NAPANGISI ako nang bumalik sa aming mesa na wala na doon si Ruin. Nilagay ko sa mesa ang aming order at nakasunod sa akin ang isang waiter na bitbit ang iba pa naming order. Pumalakpak sa tuwa ang aking anak dahil daw ang daming pagkain. Napasipat ako sa di kalauyuan kung saan nakaupo si Ruin at ang business partner niya kuno.
Nagsimula na kaming kumain habang nag-uusap sina Papa at Charley. Hindi ko sinadyang mapatingin ulit sa kanilang gawi. Pareho na silang nakatayo at nagkamayan. Hindi pa nakuntento ang babae dahil humalik pa ito sa pisngi ni Ruin. Really? Magkabusiness partner lang ba talaga sila? Napaismid ako sa kaisipang iyon.
"Mommy, you're not eating." Untag sa akin ni Charley.
Napatingin ako sa aking anak at bahagyang ngumiti. Sumubo ako ng kanin at may kasamang ulam. Hindi ko pa nalunok ang pagkain nang makita ko si Ruin na patungo sa aming mesa. Namataan ko ang babaing kasama niya na lumabas na ito ng restaurant. Napatingin ako kay Ruin ulit at malapit na siya sa amin. The heck?! At bakit pa siya pupunta dito? Bakit hindi niya na lang samahan ang babae niya paalis?
"Daddy!" Sigaw ni Charley.
"Hey, kiddo."
Inanyayahan siya ni Mama na umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ko. At ang walangya! Hindi tumanggi dahil umupo talaga siya sa aking tabi! Hindi ko siya pinansin. Subo lang ako ng subo at hindi siya tinapunan ng tingin.
"Mommy, may kanin ka sa gilid ng iyong lips." Napatingin ako kay Charley habang turo-turo ang kanin na nasa gilid ng aking lips. Pero bago ko pa man makuha iyon, may daliri na dumampi sa gilid ng aking lips at kinuha ang kanin doon.
Napatingin ako sa aking tabi. Hawak-hawak ni Ruin ang kanin at ipinakita sa akin. At ang hudas! Diniritso niya sa kanyang bibig ang kanin at kinain. Shaks! Biglang uminit ang mukha ko sa ginawa niya. Parang biglang nagslow-mo ang paligid. Napahagikhik si Erin at si Mama kaya parang natauhan ako. Walang sabi-sabing hinampas ko siya sa balikat at inirapan siya.
"Good job, Daddy!"
Isa pa to! Manang-mana sa ama niyang talipandas!
"Bakit hindi ka nalang sumalo sa amin dito, Ruin? Marami ang inorder ni Charity. Hindi naman namin to maubos." Wika ni Mama.
Umiling siya at tumanggi. Syempre tatanggi talaga iyan dahil kanina pa iyan busog kasama ang business partner niya.
Hanggang sa nakatapos na kaming kumain, hindi pa rin siya umalis. Pumunta kami ng mall at sumama din siya. Halos lahat ng gusto ng kanyang anak ay kanyang binili. Pati si Erin ay binilhan niya ng mamahaling bag at school shoes. Kung hindi siguro tumanggi si Papa, bibilhan niya rin sana ng relo. At si Mama, salot talaga iyan! Hindi nahiya na magpabili kay Ruin ng lipstick. Anong trip nito? May pera naman siya.
"Thanks, Ruin." Malambing na sabi ni Mama kay Ruin.
Tumango lang si Ruin at ngumiti. Tumingin siya sa akin, "How about you? What do you want?"
Ikaw!
Err..char lang.
"Wala. I can afford to buy whatever I want. I don't need your money just to—"
"I know, Charity. But it's your birthday so...I want to buy whatever you like as a gift for you."
"Huwag na. Okay lang na walang gift. I'm happy seeing yo— I mean my family in my special birthday and to be with them."
Oh God! Kung ano-ano talaga ang lumalabas sa bibig ko.
Hindi rin kami nagtagal sa mall at umuwi rin kami. Pati sa pag-uwi namin, nakasunod sa amin si Ruin. Doon pa sa kanya sumakay ang kanyang anak. Hinayaan ko na lang dahil ilang araw din silang hindi nagkita dahil nga sa bagong business na kanyang inaatupag.
BINABASA MO ANG
Chasing the Virginity Stealer (Rom-Action Story)
RomansaSi Charity Magdalene Maldecir ay lumaking may takot sa Diyos. Noon pa man, pangarap na niyang maging isang madre at taga lingkod ng Diyos. Sa kabila ng temptasyon sa paligid, napanatili niya ang kanyang pagkabirhen. Pero paano kung sa isang gabing m...