Chapter 22

265 9 0
                                        

Rhianne's POV

Nakaupo na kami ni Caspher sa couch at nanonood ng movie. Naka-akbay sa akin si Caspher habang nilalaro laro ang dulo ng buhok ko at mahinang hinahalikan ang pisngi ko.

Dumaan ang ilan pang mga minuto at na-bored na ako. Hinila ko ang laylayan ng T-shirt na suot ni Caspher at agad naman siyang nagbaba ng tingin sa 'kin at nag puppy eyes naman ako.

Hehehe

"Caspher, ginugutom ako..."

Sumimangot siya ng makitang nag pa-puppy eyes ako at-

"Ouch!"

Hinimas ko ang pisngi ko dahil kinurot na naman ito ni Caspher!

Tatawa-tawa siyang tumayo at pumunta sa may ref at kumuha ng makakain.

Kumuha siya ng yogurt at ibinigay 'yon sa akin.

"Yay!"

Agad kong binuksan at tinikman yung yogurt.

Ang saraaaap!

Pinatay na ni Caspher ang t.v at tumitig na lang sa akin.

Tumitig din ako sa kaniya.

"Ang ganda talaga ng mata mo.." Ani ko at tumitig pa sa mga mata niya lalo.

Sumubo ulit ako ng yogurt.

"Thanks.." aniya at tumitig din sa akin.

Ngumiti ako.

"Hindi ba na-iinsecure sayo si Ate Cass or ang family niyo?" Tanong ko dahil ang alam ko si Caspher lang ang may golden yellowish na mata at ang iba ay kulay pula na.

"Si Ate Cass, maybe?"

Natawa ako ng mahina.

"Pa 'no mo naman nasabi?"

Natatawa kong tanong.

"Kasi nung mga bata pa kami pag nasasabihan ako na maganda and unique ang mga mata ko, nag wo-walk out siya at magkukulong sa kwarto niya ng isang buong araw."

Napatawa ako ng malakas!

"Hahahahaha!"

Tumigil ako sa pagtawa at tumitig ulit sa mga mata niya.

"Totoo naman eh.. ang ganda ng mga mata mo, kaya ko yata tignan 'yan buong araw!"

Ngumiti ako at idinampi ko ang labi ko sa mga mata niya at kasabay non ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Napapikit siya.

Pumikit din ako.

Tama pa ba itong nararamdaman ko?

Hindi ko na kayang pigilan dahil feeling ko kapag pinigilan ko ay maiipit ang dibdib ko at sasabog ito.

Kailangan ko itong hayaan.

Hindi dapat pigilan..

Dahil kung pipigilan akong mahalin itong bampira ito- feeling ko hindi ko na kaya...

Shit, Caspher!

I love you, and it will always be you, love.

His Yellow GazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon