Chapter 6

4 1 0
                                    

Chapter 6

Lianna POV

Hello everyone! I'm Lianna Alvarez, the owner of the Alvarez Airlines. I'm 25 years old. Aside from being the owner and CEO of Alvarez Airlines, I also work there as a Flight Attendant. I'm a business partner of the Caleon Airlines. I know Crystal Venice Caleon. Se's my classmate.

Hindi ako nakapunta sa kasal nila Andrea at Carl kasi hindi ako nakakuha ng flight kahapon kaya ngayon lang ako nakauwi. Wala na kasing bakanteng flight kahapon eh. Excited akong umuwi ngayon kasi makikita ko na si Gab! Yeah, I love him. Since highschool, at lahat ng babaeng lalapit sa kanya ay ako ang makakaharap. Akin lang si Gab. Mukha bang pang-obsess? Nah. Hindi naman, nagbibigay lang ako ng warning.

Pagkababa ko sa eroplano ko ay nagmamadali akong nagtungo sa receiving area. Nakita ko naman kaagad doon si Gab kahit sobrang daming tao. Busy ito sa phone at mukhang naglalaro ng mobile game. Lumapit ako sa kanya at tinawag siya.

"Gab!" Tawag ko. Napatingin siya sakin at ngumiti ng matipid. Tumayo siya.

"Kamusta Lianna?" Tanong niya.

"Okay lang naman. Ito medyo pagod pa sa byahe. Ikaw? More than a month din tayong hindi nagkita kasi naging busy tayo pareho. Namiss kita. Saka diba sabi ko sayo Lia na lang ang itawag mo sakin?" Sabi ko at yumakap sa kanya. Tinapik naman nito ang likod ko.

"Okay lang naman ako. Medyo madaming trabaho pero sanay na. Ako pa ba. Sayang hindi ka umabot sa kasal nila Andrea at Carl. Marami sa mga kaklase natin noon ang dumalo." Sabi ni Gab at kinalas ang yakap ko. Siguro kasi medyo napahigpit na.

"Oo nga eh. Fully booked na kasi ang lahat ng flight kahapon. Sayang nga lang eh. Nagpadala naman ako ng regalo kahapon." Sabi ko.

"Oo nga. Sayang nga wala ka eh." Sabi ni Gab.

"Nga pala sino ang date mo kahapon? Baka habang wala ako eh may pinalit ka na saking iba ha." Nang-uusig kong tanong. Napabugtong hininga naman siya.

"Lia, would you stop being so paranoid? Si Alice ang kasama ko, yung pinsan ko kay please lang. Tigilan mo ako sa mga pambibintang mo kasi hindi naman ako ganyang tao." Sabi ni Gab.

"I'm sorry Gab. Hindi ko lang maiwasang hindi mag-alala. Alam mo naman na mahal na mahal kita. Lalo na at nandun si Venice." Sabi ko.

"Are you out of your mind Lia? Matagal ng wala kami ni Venice at mga bata pa kami noon. Bakit ba hanggang ngayon ay bigdeal pa din yon sayo? Hindi ka ba titigil?" Tanong ni Gab.

"I'm sorry. Hindi ko lang maiwasan na mag-alala. Nga pala, sinasagot na kita. Para alam kong akin ka lang." Sabi ko.

"Hayy. Pag-aawayan na naman natin ito. Kumain na nga lang tayo ng lunch sa labas." Sabi ni Gab.

"Okay Gab. Tara na!" Sabi ko at kumapit sa braso niya. Nakikita ko kasi na maraming babae ang tumitingin sa kanya. Sinamaan ko sila ng tingin kaya napaiwas sila. Akin lang si Gab, no one can take him away from me.

Lumabas na kami ng airport ko at sumakay sa kotse niya. Kasalukuyan kaming nasa byahe.

"Saan mo gustong kumain?" Tanong ni Gab.

"Sa mall na lang tayo. I also want to shop some new clothes. Luma na kasi ang mga damit ko eh." Sabi ko.

"Okay. But we also shop a month ago. Paanong naluma agad?" Tanong ni Gab.

"Gab that's the point. Last month pa ako nagshopping kaya luma na yon." Sabi ko.

"But those are high class items and clothes." Sabi ni Gab.

"And so? Nagamit ko na sila for a month at pinaglumaan ko na. Kailangan ko na ng bago." Sabi ko. Napabugtong hininga na lang siya at tumahimik.

Luma na naman talaga ang mga gamit kong yon. Mostly I took a shop weekly or every two weeks kasi ayoko minsan na paulit ulit ang ginagamit ko. And pera ko naman ang gamit ko kaya walang problema. Ano bang nirereklamo ni Gab? Hmm, maybe mainit lang ang ulo niya dahil sa work. Yeah. Tama, dahil lang yun sa work. Siguro dapat muna siyang mag-leave at maggagala muna kami. I'll plan everything before I'll tell him.

Pagdating namin sa mall ay bumaba na kami. Agad naman akong kumapit sa braso ni Gab habang dala ko ang latest edition ko ng Gucci bag. Pagpasok namin ay maraming napapatingin samin. Of course because we are both good looking. Sinamaan ko ang mga babaeng tingin ng tingin kay Gab. Ang lalandi naman ng mga yon.

Nung pinapili ako ni Gab ng kakainan namin ay pinili ko sa isang 1st Class French Restaurant. Pagpasok namin ay medyo marami ng tao because it's already lunch. Maraming napatingin samin.

"Sir, table for two po?" Tanong ng isang waitress kay Gab. May pakagat-kagat pa ito ng labi. Ang sarap sampalin. Ang landi. Hindi ba obvious na dalawa lang kami?

"Are you blind miss? Obviously we're only two so we are sitting in a table for two people. Paganahin mo kasi muna ang utak mo bago lumandi." Mataray kong sabi sa kanya. Napapahiya itong napatingin. Pinagtitinginan na din kami ng mga tao lalo na yung waitress syempre. Napayuko ito.

"This way po." Sabi nito at iginaya kami sa upuan na pangdalawa. Umupo naman kami kaagad at agad niya kaming iniwan. Tsk! Buti naman at may common sense naman siya kahit papaano.

"Lia, you shouldn't do that. Pinahiya mo yung tao." Sabi ni Gab habang nakatingin sa menu.

"She deserve it! Ang landi landi niya kasi! Ayaw na lang magtrabaho. Hindi pa ginagamit ang utak." Sabi ko.

"Kahit na ba. Hindi mo na lang sana pinatulan." Kalmadong sabi ni Gab.

"But ikaw ang nilalandi niya at sa harap ko pa. Hindi okay yun noh. You're my boyfriend. Huwag mong sabihin na okay lang yun sayo? Huwag mo sabihin mas nagagandahan ka sa walang kwenta at pangit na waitress na yon?" Sabi ko.

"It's not like that Lia. At please huwag ka naman manlait ng iba. Alam mo walang patutunguhan ang pag-uusap natin kaya mabuti pa ay umorder na lang tayo." Sabi ni Gab. Tumawag ito ng waiter at sinabi ang order. Sinabi ko na din ang order ko. Mabilis namang dumating ang order namin kaya kumain na agad kami.

Tahimik lang kaming kumain at hindi ko na kinulit si Gab kasi halatang mainit ang ulo nito. Nairita din siguro doon sa waitress. Nakakairita naman kasi talaga ang walang class na babaeng yun.

After that we took our shopping. Pinapili ko si Gab ng mga dresses and hills ko. I should always look pretty para hindi siya tumingin sa iba. Bumili din ako ng bagong make-up kit, lotions at iba pang personal hygiences.

Gabi na kami natapos because marami-rami din akong nabili and also nagbonding din kami lalo at boyfriend ko na siya ngayon. Imagine, the man in my dreams is now my boyfriend. I'm so happy. Kasalukuyan na kaming nasa daan pauwi. Ihahatid daw muna ako ni Gab. He's so sweet.

"Gab, sino sino ang umattend sa kasal nila Andrea?" Tanong ko.

"Almost lahat. More or less than ten lang ata ang wala. Ang pinaka-hindi inaasahan ng lahat ay dumating si Raizen. May kasama din itong date na naging tampulan ng tukso at chismis kahapon. Mukhang close kasi sila. Akala nga ng lahat ay boyfriend niya pero sabi niya ay katropa lang daw niya." Sabi ni Gab.

"Really?! Dumating si Raizen?! Now I really regret na hindi ako nakapunta kahapon. I mean, Raizen never attend any of our reunions. She's always out of the country tapos dumating siya sa wedding nila Andrea at Carl? Sabagay mga kaibigan niya din nga pala ang mga yun noon. Sana pumunta din siya sa kasal natin." Sabi ko.

"Kasal natin? Masyado kang advance mag-isip Lia. Ngangayon nga lang naging tayo and also ayoko pang magpakasal." Sabi ni Gab.

"Pero yun din naman ang kahahantungan natin. It's better if we plan things as early as possible. So that everything will be perfect in our wedding." Sabi ko.

Tinigil na ni Gab ang sasakyan kasi nasa bahay na kami. Lumabas na kami ng sasakyan at si Gab na ang nagdala papasok ng mga pinamili ko. Tahimik lang siya siguro kasi napagod na din siya sa maghapon. Matagal din kasi kaming nagshopping.

"Sige mauna na ako." Sabi ni Gab at hindi na inintay ang tugon ko saka umalis.

Siguro sobrang pagod at inaantok na siya. Stressed nga pala siya kanina tapos pinagod ko pa sa kakashopping ko. Nakalimutan ko kasi eh. Hayaan mo Gab babawi ako.

Sana pumunta din si Raizen sa wedding namin ni Gab. I'll plan it. But before that I should sleep na kasi pagod na ako lalo na at nanggaling pa ako sa flight.

UndeniableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon