Chapter 30

261 8 0
                                        

Rhianne's POV

Nakatitig lang ako kay Caspher. Hinihintay ko siyang magsalita.

Natatakot ako...

Umiling si Caspher. Punong puno ng pagtataka at pag alala ang kaniyang mukha.

"What happened?" Tanong niya nagpipigil ng galit.

Lumunok ako.

"M-May sumugod sa akin na b-bampira.."

Nanlaki ang mga mata niya.

"What?! Anong ginawa niya sa'yo?!" Nanggigigil niyang tanong sa akin.

"S-Sinaktan niya ako.."

Tumayo siya humawak sa noo. Nagpipigil siya ng galit.

"Sinabi niya sa akin na i-itanong ko daw s-sayo kung sino si F-Fleenimarie Gray.."

Nanginginig na ako sa sobrang takot.

Ang sakit sakit na ng katawan ko, gusto ko na lang humiga sa isang malambot na kama at magpahinga. Gusto ko na matapos lahat ng problema. Ayoko na ng gulo.

"She was my bestfriend."

Dahan dahan naman akong tumango.

Hindi na ako susundan ng bampirang iyon.

Tumango na naman ako. Nanginginig pa rin.

Lumapit sa akin si Caspher at binuhat ako papasok sa loob ng mansyon.

Kumuha siya ng first aid kit at sinumulang gamutin ang mga sugat ko.

Minsan napapa-usod ako dahil sa sakit ng mga sugat.

Pagkatapos niyang linisan ang mga sugat ko sa ibabang bahagi ng katawan ko, napatingin siya sa pisngi ko at bumuntong hininga ng makitang namamaga ito.

"Stay here."

Tumango ako.

Makalipas ang ilang minuto ay mabilis din siyang bumalik dala ang ice bag. Lumapit siya sa akin at idinampi ang ice bag sa pisngi ko.

"Aww!"

Mukhang nataranta si Caspher sa biglaang pagsigaw ko kaya naman inilapit niya ang mukha niya sa pisngi ko at mahina itong hinaplos haplos.

Napalunok ako sa distansya ng labi niya sa labi ko.

Sobrang lapit.

Maging siya ay tumigil sa paghaplos at tinitigan narin ang labi ko.

Ang awkward..

Aayos na sana ako ng upo ng hapitin niya na ang batok ko at bigyan ako ng magaan na halik.

Napasinghap ako.

Shit, heart kalma ha? Kalma!

Tumagal lang ng five seconds ang halikan namin at naghiwalay na ang mga labi namin.

Nakakahiya!

"It's been a long time since I tasted it." Sabi ni Caspher kaya naman mas lalo akong nahiya.

"A-Ano ba.."

Ngumiti lang siya at hinalikan ako sa noo.

"Sleep now, love. I'm here don't worry. I'll protect you now."

Tumango naman ako.

Now, I feel safe...

Dinala niya ako sa kanyang kwarto at sabay kaming natulog. Magkayakap sa isa't isa.

His Yellow GazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon