Chapter 27

262 9 0
                                        

Rhianne's POV

Nandito kami ni Caspher ngayon sa basement yung tambayan niya na walang pangalan haha.

Nakaupo lang kami sa couch at nanonood ng movie habang nagsusubuan ng fries at potato chips. Meron ding drinks sa gilid na iced tea.

"Ahh..."

Ngumanga ako at sinubo niya sa akin ang isang piraso sa fries.

Kumuha rin ako ng isang pirasong potato chip at isinubo sa kaniya 'yon pero napabalikwas ako ng dilaan niya pati ang daliri ko!

Hinampas ko siya ng mahina.

"Manyak ka talaga!"

Tumawa lang siya at hinalikan ako sa pisngi.

Umayos siya ng upo at tumitig sa akin.

"You hungry?"

Umiling ako.

Kakakain lang namin sa Jollibee kanina tapos ito naman at kumakain na naman kami ng snack. Busog na busog na ako.

Tumango siya at yumakap sa akin, nakiliti ako.

"Nagpaalam ka na ba sa kuya mo na dito ka muna?" Tanong niya habang pinaglalaruan ang dulong bahagi ng buhok ko. Hinahalikan niya rin ang leeg ko pero dampi dampi lang. Nakikiliti ako pero syempre okay lang naman sa akin. Sorry kung malandi ang lola niyo hahaha.

Tumango ako at hinalikan ko siya sa pisngi.

Inamoy-amoy niya ang buhok ko hanggang sa pisngi hanggang sa umabot sa labi ko ang mga labi niya.

Smack lang!

Natawa kaming dalawa sa kalandian namin! Siguro sisigawan kami ni Ate Cass ng 'walang forever!' kaso ay may boyfriend nga pala rin 'yon.

Tinigilan niya ang pag halik sa akin at lumayo ng bahagya.

Kumunot ang noo ko.

"Bakit?"

Hinimas niya ang tiyan niya at sumimangot.

"I'm hungry.."

Tumawa ako at hinila ko siya

"Tara na nga!"

Pumunta kami sa kusina at kumuha ng pagkain sa may fridge.

Uy, may adobo!

Nagtabi kami at kumain kami kaso sa iisang plato lang,

Wala eh ganon daw talaga pag mahal niyo ang isa't isa.

Pagkatapos namin magdasal ay nagsimula na rin kaming kumain.

Sinusubuan ko siya at sinusubuan niya ako.

Kasalukuyan akong umiinom ng juice ng magsalita siya.

"Aalis daw kayo ni Ate Cass bukas."

Ibinaba ko ang baso at tumingin sa kaniya.

"Para saan daw?"

Sinubuan nya muna ako bago siya magsalita.

"Salon and shopping. For my party."

Tumango tango ako.

Ipinagpatuloy na namin ang pagkain at nagpahinga pag katapos dahil maaga pa kami bukas para sa preparation.

***

"Wake up, Rhiii!"

Kumunot ang noo ko at tumagilid at niyakap ang unan sa tabi ko.

Sino ba yung nanggigising?

"Rhi, wake up!"

Inis akong bumangon, papikit pikit pa at wala sa huwisyo.

His Yellow GazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon