MAINGAY. Siksikan sa loob. Nakakabinging musika. Iyan ang bumungad sa amin nang makapasok kami ni Ruin sa loob ng club. Umupo muna ako at agad itinaas ang aking kamay para makuha ang atensyon ng isang bartender na naglalakad.
"What do you want, ma'am?"
"Tequila please."
Tumango ito bago umalis. Humarap ako kay Ruin na ngayon ay nakatitig sa akin. Masama ang tingin na ipinukol sa akin pero binalewala ko lang iyon.
"Are you planning to get drunk?" Aniya.
"Hm.. medyo." Ngumiti ako pero blangko lang ang kanyang ekspresyon. Parang galit na ewan.
Dumating ang order kong tequila. Agad ko iyon ininom pero napangiwi ako dahil sa init at pait na hatid nito sa aking lalamunan. Ilang saglit lamang ay naramdaman ko ang panginginit ng aking mukha. Nakita ko din na may hawak na bote ng alak si Ruin pero nakatuon ang mga mata nito sa akin. Mas lalong nanginit ang aking mukha sa kanyang pagtitig.
Ilang minuto pa lamang ang nakalipas ay hindi ko na nabilang kung ilang baso ng tequila ang aking inorder. Hinayaan lang ako ni Ruin na ikinagagalak ko naman. Wala siyang pakialam kaya no worries.
Tumayo ako pero napabalik din sa silya dahil umepekto na ang alak sa akin. Nahihilo na ako.
"Where are you going?" Dinig kong sabi niya.
"I wanna dance."
"You're drunk now. Let's go home."
"No! I wanna dance! Help me to stand!"
Tumayo siya at lumapit sa akin. Akala ko tutulungan niya akong tumayo pero binuhat niya ako na parang bride. Nagpupumiglas ako pero waley dahil lasing na ako. Wala na akong lakas at nagbabadyang sumara ang talukap ng aking mga mata.
"Pinagbigyan na kita kaya ako naman ngayon ang masusunod."
And who the hell are you para sundin ko?! Iyon sana ang sasabihin ko pero hindi ko na masabi. Ilang saglit ay naramdaman kong ipinasok niya ako sa kanyang kotse.
"Ayaw ko pang umuwi! Sana hinayaan mo na lang ako doon! Gusto kong pang magsaya!"
Tahimik lang itong pumasok at pinasibad ang kotse. Iwan ko ba pero gusto kong magpalabas ng sama ng loob. Gusto kong umiyak at magwala. Siguro dahil sa epekto ng alak.
"Bakit ba kasi masyado kang pakialamero?! Ibalik mo ako doon!"
"You're drunk, Charity. Shut up and sleep."
"Ayokong magshut-up! Ayokong matulog! Gusto kong..." Hindi ko na napigilan ang aking pag-iyak. "No! Hindi ako pwedeng umiyak. I'm not weak. But damn..." Nangilid na ang mga luha ko. Tumingin ako ng deritso sa kanya. Pero naduduling ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin.
"Wanna hear my story?"
Tahimik lamang ito. Nagsimula akong magsalita ulit. "The first time I saw you, I really wanna kill you. Akala ko..ikaw na ang matagal kong hinahanap. Ang lalaking pagbabayarin ko dahil sa kasalanan niya sa akin. Pero mali ako."
Nakita ko siyang napapikit ng mariin at napahigpit ang pagkapit sa mainbela.
"At si Risky, akala ko siya din. Kasi nga playboy at hindi malayong gawin iyon sa akin. Pero nagkamali din ako. Hindi pala siya."
"Stop. You need to rest now."
"Ssshh! Hindi pa ako tapos. Si Rush naman, ewan ko pero...ayaw kong maniwala eh. Naghihinala ako sa kanya kaya lang.. ewan. Naguguluhan ako. Pero inamin niya na siya nga iyon. Aaminin ko, planado ko ang lahat na patayin siya. Wanna know some of my secrets? Ako ang bumaril sa kanya noon. Kasi, kating kati na akong maghiganti! Pero hindi ko magawang patayin siya...."
BINABASA MO ANG
Chasing the Virginity Stealer (Rom-Action Story)
RomansaSi Charity Magdalene Maldecir ay lumaking may takot sa Diyos. Noon pa man, pangarap na niyang maging isang madre at taga lingkod ng Diyos. Sa kabila ng temptasyon sa paligid, napanatili niya ang kanyang pagkabirhen. Pero paano kung sa isang gabing m...