Chapter 5
Gab POV
Hey. I'm Kurt Gabriel Lim. I'm 26 years old. I'm the CEO of Bluedale Incorporation. I own different Airlines and car business. Hindi pa ganoon kalaki ang bussiness ko. I own only 2 branches of my company in every country. My parents are at Europe. Doon sila nananatili dahil may business din sila doon.
"Kuya Gab. Umuwi na tayo! Nakatulala ka dyan!" Sabi ni Alice. Nakatulala kasi ako sa dinaanan nila Venice. Si Alice ay isa sa mga nakababatang pinsan ko. Wala kasi akong masama sa kasal ni Andrea eh.
"Sige, tara na Alice. Ihahatid na kita baka magalit pa sakin sila Tito at Tita." Sabi ko. Pumasok na kami sa kotse ko at tahimik na tinahak ang daan pauwi.
Pag-uwi ko ay dumeretso ako sa veranda ko. Pero bago yun ay tumigil ako sa may bar counter ng bahay ko at kumuha ng mga alak. Wala ng palit-palit ng damit. Gusto ko munang mag-isip. Naupo ako sa upuan sa veranda ko. Ang sakit lang kasi! Ang sakit sakit! Pero wala akong karapatan na magreklamo kami ako naman ang may kasalanan ng lahat ng ito. Ako naman ang pumutol sa amin noon. Ako naman ang dahilan kung bakit nagsawa na siya. Wala kasi akong kwenta! Mas pinili ko siyang iwan noon.
Alam nyo ba kung bakit ko siya binitawan? Syempre hindi! Binitawan ko siya kasi ayokong maging dahilan ng pagkasira ng kinabukasan niya. Ayokong maging dahilan ng pagkawala niya ng atensyon sa pag-aaral. Kasi yung pinsan kong isa magsimula ng magkaroon ng boyfriend ay bumaba ang grades hanggang sa naging repeater.
Ayokong matulad sa kanya si Venice. I love her so much to the point that I let her go for her to achieve her dreams. Pero nasasaktan ako sa bawat pagkakataon na nakikota ko siyang nasasaktan. Hinihiling ko na sana pwede akong lumapit sa kanya para mapagsabihan niya ng problema. Pero ayokong mas masaktan pa siya lalo na sa lagay ko ngayon.
Alam kong ako din ang dahilan kung bakit mas naging matatag at matapang siya. And and I'm because of that. She can now protect herself and she won't be easily hurt anymore. She won't be who she is if I'm with her. Nung mga panahong kasama niya ako alam kong puro sakit lang ang binigay ko sa kanya. Hindi ko siya mabigyan ng closure dahil yun na lang ang pinanghahawakan ko. Na pwede pa kaming magsama sa huli. Pero mukhang malabo. Sobrang labo! Kasi ang tanga tanga ko. Wala kasi akong kwenta.
Nung college hindi man niya alam pero binabantayan ko siya lagi. Yung mga nagtatangkang mambully sa kanya dahil iba ang nagpaaral sa kanya at para siyang scholar ay tinatakot ko. Ayokong masaktan siya. Okay na sakin ang pasimpleng nagmamasid sa kanya. Okay na sakin ang pasimple siyang tinitingnan pag hindi siya nakatingin. Okay na sakin na hindi niya alam ang ginagawa ko. Okay na sakin na wala na siyang pakialam sakin.
Dun ko narealize na mas maganda ang buhay niya nung wala ako. Dun ko narealize na sinisira ko lang ang buhay niya kapag lumalapit ako. Kaya ginawa ko ang pinakamasakit na desisyon sa buhay ko. Ang huwag ng umasa na babalik pa siya sakin. Na ako pa din after all these years. Pero malabo! Sobrang labo! Wala na talagang pag-asa kung mag-isa ka na lang na lumalaban. Siguro hindi kami para sa isa't isa. Siguro isa kami dun sa sinasabi ng iba na, 'Nagkakilala pero hindi tinadhana.' Siguro hanggang tingin na lang ako sa kanya.
Pinilit kong ibaling ang atensyon ko kay Lianna na hindi umalis sa tabi ko. Ilang beses ko na siyang sinabihan na hindi ko maibabalik ang pagmamahal na binibigay niya sakin kasi all these years si Venice pa din ang laman ng puso ko at alam kong siya lang ang magiging laman nito buong buhay ko. Corny man o ano! Mag mukha man akong bakla pero kasi ang tagal ko ding tiniis. Tiniis na makita siya kasama ni Harold. Ng lalaking mas nagpahalaga sa kanya at lagi nasa tabi niya. Wala akong panama kay Harold. Napakabait niya samantalang napakasama ko. Kasi paulit ulit kong sinaktan ang taong pinakamamahal ko.
Wala eh! Wala kasi akong kwentang tao! Kanina nung sinabi niyang kailangan ng wakasan ang lahat. Na kalimutan ko na ang nangyari noon kasi hindi na maibabalik yon. Na kalimutan ko na kasi wala ng magagawa. Para akong sinampal. Sinampal ng katotohanan na oo nga pala, hindi na niya ako kailangan. Alam ko naman eh! Alam ko yung pagkakamali ko pero ang sakit lang na marinig yun ng harapan sa taong mahal mo.
BINABASA MO ANG
Undeniable
Teen FictionShe was just a simple girl living her simple but elegant life. Full filled her dreams and gave her family the best life. Everything was good and perfect. With her family and friends, she was like living a perfect life. But what if a part of her pas...