KABANATA 34

148 8 0
                                    

"ANONG ginagawa mo dito? Gabi na, Risky."

"Come here."

"Bakit?"

"Just come here." Utos nito.

Tuluyang lumabas ako sa aming gate at lumapit sa kanya. Malaki ang pagitan namin pero inilang hakbang niya ako at hinapit ang aking beywang papalapit sa kanya. Pero ang mas nagpagulantang sa akin ay ang mabilisang pagsakop ng kanyang bibig sa aking labi.

"Hmmpp..Risk-hmmp.."

Tinulak ko siya ng malakas at doon niya ako nabitawan. Sinampal ko siya pero ngumisi lang ito. Pero kalaunan ay sumeryoso ang kanyang mukha at bahagyang lumayo sa akin.

"I'm sorry. I just want to know."

"To know what? At bakit kailangan mo pa akong halikan?" Frustrated kong tanong.

"May naramdaman ka ba?"

"Na ano? Sa halik mo? Well, to tell you the truth, wala na! I mean, wala!

Tumingin siya sa aking mga mata, "Me too. I thought I fell in love with you. Pero na challenge lang pala ako sa'yo, Charity. You're a kind of woman with unique personality. Ikaw ang tipo kong babae dahil astigin mo and it's because of we have the jobs. At siguro dahil narin sa pagkakagusto ni Kuya sa'yo at ng kambal ko. Yes, I admit that I have a crush on you. You see? Hindi ako sumama kanina dahil ayaw kong makita ang crush ko na magpapakasal sa kapatid ko." At mahina itong tumawa.

"Sira ka talaga!" Hinampas ko siya braso pero ang ending ay nagtawanan kaming dalawa.

Even me, hindi ko rin ipagkaila na medyo nagkagusto ako sa kanya. I mean, humanga siguro dahil may pagkakatulad kaming dalawa. Ang hot niyang tignan sa tuwing makipag-away. Masarap siyang kasama pero kakainis din minsan dahil may pagkamanyakis. Ano pa ba ang aasahan ko sa isang f*ckboy?

"Tbh, medyo nagkagusto din ako sayo kasi masarap  kang kasama. Pero ayaw kong lumalim iyon dahil ayaw kung masaktan kita sa huli. Parang nagshookt nga ang mundo ko nang inamin mong gusto mo ako at maging girlfriend mo. Syempre, friends tayo kahit na may you know... infatuation sa pagitan. Pero Risky, hindi ibig sabihin na binusted kita, ayaw ko sa'yo. Ayoko lang talaga na makasakit ako ng iba dahil hindi ko masuklian ang pag-ibig na 'yon. Mahal kita dahil kaibigan kita."

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya, "Just tell me if my brother is a pain in the ass, Cha. I'm one call away, if you need something to me," bulong niya sa akin.

"Okay. Thank you, Risky."

And that night was the last moment to hug my partner in crime.












_______________

"WHY, FIRE?"

"Sorry, Big D pero nakapagdesisyon na po akong magquit bilang secret agent. M-may anak na ako at hindi ko kayang mailagay sa alangan ang buhay ng anak ko."

"May anak ka na?"

"Oo, ngayon ko lang din nalaman. Gusto ko pong tutukan sa pag-aalaga ang anak ko lalo na't ngayon lang din kami nagkasama."

"If that's the case, then, I have no choice."

"Thanks, Big D. At isa pa, ikakasal na ako."

"I-ikakasal?"

Napabaling ako sa taong nagsalita. Si Blake iyon at kababago niya lang pumasok sa confession room. Kunot-noo itong nakatingin sa akin habang nakaawang ang kanyang mga bibig. Sa kanyang hitsura, halatang nagulat siya sa aking sinabi.

"Oo, alang-alang sa aking anak."

"You don't have to marry that as*hole just because of the child. I-if you don't love him, then don't. Hindi mo kailangan magmadali para lang mabuo ang isang pamilya dahil lang sa isang kasalanan. Maraming lalaki, Charity na..na handang maging ama para sa anak mo. Hindi mo kailangan magsettle down sa bastardong gumago sa'yo."

Chasing the Virginity Stealer (Rom-Action Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon