Chapter 11
Gab POV
Nagising ako ng makarinig ako ng boses na intercom. Actually hindi naman siya boses kasi alarm siyang literal. Naiinis akong napabangon. Maya-maya ay may nagsalita sa intercom.
*Attention to all. Gumising na po kayo dahil after an hour pupunta na po kami dyan para dalhin kayo sa lobby ng hotel. Paki-ayos na din po ang nga dadalhin nyong gamit kasi hindi na kayo pwede basta-basta bumalik sa kwarto ninyo.*
*I repeat, Gumising na po kayo dahil after an hour pupunta na po kami dyan para dalhin kayo sa lobby ng hotel. Paki-ayos na din po ang nga dadalhin nyong gamit kasi hindi na kayo pwede basta-basta bumalik sa kwarto ninyo.*
Kahit labas sa loob ko ay bumangon na ako. Pagtingin ko sa orasan ay 6:00am na. Napatingin ako kay Venice na natutulog pa din. Ang tatag din nito eh. Lumapit ako sa kanya at niyugyog siya.
"Huy Venice! Gising na!" Sabi ko at mas nilakasan ang yugyog sa kanya.
"5 more minutes." Sabi niya.
"Hindi pwede! Gumising ka na! Baka maiwan ka dito!" Sabi ko. Nagpupungay mata itong tumingin sakin, halatang inaantok pa.
"Ano ba?" Antok nitong tanong.
"Gumising ka na. After an hour daw eh pupunta na yung mga taga-security unit dito para dalhin tayo sa lobby ng hotel. Ihanda na daw ang dadalhin kasi hindi tayo basta-bastang pwedeng bumalik dito sa kwarto." Sabi ko. Napatango naman siya.
Pinauna ko na siyang maligo. Kinuha niya ang gamit niya sa bag niya at pamalit na damit saka pumasok sa CR. Inayos ko na din ang mga gamit na gagamitin ko.
Mabilis naman na natapos si Venice kaya pumasok na ako sa CR. Mabilis ko lang din naman natapos ang morning rituals ko. Paglabas ko ay nag-aayos si Venice ng dadalhin niya. Umupo muna ako sa sofa kasi naayos ko na kanina ang mga dadalhin ko.
Tumingin ako sa orasan at nakitang may fifteen minutes pa bago mag-7. Nilabas ko ang phone ko at bumungad sakin ang mga text ni Lianna.
From Lianna:
Hello Gab! Sino kasama mo sa room? Sana tayo na lang ang magkasama sa room.
*5:32pm*
From Lianna:
Gab? Sino kasama mo sa room? Babae ba yan? Sino ha? Ipinagpapalit mo na ba ako?
*5:43pm*
From Liamna:
Hello Gab! It's dinner! Nandyan na ba ang dinner nyo? Huwag kang papagutom ah? I miss you already.
*6:12pm*
From Lianna:
Gab! Why aren't you replying on my text?! Past dinner na wala pa din? Nakatulog ka ba?
*7:54pm*
From Lianna:
Maybe you're really asleep already. Goodnight Gab. Dreams of me.
*9:56pm*
Hayy ano ba talagang gagawin ko kay Lianna? Napakaclingy niya.
Venice POV
Nag-aayos ako ng gamit ko ngayon. Nakakahiya kanina! Buti na lang hindi tulo ang laway ko dagdag kahihiyan pa. Magdadala na lang ako ng shoulder bag na maliit. Doon ko ilalagay ang phone, towel, sunblock, panyo at wallet ko.
Napatingin ako kay Gab na mukhang problemadong nakatingin sa phone niya. Anong meron? Nakakahiya naman magtanong baka sabihing wala naman akong pakialam kaya hindi ko na lang siya pinansin. Inayos ko ang pagkakasalansan ng damit ko.
Nakasuot ako ngayon isang mahabang floral dress. Sa loob ay nakasuot ako ng cotton sando sa loob saka beach shorts. Sa loob noon ay ang two-piece ko kung sakaling magsuswimming kami. Which is possible kasi nasa beach resort kami.
It's already seven ng bumukas ang pinto. Napatingin kami sa pinto at bumungad sa amin yung isang babaeng kasama ni Calix kahapon. As what I remember Alexis ang pangalan niya. Nakasuot siya ng three-fourth jeans at black three-fourth polo. Nakasuot siya ng cap at facemask niya kahapon.
"Hello Guys! Good Morning!" Sabi nito.
"Good morning din. Alexis diba?" Tanong ko.
"Yup, that's my name. Halikayo hindi ko na kayo pipiringan kasi nakalabas na din naman kayo kahapon. Huwag nyo na lang sabihin sa iba kasi baka masabihan kami ng unfair. Ikaw si Venice diba?" Sabi ni Alexis at naglakad na palabas. Sumunod naman kami ni Gab sa kanya.
"Oo ako si Venice." Sabi ko.
"Ikaw naman Mister Asthma. Okay ka na? Nagdala kang gamot? Baka atakihin ka na naman ng asthma mo." Sabi ni Alexis.
"May pangalan ako, Gabriel. Kaya huwag nyo kong tawaging Mister Asthma. Tss, oo okay na ako. Nagdala din ako ng gamot. Iinom ako mamaya pagka-kain." Sabi ni Gab.
"Pasensya na........ Mr. Asthma." Sabi ni Alexis. Palihim akong natawa. Yun na ata ang tawag sa kanya ng lahat ng taga-security unit.
Nakasalubong namin si Calix sa hallway. Ngumiti lang ito samin at kumaway. Nasa hallway din ang iba at papunta ata sa ibang room.
Nung nasa elevator na kami at malapit na sa lobby ay piniringan niya kami.
"Teka? Akala ko ba di nyo na kami pipiringan?" Tanong ni Gab. Ganun din naman ang natakbo sa isip ko.
"Kasi naman Mr. Asthma, magtataka ang iba kung bakit pagbaba nyo eh wala kayong piring. Isa pa, pagbaba nyo doon eh nakapiring pa din ang mga nandun kaya hindi nila malalaman na kayo ang magkasama sa room. Makisabay na lang kayo at manahimik." Sabi ni Alexis.
Ginabayan niya kami palabas ng elevator at palakad. Tapos pinaupo niya kami sa sofa. Tahimik lang doon at nagpapakiramdaman lang.
Hindi ko kakilala ang katabi ko kasi wala namang nagsasalita basta ang alam ko ay babae siya.
Maya-maya ay nakarinig kami ng boses.
"Pwede nyo na pong tanggalin ang piring. Pasensya na po pero sumusunod lang kami sa iniutos sa amin." Sabi ng boses ng isang lalaki.
"Pero hindi po ibig sabihin noon ay susundin na namin kayong lahat. Si Maam Sam lang po ang susundin namin kasi siya ang kumuha ng service namin." Sabi ng isang pang boses.
Tinanggal ko na ang piring ko at medyo nag-adjust ang paningin ko. Napakurap ako at napatingin sa paligid. Si Paris pala ang katabi ko saka si Charlotte. Di naman siguro halata na puro pangalan ng mga bansa ang pangalan namin. Pareho ko silang kaibigan at kaclose nung highschool.
Malayo sakin si Gab kaya hindi halata na siya ang kasama ko sa room. Nakita ko din si Harold na nakahalo sa iba at nakikipagkwentuhan kay Jake. Baka yun ang karoom mate niya. Nasa harap naman ang mga security unit. Lahat nila nakathree-fourth na jeans tapos three-fourth na pantaas. Yung iba shirt na three-fourth. Yung iba nakapolo pero nakatupi ng pang three-fourth. Nakasuot din sila ng cap at facemask.
Nasa harap si Sam na mukhang katatanggal lang din ng piring niya.
"Nakaready na po ang breakfast nyo. Nasa restaurant na ito." Sabi nung isang lalaki kahapon na matangkad na tisoy.
"Okay Guys! So Good Morning sa lahat. Sana ay nakatulog kayo ng maayos dahil puro tayo outdoor activities ngayon! From Swimming to Beach volleyballs. Kaya ihanda nyo ang sarili nyo at kumain kayo ng marami para hindi kayo mawalan ng energy sa gitna ng activity! Tara na sa restaurant!" Sabi ni Sam. Nagsipuntahan na ang lahat ng restaurant. Tahimik lang ang lahat, halatang nirereserve ang energy sa mga palaro mamaya.
Ako din naman nirereserve na ang energy kasi kilala ko si Sam. Kapag sinabi niyang outdoor activity, literal na outdoor at nakakapagod. Sa tingin ko ganun din ang dahilan kaya nagtitipid ang lahat ng energy. Sila Paris at Charlotte na ang kasama ko maglakad at mukhang kami na din ang magkakasama sa table sa restaurant mamaya. Nakipagkwentuhan at asaran na din kasi si Harold sa boys. Good for him para hindi siya mabored.
Sana naman ay hindi na kami magkaroon ng encounter ni Gab sa mga laro.

BINABASA MO ANG
Undeniable
Teen FictionShe was just a simple girl living her simple but elegant life. Full filled her dreams and gave her family the best life. Everything was good and perfect. With her family and friends, she was like living a perfect life. But what if a part of her pas...