Chapter 2

5 2 0
                                    

Chapter 2

Venice Pov

*kring.kring*

Tunog ng alarm clock ko. Tiningnan ko ang orasan at napagtantong 4:00am na pala. Bumangon na ako at ginawa ang morning rituals ko. After that ay bumaba na ako. Binati naman ako ng mga maids na nakakasalubong ko. Tinatanguan ko lang naman sila.

Pumunta agad ako sa dining room kasi nakatulog ako ng maaga kahapon. Hindi na nga ako nakapag-dinner eh. Maybe because I'm tired. Pagdating ko sa dining room ay umupo na agad ako at kumain. Kung curious kayo kung nasan ang parents ko ay nasa ibang bansa sila at inaasikaso ang business din nila doon. Nabigyan ko sila ng pondo para makapagtayo ng sarili nilang business. Ang parents ko ay sila Calista Ford Caleon at Brian Caleb Caleon. Yung kapatid ko naman na si Jazmine Shantelle Caleon. She's 1st year college taking up Medicine. Uuwi siya bago ang kasal nila Andrea para magbakasyon.

Matapos ko magbreakfast ay lumabas na ako at pumasok sa kotse ko na nakaparada na sa labas. Nagdrive na ako papunta sa kumpanya ko. Medyo malayo ang byahe kaya dapat maaga akong gumigising. Pagpasok ko sa kumpanya ko ay binati agad ako ng guard.

"Good morning po Maam." Sabi nung guard. Tumango naman ako at naglakad.

"Good morning Maam." Sabi ng receptionist. Tumango lang ulit ako at nagtungo sa private elevator ko. Ako lang ang pwedeng sumakay dito. Ayoko kasing makipagsiksikan sa kabilang elevator lalo na pag-umaga.

Pagdating ko sa top floor ay binati ako ng personal secretary ko na si Jean. She's also a friend of mine. Dedicated sa trabaho kaya single. Gusto niya kasing maiahon sa kahirapan ang pamilya niya. Mahirap kasi sila at lumuwas siya sa Manila para magbakasakali na makahanap ng trabaho. Mabait naman siya at masipag kaya agad ko siyang tinanggap. She's my secretary ever since.

"Good Morning Maam." Sabi niya.

"Good Morning din Jean. My schedule?" Tanong ko.

"May meeting po kayo sa board members at 9:00am. Lunch meeting with Mr. Suarez. Then a meeting with Mr. Valdez for business proposal at 2:00pm." Sabi ni Jean.

"Saan ang lunch meeting namin ni Mr. Suarez?" Tanong ko.

"Sa isang Chinese restaurant po na malapit lang dito." Sabi ni Jean.

"Okay. Cancel all my appointment next Wednesday. And also please call Mr. Harold Smith. Tell him to come to my office." Sabi ko.

"Okay Maam. Nga pala Maam, ano pong meron sa Wednesday?" Sabi ni Jean.

"Kasal ng dati kong kaklase." Sabi ko.

"Edi magsho-shoping kayo Maam?" Tanong ni Jean.

"Hindi na. Magpapadeliver na lang ako." Sabi ko.

"Okay po Maam." Sabi ni Jean.

Pumasok na ako sa office ko. Ang office ko lang ang nasa topfloor. Malaki ang office ko at may kwarto din ako dito, mini kitchen, dining table at of course CR. May mga damit din ako dito kasi minsan dito ako natutulog kapag kailangan ng sobrang aga or kapag maraming trabaho.

Ang likuran ng office table ko ay glass ang pader kaya kitang kita ko ang streets ng Manila. Ang mga taong busy sa kanya kanya nilang ginagawa. Itinalikod ko yung swivel chair ko sa office table ko at humarap ako sa glass wall. Maya-maya ay may biglang kumatok.

"Come in." Sabi ko habang nakaharap sa glass wall. Narinig kong bumukas ang kwarto at may pumasok.

"Venice. Pinatawag mo daw ako." Sabi ni Harold.

"Oo, are you free next Wednesday?" Tanong ko at inikot ang swivel chair ko saka tumingin sa kanya.

"Yeah. Wala naman akong masyadong ginagawa. Bakit?" Tanong nito.

UndeniableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon