Caspher's POV
Medyo matagal na sa C.R si Rhianne kaya naman napag desisyunan ko na sundan na siya.
Pagdating ko sa hallway na papunta sa c.r ay nakita ko siyang nakaupo sa sahig. Agad ko siyang nilapitan.
"Hey, you okay?" Tanong ko sa pag aakalang nadapa lang siya. Hinaplos haplos ko ang pisngi niya at hinalikan ko siya sa noo ngunit nakatulala lang siya.
"Rhianne?"
Tumingin siya sa akin at nag unahan pababa ang mga luha niya.
Nagulat ako!
"What happened?" Tanong ko ka agad.
"Si G-Gemi..."
Nangunot agad ang noo ko.
"Anong ginawa niya sayo?" Tanong ko pero tinuturo niya lang yung maliit na kahon sa hindi kalayuan sa amin.
Kahit naguguluhan ako ay nilapitan ko iyon.
Kinuha ko ang kahon at isang patay na pusa ang bumungad sa akin.
"S-Sabi niya regalo niya daw 'yan s-sayo.."
Napailing na lang ako.
That bitch.
Tinapon ko ang kahon at agad akong lumapit kay Rhianne. Tinulungan ko siyang tumayo.
"Wala 'to.. pinagti-tripan niya lang ako."
Nangunot ang noo niya.
"C-Caspher, hindi na maganda ang kutob ko-"
Hinaplos ko ang pisngi niya.
"I'll handle this."
Binigyan niya ako ng nag aalalang tingin pero sa huli tumango din siya.
"Let's go."
Umalis na kami doon at lumabas na kami ng school. Pagkarating namin sa parking lot ay sumakay na kami sa kotse.
Nagpatugtog lang ako saglit pagkatapos ay ini-start ko na ang kotse.
Kailangan kong pakalmahin sarili ko bago ko masugod at mapatay ang babaeng 'yon.
I found a love for me
Darling just dive right in
And follow my lead
Well I found a girl beautiful and sweet
Bumuntong hininga ako bago ko tignan ang katabi ko. Nagulat ako ng makita kong tulog si Rhianne.
I never knew you were the someone waiting for me
Napangiti ako at hinaplos haplos ko ang pisngi ni Rhianne.
'Cause we were just kids when we fell in love
Not knowing what is was
I will not give you up this time
But darling, just kiss me slow, your heart is all i own
Lumapit ako kay Rhianne at hinalikan ko ang noo niya.
I'll protect you so don't worry..
And in your eyes you're holding mine
***
Rhianne's POV
Nagising ako ng may maramdamang kumikiliti sa pisngi ko. Iminulat ko ang mga mata ko at isang gray and white husky ang bumungad sa akin.
Umupo ako mula sa pagkakahiga ko dito sa isang malambot na puting kama.
"Nasa'n ako?" Tanong ko habang inililibot ko ang tingin sa kabuoan ng kwarto.
"Arf!"
Tumahol ang husky kaya naman napatingin ako sa kaniya.
Ang cute cute!
BINABASA MO ANG
His Yellow Gaze
VampiroA normal girl with a wild imagination and great love for fantasy. Dati rati nababasa niya lamang sa mga libro ang mga bampira at ang iba pang mystical creatures, not until she met his yellow, golden, and alluring gaze.
