuhin at ramdamin.
"We need to rest first, Charina." Napanguso akong sumunod kay Risky na papasok sa isang mansyon. Napaisip tuloy ako kung gaano kayaman ang pamilyang ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/167367210-288-k175037.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing the Virginity Stealer (Rom-Action Story)
RomanceSi Charity Magdalene Maldecir ay lumaking may takot sa Diyos. Noon pa man, pangarap na niyang maging isang madre at taga lingkod ng Diyos. Sa kabila ng temptasyon sa paligid, napanatili niya ang kanyang pagkabirhen. Pero paano kung sa isang gabing m...