Chapter 24

252 10 0
                                        

Rhianne's POV

Pagkatapos kong mag paalam kay Anne ay umalis na kaagad ako.

"Ang aga mo namang umuwi, hija?" Tanong ng guard ng nakangiti.

Pilit na ngumiti na lang ako.

"Masama po pakiramdam ko, eh."

Tinapik niya ang balikat ko.

"Sige, mag-iingat ka.."

Ngumiti lang ako pagkatapos ay lumabas na ako.

Natigil ako sa paglalakad ng tawagin ako ni Ate Cass.

"Rhianne!"

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang balikat ko.

"Tara, shopping!"

Napa-isip naman ako.

Wala naman si kuya sa bahay..

"Okay lang naman po."

Ngumiti ng matamis si ate Cass.

"Great, let's go!"

At sumakay na nga kami sa kotse.

Makalipas ang ilang minuto ay nasa mall na din kami. Malaki ang ngiti ni Ate Cass habang namimili ng relo dito sa isang shop sa mall. Magaganda ang mga relo dito at mukhang mahal talaga. Masasabi kong yayamanin talaga sila Ate Cass.

Tumingin ako kay Ate Cass.

Bakit kaya sa mga panlalaki na design nagtitingin si Ate Cass?

Lumapit ako sa kaniya.

Ang gaganda ng mga design! Wow!

Sobrang mahal ng mga presyo. Naagaw ng isang relo ang atensyon ko. Kinuha ko ito at pinakatitigan.

Purong itim lang ito at makintab kapag natatapat sa ilaw. Nung una akala ko smart watch ito dahil may screen ito, pero nang pinindot ko ang maliit nitong screen ay lumabas ang oras at napangiti ako.

Hindi mo ito aakalaing simple dahil mukhang pang professional talaga at maganda ang pagkakagawa.

Natigil ako sa pagtitig do'n ng hablutin 'yon sa akin ni Ate Cass.

"Wow! Bagay 'to sa kanya ah?"

Sino ba ang pagbibigyan niya?

Kumunot ang noo ko.

"Sino bang pagbibigyan mo?"

"Si Caspher.. Malapit na kasi yung birthday niya, eh."

Nanlaki ang mga mata ko!

Oo nga pala...

Hinablot ko ulit ang watch kay Ate cass.

"Woi, ano ba! I'm gonna buy that one!"

Ngumisi ako.

"Ako ang nauna dito 'no kaya ako ang bibili nito."

Napailing na lang si Ate Cass.

Kahit masama ang loob ko do'n sa bampirang 'yon, eh nag-effort naman siya nung birthday ko eh kaya mag-e-effort din ako hehe.

***

Lumipas ang ilang araw at hindi na kami nagpapansinan ni Caspher. Nag focus din kasi ako sa acads ko ngayon pero hindi maalis alis ang selos sa kaloob-looban ko dahil parang naging close si Caspher at Gemi dahil palagi silang magkasama.

Nandito ako sa library ngayon at nagre-review para sa quiz namin mamaya. Desidido kasi ako na tumaas ang grade ko at syempre maka-graduate ng may award.

His Yellow GazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon