KABANATA 23

141 7 0
                                    

TATLONG ARAW. Tatlong araw na akong sabog. Nangingitim na ang ilalim ng aking mata. Hindi na ako umiiyak pero hindi naman ako makatulog. Ang daming taghiyawat sa aking noo at pisngi dahil sa walang tulog. Pakiramdam ko ay nangangayat na din ako dahil tatlong kutsara lang talaga ang makakaya kong isubo.

Pinag-deactivate ko rin ang lahat ng social media apps ko. Ni hindi ko na nga nacharge ang CP ko mula nang umuwi ako galing sa hospital. Sobrang blangko ng aking isipan at wala na akong naisip na gawin sa sarili ko. Madalas tulala. Walang pakialam sa mundo.

Bumukas ang pinto at si Blake ang bumungad sa aking paningin. Blangko ang mukha pero makikita sa kanyang mata ang pag-aalala. Agad niya akong binuhat mula sa sahig at dinala sa banyo. Nagpanic ako dahil wala akong gana maligo. Pero bago pa man ako makalabas, naitulak na niya ako sa ilalim ng shower at binuksan ito.

"Ahh!" Napasigaw ako sa lamig ng tubig. At sa totoo lang, tatlong araw na akong hindi nakaligo.

"Clean yourself."

Nakatayo lang ako sa ilalim ng tubig. Wala akong balak maligo.

"A-ayoko..."

"Ayaw mong maligo?" Umiling ako.

Nanlaki ang mata ko nang lumapit siya sa akin. Kinuha niya ang shapoo na agad niya ipinatak sa kanyang kamay. Itinaas niya ang kanyang kamay na may shampoo at umaambang ilalagay sa aking ulo.

"A-anong ginagawa mo?"

"What else? Bathing you?"

Tinulak ko siya at pinandilatan ng mata. Ngumisi lang siya na agad ikinainis ko.

"Oo na! Maliligo na ako! Alis!"

"Good. I'll wait you outside." Lumabas siya. Agad naman akong naligo gaya ng kanyang kagustuhan. Ayaw ko man pero wala na akong magagawa. Basa na ang buong katawan ko.

Pagkatapos maligo, lumabas akong nakatapis. Huli ko na namalayan na may kasama akong lalaki ngayon. At ang mas malala pa ay nasa sofa siya nakaupo katabi ang malaki kong kama. Kahit pa man na walang malisya, nahiya ako sa aking postora na nakatapis lang.

"Wala akong walk-in-closet dito kaya tumalikod ka." Utos ko.

Napaiwas siya ng tingin at ibinaling niya nalang ang kanyang atensyon sa binabasa niyang magazine.

"No need. I'm not interested to your body."

Dahil hawak ko ang suklay, agad ko itong ipinalipad sa kanya. Sapul sa mukha. Pinaningkitan niya lang ako ng mata pero binilatan ko lang siya.

"For your info, maganda ang katawan ko! Alam ko naman na kahit papaano, nagagandahan ka sa aking gorgeous body. Huwag mo na kasing ipagkaila na crush mo din ako. Look at my face. Look at my body. I know, I'm a likeable lady."

"Asyumera." Bulong nito.

"Asus! Ayaw mo lang aminin!"

"Pwede ba, Charity. Get dressed and fix yourself. I'm just here because I feel what you feel right now."

"Aww! Nakakatouch naman. Halika nga dito, bibigyan kita ng jacket." Biro ko.

"Tss."

"But seriously, I'm being grateful to you. You're such a good friend. Wait lang ha, bibihis lang ako. Bibigyan kita mamaya ng isang mainit na yakap."

"I don't need your hug, woman."

Ang bilis talaga niyang mapikon. Kaya tuwang-tuwa ako kapag nakita kong magkasalubong ang kanyang kilay. Dahil pinagmamadali niya ako, pinili ko na lamang mag jeans at loose shirt.

Chasing the Virginity Stealer (Rom-Action Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon