Chapter 4

7 2 0
                                    

Chapter 4

Venice POV

Napailing ako. No! Tama ang desisyon ko. Hindi ko na siya mahal. Napahawak ako sa pisngi ko at nagulat ako ng may nakapa akong luha. Umiiyak ako? Dali-dali kong pinunasan ang luha ko saka ngumiti. I'm strong now. I'm not the weak and naive Venice, I can stand on my own. I don't need Kurt Gabriel Lim in my life. Mark my words.

Bumalik agad ako sa loob. Nakita ko sa mga crew sila Phillip na nakadisguise. Pasimple silang sumaludo sakin at bumalik sa pagtatrabaho. Tahimik akong bumalik sa upuan ko. Pagkaupo ko ay parang napansin ni Harold na hindi ako okay.

"Oh Venice! How's the closure?" Tanong ni Harold. Nakapatingin din sakin si Raze. Wala sila Kaizer, Loraine at Sabrina sa table. Baka may pinuntahan.

"Well.... It's good... And finally.... Nakahingi na rin ako ng closure sa kanya..." sabi ko.

"Good! Pero parang may mali.... Ayos ka lang ba talaga?" Tanong ni Harold.

"O-Of course Im okay...Im definitely okay, why wouldn't I be? Besides masaya ako kasi nakuha ko na yung closure na hinihintay ko dati pa." Sabi ko at ngumiti ng pilit.

I know he won't notice that my smile is fake pero si Raze. Kinakabahan akong napatingin sa kanya. Matiim itong nakatingn sakin na parang binabasa ang isip ko why is posible. Yan pa ba, saka sa tagal naming magkasama sure ako na kilalang kilala na niya ako.

Ngumiti din sakin si Harold but I know na nag-aalala siya. Bigla siyang tumingin kay Raze. Tumango lang naman si Raze at sumenyas na okay lang ako. Tapos ngumiti siya ng matipid. Napahinga ako ng maluwag. Buti hindi niya sinabi kay Harold.

Biglang nagring ang phone ni Harold. Kinuha nito iyon at tumingin samin.

"Excuse me. I need to answer it." Sabi ni Harold kaya tumango kami ni Raze. Umalis na ito.

"Nasaan ang iba?" Tanong ko kay Raze.

"Sila Loraine at Sabrina nakikigulo sa iba. Si Kaze nasa labas. May iniintay." Sabi niya at napatingin sakin. Matiim ang pagkakatingin niya sakin medyo di ako komportable kaya nagtanong ako.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong ko.

"Alam kong hindi ka okay. Masaya ka ba talaga sa closure nyo?" Tanong niya. Napabugtong hininga ako at nanghihina na napatingin sa kanya.

"Hindi ko alam Raze.... Kahit sa sarili ko hindi ko alam kung tama ang ginawa ko... Sa tingin mo?" Tanong ko.

"It depends. Kung mahal mo pa siya edi mali na pinakawalan mo. Mahal ka din naman nung tao. Kung hindi mo na mahal edi tama na pinakawalan mo, wala din naman kasing patutunguhan." Sabi niya.

"Wait?! Nandoon ka?! Bakit hindi kita nakita?!" Tanong ko. Ngumiti ito sakin at kumindat.

"I'm a shadow." Sabi niya.

"Pero sa totoo lang. Alam kong hindi ka okay. Hindi ko masasagot ang una mong tanong Venice kasi ikaw lang ang makakasagot niya pero ang payo ko lang. Hindi nakakaramdam ang utak. Puso ang tanungin mo. Sa tingin mo ba may pakiramdam yang utak mo? Pero huwag puro puso, huwag din puro utak. Balanse lang dapat. At kung kailangan mo ng advice at tulong tawagan mo lang ako. Dito muna ako sa Pilipinas magsi-stay." Seryosong sabi nito. Napakagaling niya pa din mag-advice. Parang ang dami na niyang pinagdaanan eh.

"Saan mo nakuha yan?" Tanong ko.

"Wala naman. Matanong ko lang. Masaya ka ba talaga?" Tanong niya. Ngumiti ako saka sumagot kahit nagulat ako sa tanong niya.

"Oo naman. Naabot ko na ang mga pangarap ko. Naiahon ko na sa hirap ang mga magulang ko. Napag-aral ko ang kapatid ko. Bakit mo natanong?" Tanong ko.

UndeniableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon