"Hi, Charity. How are you?"
"I'm fine. How about you, Ruin?"
"I'm happy 'cuz I found now my happiness, my lovely girl, my partner in life."
Alangan akong napangiti nang makita kong hinapit niya ang babae sa beywang. Hinagkan niya pa ito sa bibig at sa harapan ko pa mismo. Bigla ay gusto ko silang sakaling dalawa. Kakainis! Kakagigil! Ang galing nilang mang-inggit.
"Hoy!"
"Ay kabayo!"
"Anong kabayo? Diyosa ang kaharap mo teh, hindi kabayo."
Umismid ako kay Lexie. Iwan ko lang ba kung paano kami naging kaibigan nitong bakla dahil unang-una, hate na hate ko talaga ito noong nasa punerarya pa ako nagtatrabaho. Yes, siya nga ang echoserang bakla na inaalipin ako noon. Pero ngayon, subukan niya lang na alipinin ako dahil mahahalikan niya talaga itong kamao ko.
"Siguro iniisip mo naman na may jowa na si papa Ruin, ano? Kuuu! Ang dumi mo talaga mag-isip, bes. Magtiwala ka lang kasi na babalikan ka niya-"
"Balikan? Three years na ang nakalipas, bakla! Sabi niya, after one or two years lang. Pero ano? Three years na, hindi pa rin siya nagpapakita! Paasa ang bwesit!"
"Baka naman kasi may malaki siyang sorpresa sa'yo. Tapos tatlong taon niyang pinaghandaan."
"Tanga kaba? May ganoon bang sorpresa na kailangan tatlong taon ang paghahanda? Bwesit talaga! Kinalimutan na niya na may anak siya." Gigil na sabi ko.
"My! My!"
There! My beautiful baby. Her name is Reign Fatima. She is now three years old at sa masamang palad, hindi pa rin nito nakikita ang Daddy niya. Bobo kasi ang ama niya! Ang galing niyang mangako pero palpak naman. Araw-araw ko talagang naiisip na baka may babae na siya, may asawa o may pamilya. At siyempre, ako naman si tanga, naghihintay sa pagbabalik niya na parang malabo nang mangyari. Paano kung tuluyan na niya akong kinalimutan pati ang anak namin?
"My! Dy! Dy!"
Nagkatinginan kami ni Lexie at sabay napabuntong-hininga. Kinarga ko ang baby ko at hinalikan sa noo.
"Gusto mo ba ng milk, baby?"
"Dy! Dy!"
"Asan na kasi si papa Ruin? Nalunod na ba siya sa sabaw? Diyos ko, bakit ba kasi ang dami niyang pakulo-este! Trabaho. Super busy ang peg ganern."
Pinandilatan ko ng mata si Lexie. Kung ano-ano talaga ang lumalabas sa kanyang bibig. At ang mas malala ay nasa harapan pa namin ang anak ko.
"Anak, uuwi din si Daddy, but not now. Okay?"
"K."
Bumaba sa pagkakarga sa akin si Reign. Dahan-dahan itong naglakad patungo sa kanyang mga laruan. Talagang ang bilis lumipas ng panahon. Noong kailan lang ay nasa sinapupunan ko pa siya, pero ngayon ay ang laki na ng baby ko. At noong isilang na siya, iyon lang din ang pagkakataon na nasa bisig siya ng kanyang ama. At ngayon, parang kinalimutan na din kami ng gunggong na iyon.
"Pero bes, paano kung hindi na siya babalik?"
Nagkibit-balikat ako, "Kung ayaw niyang bumalik, di h'wag. Kaya ko naman na buhayin ang anak ko, Lex."
"Pero kailangan ng anak mo ang isang ama. Habang lumalaki iyan, talagang hanap-hanapin niya kung saan ang ama niya. Hindi na iyan makukuntento sa picture na ipinapakita mo sa kanya."
"I know. Kung bakit ba kasi paasa ang lalaking iyon. Kung hindi niya sana sinabi sa akin na maghintay ako, matagal na akong nakamove-on. Sana talaga hindi ko na lang din ipinakita sa anak ko ang litrato ng ama niya para hindi magkaganito ang anak ko. Iyong palaging hinahanap niya sa akin ang ama niya na wala naman akong alam kung saang sulok iyon ng mundo."
BINABASA MO ANG
Chasing the Virginity Stealer (Rom-Action Story)
RomanceSi Charity Magdalene Maldecir ay lumaking may takot sa Diyos. Noon pa man, pangarap na niyang maging isang madre at taga lingkod ng Diyos. Sa kabila ng temptasyon sa paligid, napanatili niya ang kanyang pagkabirhen. Pero paano kung sa isang gabing m...