Chapter 10

1 1 0
                                        


Chapter 10

Venice POV

"Okay! Tapos na ang debate. Moving on! Dahil sa mga pairings kanina nakaisip ako ng panibagong laro. Ikukulong tayong lahat sa room doon sa hotel. Ang pairings ay inayos na kanina ng security unit. Sila na ulit ang pinapili ko dahil hindi naman nila tayo kilala. So pipiringan nila tayo bago dalhin sa hotel room natin. May kasama tayo at depende sa napagpair nila kung babae ang kasama nyo o lalaki. Isuot nyo itong name tag para malaman nila ang pangalan nyo. Walang dayang nangyari dito. Talagang random lang. Hindi tayo makakalabas sa mga room hanggang bukas ng umaga. Hahatiran na lang tayo ng pagkain. Kapag may kailangan kayo ay pindutin ninyo ang intercom sa mga kwarto ninyo. Yung mga gamit ninyo ay nasa hotel room nyo na din." Sabi ni Sam. Lahat ay naexcite kasi talaga namang may thrill. Sana nga ay walang dayang nangyari lalo na at nandun si Raze.

Binigay na samin ang nametag namin. Pagkasuot namin noon ay lumapit samin ang mga agents at piniringan kami. Mahigpit ito at talagang wala kang makita. Hinila ako ng isang tao papunta sa kung saan. Napasunod naman ako doon. Naramdaman ko na lumabas kami sa restaurant kasi ramdam ko ang buhangin sa resort. Tapos pumasok kami sa isang lugar at sumakay sa elevator. Paano ko nalaman? Alam ko naman kasi yung pakiramdam na nasa elevator. Maya maya ay hinila ako nito ulit at pinapasok sa isang kwarto. Naramdaman kong may kasabay akong pumasok tapos biglang narinig ko ang lock ng pinto.

*Attention to all. Huwag nyo munang tanggalin ang piring ninyo kung ayaw nyong mawalan ng hapunan. Inuulit ko, huwag nyo munang tanggalin ang piring ninyo kung ayaw nyong mawalan ng hapunan. Sasabihin namin kung kelan nyo tatanggalin. Huwag atat.* sabi ng isang boses na intercom. Lalaki ito.

Lumipas ang ilang minuto at naramdaman kong bumukas ulit ang pinto tapos sumara ulit. Narinig ko din ulit ang lock nito. Mga ilang minuto ang lumipas bago ulit magsalita yung nasa intercom.

*Okay pwede nyo ng tanggalin ang blindfold nyo. Inuulit ko, pwede nyo na tanggalin ang blindfold nyo. Also a reminder, hindi nyo pwedeng sabihin bukas sa iba kung sino ang kasama ninyo sa kwarto. Kapag sinabi nyi wala kayong agahan. Para din naman sa inyo yan.* sabi ulit nung boses.

Tinanggal ko naman kaagad ang blindfold at nagulat ako ng makita ko si Gab.

"Gab?!/ Venice?!" Sabay na sabi namin. Okay hindi ko nga sasabihin sa iba kung sino ang kasama ko sa kwarto. Tampulan na naman ng tukso.

"It's look like we're stock up with each other." Sabi ni Gab.

"Yeah. I think so." Sabi ko.

Nilibot ko ang paningin sa kwarto. Kulay cream ito at brown. May king size bed itong kama sa gitna. Ang sapin sa kama ay cream pati ang unan pero ang kumot ay brown. May bedside table ito sa magkabilaang gilid ng kama na may lampshade. Wala itong veranda pero may bintana naman sa right wall. Sa left wall naman ay CR at dalawang cabinet. May sofa din sa may right wall sa baba ng bintana.

Ang mga maleta namin ay nasa may pinto. Sinubukan kong pihitin ang handle pero ayaw bumukas.

"Gab, dun ka sa sofa matulog ah? Ayusin mo na din itong gamit mo." Sabi ko. Magulat ako hindi siya magsalita. Nakita ko siyang hinahabol ang hininga. Hala! May asthma nga pala siya! Tapos hindibpa bukas ang bintana at ang dami pang activity kanina. Agad akong lumapit sa kanya.

"Nasan ng inhaler mo?!" Taranta kong tanong.

"Na-sa b-bag." Sabi niya habang inaatake pa din ng asthma. Agad naman akong lumapit sa bag niya at hinanap ang inhaler. Nakita ko naman ito kaagad dahil nasa bulsa lang pala ito. Tae naman eh! Ngayon pa inatake ng asthma toh! Agad ko itong binigay sa kanya pero wala pa din hanggang sa hinimatay siya. Lalo akong nataranta. Hala? Anong gagawin ko?

UndeniableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon