KUMAIN kami kasama sina Mama at Papa. Si Erin ay nasa school kaya walang madaldal katulad ni Mama. Si Mama ay tuwang-tuwa dahil narito ako at bukod doon ay masaya siya dahil magkakaboylet na raw ako.
"Eh bakit hindi mo pa siya boyfriend, anak? Hindi ka ba nito nililigawan? Kung hindi mo siya type, may iririto ako sa'yo, anak."
"Ma, magkaibigan lang kami ni Risky. Ayoko pang magboyfriend dahil nagfofocus ako sa aking trabaho."
"Vivian hayaan mo na ang anak mo. Malaki na iyan kaya alam na niya ang kanyang gagawin." Sabi ni Papa kay Mama.
Binaba ni Mama ang kubyertos, "Diyos ko naman Charity! Kailan mo pa ako mabibigyan ng apo? Wala ka bang balak makipagse---"
"Vivian! Nasa hapag tayo." Saway ni Papa kay Mama. Pero si Mama inirapan lang si Papa.
"Hijo bakit hindi mo pa nililigawan itong anak ko? Maganda naman itong dalaga ko dahil mana ang beauty niya sa akin. Maputi naman siya, maganda ang katawan at mabait. Muntik na nga itong mag Madre eh kaso.... "
"Ma, tama na. Kainis ka naman eh."
Tumigil sa pagkain si Risky, "I like your daughter, madam but I think she's not yet ready. I'm just waiting for the right time. For now our priority is our works."
Nabulunan ako sa sinabi ni Risky. Is he serious? Unti-unti kong naramdaman ang panginginit ng aking pisngi. Parang gusto ko na lang magpalamon sa tiles. Si Mama naman ay pumalakpak sa saya.
"Ma, nagbibiro lang siya. Alam mo namang magaling itong si Risky magjoke kaya nga siya tinawag na Joker of the Year sa office namin eh. Diba Risky?"
Napatutop ang aking mga bibig nang madilim niya akong tinitigan. Kung wala siguro ang parents ko, sinakal na ako nito.
"Why would I be lying for my true feelings for you?"
Diyos ko! Prank ba to?
"Ayyyieehh! Ene be? Nakikilig ako! Lean bebe ko, gayahin mo nga itong si Risky baka makaisa pa tayo ng baby!"
"Mamaya na langga ko." Lambing sabi ni Papa.
My Gosh! Anong nangyari sa earth? Ang weweird ng mga tao ngayon. Hindi naman ngayon April fool's day ah.
"Ewan ko sa inyo! Magpamental na nga kayo!"
Iniwan ko sila sa mesa at dumiritso sa kusina. Naghugas ako ng kamay bago umakyat sa itaas. Mabuti na iyang makalayo ako sa mga taong sinasaniban ng kabaliwan ngayon. Kainis! Nafefeel ko talaga ang kilig matapos ang pag aamin ni Risky sa akin.
But I know it's just a big pretty lie!
_________________
BUONG maghapon akong nakakulong sa silid ko dahil natatakot ako sa mga kasama ko. Ayokong makaharap si Risky dahil baka tuksuhin niya lang ako tapos sasabihin niyang joke lang iyon. Siyempre ayokong mapahiya! Tapos baka mag assume assume lang ako. Si Mama naman paniguradong tuksuhin niya rin ako.
Buti na lang itong kapatid ko na si Elena kahit may pagkamadaldal at least may kwentang kausap. Pagakarating niya kaninang alas tres ng hapon dumiritso siya kaagad dito sa akin pagkatapos ibalita sa kanya ni Mama na nandito ako.
"Btw ate, nakita ko sa aking IG si ate Elena. Nasa France siya ngayon based sa kanyang post."
Napatiim baga ako. Nanumbalik lahat ng galit ko sa pangalan ng babaeng iyon. Pagkatapos niya akong traedorin ay puro galit ang aking nararamdaman sa kanya. Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin kung bakit niya ginawa iyon.
Time will come and she'll taste my sweetest revenge.
"Ate I saw your secret bottle under your bed before. I ... I read your letters and your little secret. Nabasa ko na..na galit ka kay ate Elena dahil siya nagpahamak sa iyo noon. Kung bakit ka nadepressed at...nawala ang virginity mo."
BINABASA MO ANG
Chasing the Virginity Stealer (Rom-Action Story)
Roman d'amourSi Charity Magdalene Maldecir ay lumaking may takot sa Diyos. Noon pa man, pangarap na niyang maging isang madre at taga lingkod ng Diyos. Sa kabila ng temptasyon sa paligid, napanatili niya ang kanyang pagkabirhen. Pero paano kung sa isang gabing m...