Chapter 36

237 6 0
                                        

Rhianne's POV

Napa-atras ako.

"A-Anong nangyayari? Paano mo napatay iyong h-halimaw?"

Seriously kinikilabutan na ako. Ewan ko kung maiiyak ba ako o ano sa nakita ko ngayon.

Mababaliw na ata ako!

Bigla na lang naglaho ang halimaw at itinago na ni Carl ang espada niya.

"Hindi 'yon halimaw. Demonyo 'yon. Aksidente kong naiwan na nakabukas ang portal papunta sa lugar ng mga demonyo at nakawala ang isang 'yon pero ayos naman na. Wala nang dapat ipag alala."

Natulala ako sa mga sinasabi niya. Para na akong masisiraan ng ulo dahil sa mga nangyayari!

"W-What? Are you serious?! Bakit alam mo ang mga ganong bagay? Demonyo ka ba? At papaano si Anne.. Baka mapahamak siya!"

Tinulungan niya ako tumayo at tumitig siya sa akin ng may lungkot sa kaniyang mga mata.

"Isa lang akong hamak na tao, Rhianne."

Napahinga naman ako ng maluwag.

"Isa ako ang Demon Hunter. Pinapatay ko ang mga demonyo."

Naibaba ko ang paningin ko bigla.

"H-Hindi ba delikado 'yang ginagawa mo? Paano kung mapahamak ang pamilya mo at si Anne?"

Umiling siya sa akin.

"Wala na akong pamilya at si Anne-"

Nangunot ang noo ko.

"Bakit?"

"Demonyo si Anne."

Nanlaki ang mga mata ko. Parang akong mahihimatay sa sinabi niya!

"A-ANO?!"

Napa-awang ang bibig ko.

"H-Hindi..."

Tumitig siya sa akin.

"May dalawang klase ng mga demonyo. Ang puti at itim. Ang itim ay ang mga demonyong kumakain ng tao. Katulad ng nakita mo kanina. Masasama sila at walang puso."

Hindi na ako makahinga. Kung ganon delikado si Anne?

Ano ba 'tong nangyayari?

"Ang mga puti naman ay hindi kumakain ng tao. Imbis na kumain sila ng tao upang lumakas sila ng lumakas, sila'y nagtatago at mailap."

Nangunot ang noo ko.

"B-Bakit parang hindi naman demonyo si Anne?"

Huminga siya ng malalim.

"Dahil hindi pa siya nag kakaroon ng blood contact sa totoong pamilya niyang mga demonyo."

"I-Ibig mong sabihin-"

"Yes. Adopted child si Anne. Mga tao ang nagpalaki sa kanya."

Lumungkot ang mukha ko.

"Kumuha ako ng blood sample sa kanya at tama nga ako. Kailangan ng dugo ng pamilya niya para maging ganap siyang demonyo."

Tumitig ako sa kaniya.

"Malakas ang pang amoy ko, Rhianne. Dahil sa pang amoy ko nadiskubre ko na hindi normal si Anne."

Mas lalo akong tumitig sa kaniya.

"And you know kung kanino pa ako nagtataka? Sayo. Sayo, Rhianne. May naaamoy akong kakaiba sayo. I don't know pero iba, iba sa mga tao."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Grabe para na akong maiiyak sa mga nalalaman ko.

I-Iba?

His Yellow GazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon