Chapter 21

276 11 0
                                        


Caspher's POV

Pagkatapos ng usapan namin ni Ate Cass ay may sumundo na agad sa amin. Umuwi kami sa mansyon na wala namang nangyayaring masama. Tahimik si Flee, alam kong dahil iyon sa pagkamatay ng babaeng sobrang kahinahinala at hindi ko na rin matandaan kung isa siya sa mga naging flings ko.

Pagkadating namin sa mansyon ay sinalubong kami ni Ate Cass.

"Oh my god Fl--I mean R-Rhianne! How are you? Ayos ka lang ba?" Alalang tanong ni Ate at inakay si Flee.

"O-Okay lang po ako.."

Tumango si Ate at tumingin sa akin.

"Dadalhin ko muna si Fl-- I mean si Rhianne sa guest room, kumain ka diyan may niluto naman ako at mag uusap tayo mamaya."

Umakyat na sila at dumeretso ako sa kusina dahil uhaw na ako at gusto ko ng fresh blood.

Bubuksan ko na sana ang ref ng may maamoy akong pamilyar.

"Fck, dinala na naman ni Ate yung lobo na iyon dito argh!"

Wala na dito yung lobo na 'yon pero dahil malakas ang pang amoy ko, naamoy ko pa rin ang kahit katiting na amoy na naiwan dito sa kusina.

Kumuha ako ng wine glass at nilagyan iyon ng fresh blood.

Sumandal ako sa sink at nag isip isip ngunit dumating si aAe.

"Natutulog na siya at hindi ko pa rin siya makausap ng maayos. Mukhang na-trauma talaga siya sa nangyari."

Lumagok ako bago magsalita.

"Yung babaeng pinatay ko isa 'yon sa mga naging flings ko."

Inirapan ako ni Ate at kumuha din ng fresh blood sa ref.

"So, ano ngang nangyari? Bakit mo pinatay?"

Bumuntong hininga ako.

"I think she's a royal blood pretending to be a btch human and wants to kill us."

Kumunot ang noo niya. Naguguluhan.

"Royal blood? A-Alam na nila na buhay ang kaisa-isahang anak ni Fhilistine Gray?"

Nagkibit-balikat ako. Susubukan kong alamin ang isang 'yon.

"I don't know but I'll try to investigate on that."

Bumuntong hininga siya at sumandal sa kitchen table pero agad na bumalik sa dating puwesto.

"Oo nga pala, Nag iimbestiga na si Auntie Fhil kay Rhianne! Mukhang hindi na siya naniniwala. Paano na 'to? Baka mahuli niya na tayo.."

Napailing agad ako.

Fck, masama ito..

"We need to hide Flee as much as possible and we need to look after Auntie Fhil."

Tumango si Ate. "Ako na bahala kay auntie fhil." Aniya.

Nagsabay sabay na ang mga problema, pero isa lang ang kailangan kong gawin.

Kailangan kong bantayan ng maigi si Flee.

***

Rhianne's POV

Napabangon ako bigla ng mapaginipan ko ang nangyari kay Mandy.

Bumuntong hininga ako. Nakakainis.

Inalis ko ang kumot na nakatakip sa katawan ko at tumayo.

Lumabas ako at napag desisyunan ko na pumunta sa kusina upang uminom ng tubig.

Natatakot ako..

Hindi ako natatakot na baka may gustong pumatay sa akin, natatakot ako sa katotohanan na baka si Caspher ang pumatay kay Mandy.

His Yellow GazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon