TAHIMIK kaming naglalakad ni Risky habang patungo sa punishment room. Sa dami ba namang punishment room dito sa Agent's Headquarter, wala akong ideya kung anong punishment room ang aming papasukin at kung anong uri ng hatol ang aming haharapin ni Risky.
Pasulyap sulyap ito sa aking gawi at ramdam kong maraming katanungang bumabagabag sa kanya tungkol sa akin. Sa ilang pasilyong aming dinaanan, sa dulo at madilim na bahagi kami dinala ni Agent Black. May isang pinto roon na kulay pula na ngayo'y binuksan niya para sa amin.
Bago niya kami pinahintulutang pumasok, sinabi niya sa amin kung anong gagawin namin sa loob ng punishment room.
"Wala kayong ibang makikita sa loob kundi nakapalibot na salamin. Kailangan mahanap niyo ang tamang lagusan para makalabas kayo diyan. Maraming lagusan pero iisa lang ang tamang portal. Sa bawat lagusan, may nakalaang pagsubok. Ang palatandaan na kayo'y nasa tamang portal ay sa dulo ng bahagi na inyong tinatahak ay secret door paparoon sa headquarters ng mga newbie agents. Pero kahit sila mismo ay walang alam tungkol dito dahil kababago lang natapos ang punishment room na ito. This is the last punishment room to establish. And frankly speaking, you two are the first agents to enter this punishment room. Btw, this is the "Behind the mirrors" punishment room."
Nagkatinginan kami ni Risky. Kapagkuwa'y unang pumasok sa punishment room si Agent Black kasunod kami. Pagpasok namin ay kadiliman ang sumalubong sa amin. Kinapa ni Agent Black switch ng ilaw kaya agad bumungad sa aming harapan ang nakapalibot na salamin.
Nakakahilo dahil sa dami ng salamin, dumadami ang repleksyon namin kaya mahihirapan kami nito sa paghanap ng tamang pinto papunta sa tamang lagusan. Nagpaalam sa amin si Agent Black kaya dalawa na lamang kami ni Risky ang naiwan dito.
"I can't believe you are an agent too. Alam ba ito ni kuya?" Napabaling ako dito dahil sa pagtanong niya sa akin.
"Hindi niya alam na agent ako."
"Anyways, kailangan muna natin mahanap ang tamang portal bago kita kilatisin." At kinindatan niya pa ako pero dedma lang ako.
Pabilog ang korte ng punishment room at ang daming salamin. Sa likod ng mga salaming ito ay may nakahandang pagsubok kaya kinikilala itong "Behind the mirrors." Sa pagbibilang ko, mayroong labin-dalawang salamin kaya labin-dalawang pagsubok din ang nakahain para sa amin. Pero sana madali naming mahanap ito upang hindi namin maubos kakapasok ang mga bwesit na salaming iyan. Baka kasi sasapitan kami dito ng umaga pagnagkataon.
Naisip ko si Ruin. Ang paalam ko ay baka hapon na ako makakauwi kaya magtataka iyon kung gagabihin ako o baka uumagahin na ako sa pag-uwi. Ang kaso lang, sino ba naman ako para mag-alala siya sa akin?
But he said 'be careful' kaninang umaga. Napangiti tuloy ako ng wala sa oras. Kinikilig na ba ako niyan? Ewan.
"Maghiwalay tayo para mabilis natin mahanap ang tamang lagusan." Tumango ako bilang pagsang ayon.
Lumapit ako sa unang salamin at hinawakan ito. Agad na umikot ang salamin kaya agad akong pumasok rito. Napasigaw ako dahil sa takot at gulat. Sa loob naroon ang napakaraming ahas - iba't ibang laki at kulay. Diyos ko! Bakit ang lupit ng pagsubok na ito?
Dahil sa lakas ng sigaw ko narinig ako ni Risky. Agad siyang pumasok sa kinaroroonan ko. Biglang sumara ang pintong salamin na dahilan ng pagkabahala ko. Sinubukan naming buksan ito pero ayaw bumukas. Wala kaming choice kundi harapin ang napakaraming ahas.
Napamura sa inis si Ruin, "Tang*na! Bwesit na pagsubok to!"
"Kailangang makadaan tayo patungo sa dulo. But first, we need to kill all these snakes."
Hinanda namin ang aming sarili pati ang mga kutsilyong aming gagamitin. Ni wala sa aming dalawa ang may dalang baril kaya mahihirapan kami nito sa pagpatay ng mga ahas. Ang ikinatatakot ko lang ay baka makagat kami ng ahas at posibleng poisonous ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/167367210-288-k175037.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing the Virginity Stealer (Rom-Action Story)
Roman d'amourSi Charity Magdalene Maldecir ay lumaking may takot sa Diyos. Noon pa man, pangarap na niyang maging isang madre at taga lingkod ng Diyos. Sa kabila ng temptasyon sa paligid, napanatili niya ang kanyang pagkabirhen. Pero paano kung sa isang gabing m...