MAY SUSUNOD na naman akong pasabog kay Rush. Kaya lang, pagpahingahin ko muna ang sarili ko. At isa pa, medyo pagagalingin ko muna si Rush bago gulatin sa panibago kong pasabog. Baka isang araw maging tuta na siya sa sobrang kawawa. Pero bet ko iyong bucha na baboy. Bagay na bagay iyon sa kanya at kapag ginanahan ako, iyon ang gagawin ko sa kanya.
Maaga akong nagising at naghanda. Balak ko ngayon magparelax kaya magshoshopping ako at magpapamassage. I'm wearing a skirt and a simple blouse with matching adidas shoes. Light make-up lang ang nilagay ko. Nilugay ko ang aking buhok saka nilagyan ng pauso na hair pin ngayon. Tumingin ako sa salamin at..PAK! bagets na bagets ang dating ko.
Lumabas na ako ng condo at doon naghintay ng taxi. Mga ilang minuto na ang aking paghihintay pero wala paring taxi na dumaan. Napatingin ako sa kabilang kalsada kung nasaan nanggaling ang ingay. Ingay iyon ng isang kampana kung saan mayroong simbahan.
Napapikit ako ng mariin. Anong buhay kaya ang mayroon ako ngayon kung sakaling isang ganap na madre na ako? Magiging masaya ba ako kung ang dati kong pangarap ay natupad?
Natagpuan ko na lamang ang aking sarili papasok sa simbahan. Kay tagal na pala. Kay tagal na pala akong huling nakapasok sa loob ng sagradong lugar. Kay tagal ko nang hindi naramdaman ang ganitong tahimik na lugar. Aaminin ko, may pagtatampo ako sa Diyos. Dahil para sa akin, pinabayaan niya ako. Na hindi niya ako hinayaang silbihan siya. Bagkus, hinayaan niya akong wasakin ng mga demonyong nilalang.
Pumatak ang mga butil ng luha sa aking mukha. Sa totoo lang, ngayon ko ulit naramdaman ang kapayapaan at katahimikan ng loob ko. Ganitong ganito ang pakiramdam ko noon sa tuwing nakaharap sa altar. Ganitong ganito ang pakiramdam ko noon kapag dama ko ang Diyos. Na panatag ka dahil alam mo sa sarili mo na nasa tabi mo siya.
Napaluhod ako habang nakatingin sa altar. Sinariwa ko ulit ang paulit-ulit kong pinapanalangin noon. Masarap sa pakiramdam na nakikipag-usap ka sa Diyos kahit na hindi mo marinig ang kanyang sagot. At sa kalooban ko, nahanap ko ang tunay na kapayapaan.
Diyos ko, nawa'y patawarin mo ako sa aking mga nagawang kasalanan. Patawarin niyo po ako kung ako'y may pagtatampo sa'yo. Alam kong alam mo na ang puso ko ngayon ay puno ng kasakiman at paghihiganti. Pakiramdam ko kasi, kapag naghiganti ako, doon ko lang mahahanap ang tunay na kapayapaan. Diyos ko, patawad dahil nalilimot ka ng aking isipan. Sinisisi ka ng aking sarili sa pagpapabaya mo sa akin. Pero sana mapapatawad niyo pa ako sa mga susunod kong mga hakbang. Gusto kong pagbayarin ang taong lumapastangan sa akin. Hindi lang puri ang kanyang winasak sa akin, kundi ang pagkakataong pagsilbihan ka sana. Sinisisi ko siya kung bakit napalayo ako sa'yo. Alam kong mali ang mga ito, pero masisisi mo ba ako kung gustuhin ko ang hustisya para sa aking sarili? Nawa'y mapatawad mo ako, Diyos ko.
Napaupo ako pagkatapos masabi sa Diyos ang aking mga hinanaing. Sandali akong napatulala sa altar at paulit-ulit na sinasambit ng aking isipan ang aking mga dalangin.
"Nakikita ko sa iyong mukha ang kalungkutan at pagsisisi. Pero nangingibabaw ang pag-asam na makapaghiganti. Tama ba ako?"
Napatingin ako sa matandang babae na nakaupo sa aking tabi. Medyo napaawang ang aking labi sa kanyang sinabi. Direkta itong nakatingin sa akin na para bang kinikilala niya ako. Paano niya nalamanang tunay na aking nararamdaman ngayon? Manghuhula ba siya?
"Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman. Pero ang maipapayo ko sa'yo ay sana matutunan mong magpatawad. Hindi solusyon ang paghiganti sa kapwa. Pakinggan mo ang munting bulong sa kalooban mo at sa gayun ay mahanap mo ang tunay na kapayapaan."
Ngumiti siya bago tumayo. Dahil sa katandaan, mabagal itong naglalakad papalabas. Bigla ay napausal ako sa aking sarili. Ito ba ang sagot ng Diyos sa aking panalangin? Kapatawaran ba ang gusto niyang ipahiwatig?
BINABASA MO ANG
Chasing the Virginity Stealer (Rom-Action Story)
RomanceSi Charity Magdalene Maldecir ay lumaking may takot sa Diyos. Noon pa man, pangarap na niyang maging isang madre at taga lingkod ng Diyos. Sa kabila ng temptasyon sa paligid, napanatili niya ang kanyang pagkabirhen. Pero paano kung sa isang gabing m...