Rhianne's POV
"Hindi kita ihahatid pauwi sa bahay mo."
Gwapo lang pala itong si Caspher pero hindi ito genteman.
"Pa'no kung may mangyari ulit na masama sa akin?"
Umirap lang siya.
"It's your problem."
Kumukulo ang dugo ko kay Caspher pero pinilit ko na kumalma.
"Pag hindi mo ako hinatid ng ligtas sa bahay may chance akong ipagkalat ang sikreto mo-- niyo." Kalmado kong sabi sa kaniya.
Lumabas ang pangil niya at tumalim ang titig niya sa akin. Mali ata ang nasabi ko.
"Don't you dare..." Gigil niyang sambit.
Kahit natatakot ako ay nagtapang-tapangan na lang ako.
"Alam niyo ba? Si Caspher ay hindi isang tao!" Mahinang sambit ko at umarte na parang ipinagka-kalat ko na ang sikreto nila.
Enjoy din naman mangasar kahit papaano.
Umiling ako at mas ginalingan pa ang pag-arte.
"Hindi isang tao si Caspher! Isa siyang--"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng marinig ko ang buntong-hininga ni Caspher.
"Wait for me." sabi niya at pumasok sa loob ng mansyon.
Napangiti ako.
Sa wakas at nakakauwi ako ng ligtas ngayong gabi.
***
Maaga akong nagising kinabukasan. Agad akong naligo at pagkatapos ay bumaba at nagluto ng breakfast.
Wala akong kasama dito sa bahay. Patay na si Mama at Papa since twelve years old ako. Si Kuya Rico na lang ang natitira kong pamilya. Si kuya ay may trabaho sa Baguio at sa iba pang lugar kaya naman minsan na lang siya umuwi dito at nagpapadala na lang ng pang-gastos ko.
Busy si kuya sa work niya at mas lalong busy sa girlfriend niya. Matagal na din na taken si kuya. Simula ng magka-girlfriend siya ay parang unti-unti niya na akong nakalimutan.
Pagka-tapos kong magluto at kumain ay naghugas ako saglit at umalis na din ako ng bahay.
Mahirap na at baka malate ako.
Binilisan ko ang lakad kaya naman mabilis akong nakapunta sa University.
"Hello Rhianne!" Bati sa akin ni Anne.
"Hello, good morning.."
Inayos ko na ang mga gamit ko at inilabas ko narin ang mga gagamitin sa first period namin. Kasalukuyan akong nag-aayos ng pumasok sa room si Caspher.
Napa-ubo ako bigla.
"Uy, Rhi okay ka lang?" Tanong ni Anne habang hinihimas-himas ang likod ko.
Tumango agad ako.
Tumitig sa akin si Anne at bumuntong-hininga.
"Ikukuha lang kita ng drinks sa cafeteria."
Tumango ako at nagpasalamat. Dali-dali siyang lumabas.
Palihim akong tumingin sa likod at halos lumabas ang puso ko ng makita ko si Caspher na titig na titig sa akin.
Umiwas agad ako ng tingin.
Mahirap na bampira pa naman siya at tsaka.. Masyadong maganda ang mga mata niya.
Umiling ako dahil masyadong magulo itong mga naiisip ko. Sakto naman at dumating na ang professor namin kaya naman do'n na lang din ako nag-focus.
BINABASA MO ANG
His Yellow Gaze
VampiroA normal girl with a wild imagination and great love for fantasy. Dati rati nababasa niya lamang sa mga libro ang mga bampira at ang iba pang mystical creatures, not until she met his yellow, golden, and alluring gaze.