Rhianne's POV
Iminulat ko ang mga mata ko at agad kong nalaman na nasa mansion ako. Hindi ko alam kung anong problema ng mata ko ngayon pero sobrang linaw niya. Weird.
Tumingin ako sa katabi ko at nakita ko si Auntie Fhil.
"A-Auntie Fhil?"
Ngumiti siya sa akin. Bakit siya nandito?
"Rhianne, hindi mo ako Auntie kundi nanay mo ako. Ika ang kaisa-isa kong anak at bampira ka. Ang totoo mong pangalan ay Fleenimarie Grey."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Hindi ko maproseso ang mga sinabi niya!
"P-Po?"
Napapikit ako ng sumakit ang ulo ko at unti unti kong narealize ang mga nangyayari.
Isa isa nang tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.
Tumingin ako kay Auntie Fhil.
"I-Ikaw ang tunay kong n-nanay? Paano?"
Tumango siya at ngumiti.
Niyakap niya ako.
ng mahigpit.
"Patawarin mo ako kung hindi kita nahanap agad..."
Unti unti ko nang naaalala ang lahat.
"O-Okay lang po.."
Ngumiti naman siya.
"Puwede po bang wag nang baguhin ang pangalan ko? Mas gusto ko na po ngayon ang R-Rhianne na lang."
Ginulo niya ang buhok ko.
"Kung 'yan ang gusto mo..." At niyakap niya ako ulit.
Kinuha ko ang salamin sa harapan ko at tinignan ang itsura ko.
"Kulay pula ang mata ko!"
Tumango siya at ngumiti ng matamis.
"Kagaya ng sa amin ng papa mo..."
***
Caspher's POV
"Caspher..."
"Caspher..."
Iminulat ko ang mga mata ko. Nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa akin.
Hospital. Nasa Hospital ako.
Tinignan ko ang nasa tabi ko at tama nga ang hinala ko. Si Ate Cass.
"What do you want to have?"
Tila naglaway naman ako sa tanong ni Ate Cass.
Mahina ako ngayon kaya naman kailangan ko ng dugo.
"Blood." tipid kong sagot.
Ngumiti siya.
"Sige. Ikukuha kita. Siya nga pala, papunta dito si Rhianne."
Tumango lang ako at lumabas na siya.
Napa-buntong hininga ako.
Ilang minuto pa makalipas ay bumukas ang pinto at pumasok si Rhianne.
"Caspher.."
Dali-dali siyang lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo. As usual hindi ako sanay sa kulay pula niyang mata at maputla niyang balat.
"Kamusta ka? Anong sabi ng doctor?"
Ngumiti ako.
"I'm fine. Hindi naman ako mamamatay right?"
Hinaplos ni Rhianne ang buhok ko.
"Wait lang ah? Ilalabas ko lang yung mga dala-dala kong pagkain." At lumapit siya sa bag na dala niya at sinimulan na niyang ilabas ang mga pagkain.
BINABASA MO ANG
His Yellow Gaze
VampirA normal girl with a wild imagination and great love for fantasy. Dati rati nababasa niya lamang sa mga libro ang mga bampira at ang iba pang mystical creatures, not until she met his yellow, golden, and alluring gaze.
