KABANATA 43

155 9 0
                                    

Elena's POV

Masakit ang buo kong katawan. Sinubukan kong gumalaw pero hindi ko kaya. Napamulat ako ng mata ng wala sa oras dahil hindi ko maigalaw ang aking dalawang kamay. Kaya pala! Nakagapos ako at—WHAT THE HELL?! Nasaan ako? Bakit...bakit may tubig sa ilalim ng paa ko? Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko na nakaupo ako sa ere at may malaking kahon sa ilalim ko na puno ng tubig. Gumagalaw ang upuan at sigurado ako na kapag hinila pababa, malulublob ako sa tubig.

"Oh my God! Help! Pakawalan mo ako dito?!" Tawag ko ng pansin sa lalaking nakabatay.

Tumingin lang siya sa akin pagkatapos ay may tinawagan sa cellphone. Ilang minuto lamang ay may mga lalaking dumating. Nakakatawag pansin sa akin ang lalaking nasa unahan dahil sa kakisigan nito. Gwapo siya at matangkad pero nakakatakot ang mga tinging ipinukol niya sa akin. Ano bang ginawa ko sa kanila? May atraso ba ako sa kanila na hindi ko alam?

"Wondering why you're here?" Tanong nito.

"Oo! Bakit narito ako? Ano ba ang atraso ko sa inyo?!"

"Sa amin, wala. Pero kay Charity meron."

Si Charity? Lintik na babae 'yun! Buti nga sa kanya na mawalan ng anak! Hindi niya deserve na maging masaya habang ako ay nagdudusa. Sana talaga mamatay na ang anak niya at ang lalaking patay na patay sa kanya.

Mula sa ibaba, nakita ko ang pagbukas ng pinto ulit. May pumasok na babae. Napangisi ako nang makita ko kung sino iyon.

Si Charity.

Hilam ang kanyang mga mata. Mukhang nagtagumpay nga ako na mapatay ang anak niya. Mula sa ilalim, nakita ko siyang papalapit. Pero ngiting demonyo lang ang ibinigay ko sa kanya. Wala siyang reaksyon, blangko lang ang kanyang mukha.

"Why so sad, Charity? Is your son dead now?"

Nakita kong hinawakan niya ang lubid. Kinabahan ako bigla dahil sa ikinilos niya. Hindi nga ako nagkamali! May tinatago din ang babaing ito. Siguro kabilang siya sa mga sindikatong ito.

"I'm happy for my son because right now, he's one of the angels in heaven. How about you? If I'll kill you right now, where do you think you're going?"

Nakita kong nirelease niya ang lubid kaya unti-unti akong bumabagsak sa tubig. Napahiyaw ako sa lamig. Sobrang lamig na parang may ice. Mas lalo niya akong nilublob hanggang sa hindi ako makahinga. Pero agad akong napaangat nang hilahin niya ang lubid.

"Pakawalan mo ako rito, Charity!"

She smirked at me, "I'm asking you bitch!"

"Yes! I know, I'm going to hell! But not only me, 'cuz I'll make sure, I'll drag you to hell...with me!"

May pinindot siyang maliit na remote. Unti-unting nawala ang tubig sa kahung salamin kung saan ako kanina nabagsak. Nang maubos ang tubig, unti-unti niya naman akong ibinababa hanggang sa maglapat ang paa ko sa ilalim. Nakaupo pa rin ako at nakagapos kaya hindi talaga ako makagalaw.

"Hindi ko talaga maintindihan kung bakit galit na galit ka sa akin. Sa sobrang inggit mo sa akin, dinamay mo ang walang kamuwang-muwang na bata?! Malala ka na talaga, Elena!"

"Not just a mere envy and jealousy, Charity! Because you don't know the deep reason why I'm acting like this!"

"So, tell me!"

"Dahil namatay ang tunay kong mama dahil sa parents mo! Si Mama ang dapat nakatuyan ng Papa mo kung hindi lang sana naging epal si Tita Vivian! At dahil doon, nagkahiwalay kami ng kambal ko!"

"What? Papaano mo nalaman ito?"

"Don't be stupid, Charity! I have money and connection. I can pay someone for investigation. Shock now?"

Chasing the Virginity Stealer (Rom-Action Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon