Chapter 25

280 10 0
                                        

Rhianne's POV

Dinala ako ni Anne sa pinakamalapit na hospital at ginamot na ang sugat ko at tinggal ang mga natitirang bubog sa kamay ko.

Nandito ako ngayon sa isang ward at nagpapahinga, kakatapos lang kasi tahiin nung sugat ko.

"Miss, okay na po 'yang kamay niyo.. Wag niyo lang po i-fo-force galawin dahil baka bumuka at dumugo ulit. By the way miss, pwede na po kayo umuwi.. Kunin niyo na lang po yung medical kit at gamot sa clinic, thank you po."

"S-Sige sige, thank you!" si Anne ang sumagot dahil hindi ko nga trip magsalita at magulo pa ang isip ko.

Inayos na ni Anne ang mga gamit namin.

"Tinawagan ko na si Kuya Rico, baka papunta na rin 'yon at medyo traffic nga lang daw."

Tumango na lang ako.

Tulala pa rin at lumilipad ang isip.

Nakita ko na sumimangot si Anne habang nakatingin sa akin.

"Medyo namumutla ka oh? Gusto mo ba kumain?"

Umiling naman kaagad ako dahil wala pa akong gana sa ngayon.

Bumuntong hininga siya.

"Ano ka ba naman, Rhi? Kumain ka naman oh, namumutla ka na, eh."

Umiling ulit ako.

Gusto ko ng umuwi at magpahinga...

Hihiga na sana ako para matulog ng marinig ko ang boses ni kuya.

"Rhi!"

Lumapit ito sa akin at tinignan ako. Kumunot ang noo niya ng mapansing tulala at namumutla ako.

"Anong nangyari sa kaniya?" Tanong niya kay Anne.

Malungkot na tumingin sa akin si Anne.

"Nabubog siya at grabe ang sugat sa kamay niya at madami dami din yung bubog sa loob kaya kailangan namin siya dalhin dito, pero okay naman na siya.. hindi nga lang nagsasalita at palaging nakatulala."

Tumango si kuya.

"Sige.. paki-ayos na lang yung mga gamit at uuwi na tayo."

Napa-ngiti ako.

Sa wakas uuwi na..

***

"Bunso, sigurado ka bang ayos kana?" Tanong sa akin ni kuya at inalalayan ako sa pagpasok sa kwarto ko.

Tumango ako at ngumiti.

"Sabihin mo sa akin kung may kailangan ka ah?"

Tumango naman ako.

Pumasok na ako sa loob at humiga sa kama.

Hayy.

Nakatingin lang ako sa kisame habang iniisip kung ano nang nangyayari sa puso kong ito.

Gusto ko nang sumuko at mag focus na lang sa acads pero wala eh,

Mahal ko kasi siya..

Sa kakaisip sa mga nangyari kanina ay nakatulog ako.

Nagising ako dahil sa mahinang pagyug-yog sa akin ni kuya.

"Bunso.. kain na."

Ayaw ko pang bumangon dahil sa gustong gusto ko ipahinga ang katawan, isip at puso ko kaso kumakalam na rin ang sikmura ko kaya idinilat ko ang mga mata ko at tumango kay kuya.

"Hihintayin kita sa baba.. Mag-ayos ka ah!" at lumabas na siya.

Mag-ayos?

Kumuha ako ng maayos ayos na damit sa cabinet at nagbihis. Nag suklay lang ako pagkatapos ay bumaba na ako, nasangga pa nga ang kamay ko kaya napangiwi ako.

His Yellow GazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon