Chapter 7

2 1 0
                                    


Chapter 7

Harold POV

Hello! I'm Harold Smith, 26 years old. I'm one of Venice's board members. I am also the owner of Zircon Incorporation. Kilala ang kumpanya ko sa maganda at mataas na kalidad ng mga tools at equipment na binebenta namin para sa computer and cars.

Ang pamilya ko ay nasa California, doon nila napiling magstay at doon kasi ang main branch ng kumpanya nila. I'm half American that's why. My father was an American and you can say that we're rich. But I don't want a special treatment. Also I build my company with my oen blood and sweat.

Mayaman talaga ang pamilya ko pero mas gusto ko ng normal na buhay. May kapatid akong kambal, mas bata sakin pero parehong nag-aaral sa ibang bansa. Yung isa sa Harvard yung isa sa Cambridge. Malay ko ba sa dalawang yun at hindi na lang nagsama sa iisang school.

Siguro curious kayo kung paano kami nagkakilala ni Venice. Well I knew her because of a business meeting 2 years ago. At the first time I saw her alam kong tinamaan na ako sa kanya. She's so beautiful, caring and talented. She's brave and tough. Dedicated sa trabaho at mapagmahal sa pamilya. Religious din siya at marunong sa gawaing bahay. A wife material but palaban at kaya ang sarili.

Mas nagkagusto ako sa kanya ng mas nakilala ko siya. Ang bait niya kasi at handa siyang tumulong kapag may nangangailangan pero hindi din siya pumapayag na masyado siyang gamitin ng iba. Matalino din siya at maparaan. Hindi din siya mayabang. Pero masasabi kong kaya din niyang magtaray at lumaban kapag alam niyang sobra na. Hindi siya matapobre porket lumaman na siya.

She also appreciate small gifts and things. Sabi niya kasi hindi mahalaga kung ano ang regalo ang mahalaga kung sino ang nagbigay ng regalo. It's the person that matters not the things. Hindi din siya mahihilig sa mga mahal na bagay lalo na at hindi niya naman magagamit. She values every moment.

But I never got the chance to meet her Family. Just Shantelle na nung kasal lang nila Andrea at Carl ko nakita at nakilala. But Venice told me that Shantelle will be studying here in the Philippines so maybe I can get to know her more.

Maraming nanliligaw sa kay Venice pero pinatigil niya ang mga iyon. Hindi naman niya pinapahiya, in fact she politely reject them. Buti nga at nakikinig sa kanya. Nanligaw ako sa kanya pero pinatigil niya ako. Sinabi niya na wala siyang panahon para sa ganoon at wala siyang plano na makipagrelasyon sa iba. Pero nalaman nung nalaman ko ang tungkol kay Gab, narealize ko na ginagawa lang niyang palusot na wala siyang panahon sa pakikipagrelasyon. Narealize ko na ang totoong dahilan kung bakit ayaw niyang makipagrelasyon ay hanggang ngayon, mahal pa din niya si Gab. Hindi man niya aminin sa sarili niya hindi ako manhid para hindi makita ang pasimple nilang sulyapan. Masakit makita na kahit nandito ako ay iba ang hinahanap niya.

Pansin at ramdam ko din ang pambabaliwala sa akin ni Venice. Ramdam kong wala talaga siyang nararamdaman para sakin at kaibigan lang ang tingin niya sakin. Pero sinasaktan ko na lang din ang sarili ko para maging immune na ako at mawala na ang nararamdaman ko para sa kanya. Isa pa, gusto ko siyang matulungan kahit bilang kaibigan lang. Kahit hindi bilang isang taong mamahalin niya.

Alam kong naguguluhan siya sa nararamdaman niya. Lalo na nung nakaroon na sila ni Gab ng closure. Hindi man niya aminin kahit sa sarili niya alam kong nasaktan siya. Alam kong ayaw din niya na bitawan si Gab. Kita ko sa mata niya ang sakit na pilit niyang tinatago sa ngiti niya. At ang sakit na makita yun. Akala ko kasi kapag nagkaroon na sila ng closure mas magiging maayos ang lahat. Makakamove-on si Venice. But I get it. Wala talaga akong laban kay Gab. Kahit na sobrang tagal na nilang hindi nagkita. Siya at siya pa din ang mahal ni Venice kahit hindi niya aminin sa sarili niya. I can also see na mahal pa din siya ni Gab.

Kaya slowly, I'm starting to move on kahit masakit at mahirap. Hahaha, makapagsalita ako parang nagkaroon ng kami. Paano kaya kung ako ang minahal ni Venice? Ako na siguro ang pinakamasayang tao sa buong mundo kasi mahal din ako ng mahal ko. Paano kaya kung ako ang nauna niyang nakilala? Kami na kaya ngayon? But that was all a dream, an illusion that I made to escape the painful reality.

I can't do anything except to hope na maging maayos ang lahat sa kanila. I can't do anything except to accept the fact that she will never be my girl. I can't  do anything except to hope the best for them. All I can do is to watch Venice and be her friend atleast. Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na mas okay yun at least walang heartbreak at magiging magkaibigan parin kami after these years.

Hinihiling ko din na sana maging masaya na talaga si Venice. Hindi man niya sabihin pero nakikita ko sa mata niya na nararamdaman niyang may kulang sa buhay niya. At masakit man aminin, alam kong hindi ako yun.

Alam kong kahit anong pilit ko na ako ang kulang sa buhay niya ay hindi nun mababago ang katotohanang si Gab talaga ang kulang sa buhay niya. Martir man pakinggan pero kung may magagawa ako para magkabalikan sila Gab at Venice ay gagawin ko. Para sa ikasasaya ng taong mahal ko. Saka baka kapag nakita ko na masaya na siya sa piling ng taong mahal niya. Baka matauhan ako at tumigil na sa kakaasa na bibigyan niya ng pansin ang nararamdaman ko.

Pero kung sakali man na mahal pa nila ang isa't isa which is hindi malabong mangyari. Kaya ko siyang pakawalan ay hayaang mapunta sa kung sino ang totoong makakapagpasaya sa kanya. Sino ba naman ako para ipilit ang sarili ko sa taong mahal ko kung alam ko naman na kahit kailan hindi siya magiging masaya sa piling ko?

Kaya lang ang tanong kung kaya din bang pakawalan nung Lianna si Gab. Kasi wala ding mangyayari kung ako lang ang magpaparaya. Love triangle lang ang mangyayari. Kung sino man ang Lianna na yon, sana maintindihan niya at sana huwag siyang maging bulag sa katotohanang hindi naman siya mahal ng taong mahal niya. Sana maging masaya na lang din siya para sa taong mahal niya kahit sobrang sakit. Pero sana makita niya yung side na hindi din naman magiging masaya ang taong mahal niya sa piling niya. Ikukulong lang niya ang sarili niya sa kadena ng pekeng pag-ibig.

Sana makita niya ang bright side na baka may taong dadating na mamahalin siya ng buo at higit sa pagmamahal niya kay Gab. Pero malay natin, sana lang makilala na din namin ang nakatadhana sa amin.

Pero kung hindi man na talaga mahal ni Gab si Venice at hindi na talaga sila magkatuluyan ay handa akong saluhin si Venice. Handa akong damayan siya sa sakit na nararamdaman niya. Handa akong maging second choice palagi. Handa akong maging substitute, para sa kanya. Para sa taong mahal ko.

Nung meeting kita ko ang pasimpleng tinginan at ngitian nila. Di ko alam kung matatawa ako o magseselos. Mukha silang mga teenager na may crush sa isa't isa. Medyo nakakainis din na minsan hindi na nila ako napapansin dahil sila na lang ang nag-uusap. Kung hindi lang ako sisingit sa usapan nila eh hindi talaga ako mapapansin.

Nandito ako ngayon sa bahay ko. Kauuwi ko lang galing sa trabaho. Nagulat ako ng tumawag si Venice. Sinagot ko naman iyo kaagad.

"Hello?" Tanong ko.

"Hello Harold." Sabi ni Venice.

"Hello Venice. Napatawag ka. Anong meron?" Tanong ko.

"May reunion kami ng mga kaklase ko. Nagpaalam ako kung pwede ka isama sabi ni Sam pwede daw. Gusto mo sumama? Maraming activities doon saka sa resort nung isa kong kaklase magaganap." Sabi ni Venice.

"Hindi ba ako maa-out of place? I mean magkakaklase kayo doon tapos isasama mo ako." Sabi ko.

"Hindi yan! Mababait naman ang mga yun saka marami ka na din namang kilala sa amin dahil nung kasal nila Andrea at Carl. Pero kung ayaw mo sumama okay lang. I understand." Sabi ni Venice. Hayy, matitiis ko ba toh? Syempre hindi.

"Sige, sasama ako. Kelan ba at gaano tayo katagal doon para maayos ko ang schedule ko. Hindi naman kita matitiis eh." Sabi ko.

"Yon! Thank you! 5 days after this day ang time tapos sunduin mo na lang ako para sabay na tayo papunta sa resort. Sabi nila mga three days daw tayo doon. Thank you ulit at pasensya na." Sabi ni Venice

"You don't have to say sorry. It's okay. Sige susunduin na lang kita. Anong oras ba?" Tanong ko.

"Mga 7:00am kasi 9:00am dapat nasa resort na daw eh. Medyo malayo yun dito saka baka matraffic tayo. Saka mas okay na yung maaga kesa late." Sabi ni Venice.

"Okay sige. So, see you?" Sabi ko.

"Okay! See you Harold, take care." Sabi ni Venice.

"Take care too Venice." Sabi ko.

"Bye!" Sabi ni Venice at pinatay na yung tawag.

Maybe I need to ready myself. Alam kong masasaktan na naman ako. Martir at tanga na nga siguro ako. Pero wala na akong pakialam.

UndeniableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon