Chapter 8
Venice POV
Nandito na ako sa sala ng bahay ko. Iniintay ko na si Harold. Ngayon na kasi reunion namin. Nakasuot lang ako ng simpleng floral dress na hanggang taas ng tuhod ko at sandals. Nakasuot din ako ng beach hat at hinayaan kong nakalugay ang buhok ko na hanggang bewang. Nakasuot din ako ng sunglasses.
Si Shantelle nasa kwarto pa niya. Tulog pa ata, sabi ko kay Manang pakainin na lang pag-gising. May reunion kasi kami every year. Minsan lang din ako maka-attend at ngayon lang nila naiisip na parang gawing outing. Pero siyempre walang tatalo kay Raze na ni-isa ata sa mga reunion namin hindi pumunta.
Pero ngayon naiintindihan ko na din naman. Super busy naman kasi pala niya. Pero sinabi ko sa kanya nung isang araw eh. Sabi niya depende daw. May task daw sila ng araw na yun eh. Matawagan nga. Nakatatlong ring bago niya sinagot.
"Hello Venice!" Sabi ni Raze. Nakarinig ako ng kalabog dun sa kabilang linya.
"Hello Raze. Ano yung lagabog?" Tanong ko.
"Ah wala yun. May abnormal lang dito." Sabi niya nakarinig ako ng sigaw aa kabilang linya.
*Hoy Kaze! Ikaw mag-ayos ng hinigaan natin!*
*Sandali lang Raze! Naliligo pa ako! Buti pa ikaw tapos na maligo! Ano ba ginagawa mo dyan?*
*Oo na! Mamaya pagkatapos mo maligo saka ka mag-ayos! May trabaho pa tayo tapos late nagising!*
*Wait lang nga! Napuyat ako kagabi eh! Napagod ako sa misyon natin kagabi! Tapos wala ka namang ginawa!*
*Ayy ganun ba? Sensya naman!*
Nagulat ako sa narinig ko. Lah? Magkasama sa bahay sila Raze at Kaizer? Tapos sabi magkatropa lang daw. Hanep din naman eh.
"Pasensya na Venice. Bakit ka nga pala napatawag?" Tanong ni Raze. Imbis na itanong ang tungkol sa reunion ay iba ang natanong ko.
"Magkasama kayo ni Kaizer sa iisang bahay?!" Gulat kong tanong.
"Hah? Hindi noh! Nasa SH Building ako ngayon. Sa barracks ko." Sabi ni Raze.
"Eh bat nandyan si Kaizer?" Tanong ko.
"May misyon kasi kami kagabi eh. Dito na nakihapunan at nakitulog kasi napagod. Teka? Yan ba ang tinawag mo?" Sabi ni Raze.
"Hindi nacurious lang ako ng marinig ko ang boses ni Kaizer. By the way, di ka ba talaga pupunta sa reunion?" Tanong ko.
"Hindi ko alam eh. Sunod-sunod kasi ang field works namin eh. Pero malay natin. Baka nasa paligid lang ako." Makahulugang sabi ni Raze kaya nagtaka ako. Pero di ko na alng pinansin ang huli niyang sinabi.
"Sige na nga. Basta ingat ka ah? Napakahilig mo talaga sa mga delikadong bagay." Sabi ko.
"Naman ako pa! Kamusta ang tutor mo? Saka training intructor?" Sabi niya.
"Okay naman. Iilang language na lang ang inaaral at tama ka. Nakakasakit nga ng ulo. Tapos sakit naman sa katawan yung sa training instructor. Sobrang hirap din pala mag-aral ng martial arts at self-defense." Sabi ko.
"Hahaha. Ganyan talaga. Masasanay ka din. Buti hindi kita pinasok sa military training. Pero huwag mo ding abusuhin ang sarili mo ah? Pahinga ka din. Inaayos ko na yung process ng business meeting natib. Sasabihin ko na lang ang exact time at place." sabi ni Raze.
"Okay! Babye na Raze." Sabi ko.
"Bye Venice. Take care." Sabi niya tapos pinatay na yung tawag.
Napatingin naman ako sa gate ng may nagdoor bell. Agad kong kinuha ang maleta ko at isang backpack. Naglakad na ako palabas. Nakasalubong ko sa may front yard si Manang.
![](https://img.wattpad.com/cover/185801888-288-k840380.jpg)
BINABASA MO ANG
Undeniable
Novela JuvenilShe was just a simple girl living her simple but elegant life. Full filled her dreams and gave her family the best life. Everything was good and perfect. With her family and friends, she was like living a perfect life. But what if a part of her pas...